5

1317 Words
"Napapadalas talaga iyang lalaking iyan dito." Puna ni Anais nang tumabi ito sa akin habang nakaupo ako at pinapanood sa paglalaro si Elio at Rojan. Isang linggong wala ang pamilya nila Anais at Storm. No'ng nakaraang araw lang sila nakauwi. Pero lagi ko namang ipinapaalam dito kapag aalis kami ng anak ko o kaya may bisita kami. Kaya alam nitong palagi talaga si Rojan dito. "Kayo na ba? Naayos n'yo na ba ang gusot sa pagitan n'yo? Kasal na ba ang susunod?" "Anais, masyadong mabilis ang lahat. Hindi ko alam." "Dapat lang maging mabilis. 33 ka na, girl." "Parang ikaw hindi?" ani ko. Kambal kami. Pareho siyempre kami ng edad. "Ako nakatatlo na. Gusto pa ni Elio ng kapatid. Dagdagan mo pa." "Siraulo! Magdadagdag lang ako kung mahanap ko na iyong lalaki na katulad ni Silong---" "Patahimikin mo na ang kaluluwa ni Silong. Ginagawa mo na lang excuse para makaiwas ka sa lalaki. Halata namang seryoso si Rojan De La Castanieda sa 'yo. Hindi ka aaraw-arawin n'yan dito kung hindi siya seryoso." Kung alam lang ni Anais, malabong ipagtulakan n'ya ako sa lalaking iyan. Pero kapag ipinaalam ko naman ay tiyak kong hindi papayag si Anais na ginaganon-ganon lang ako. Paano kung totohanin ni Rojan ang banta n'ya? Eh 'di damay na naman si Anais na may tahimik ng buhay. No. Hindi ako papayag na magulo na naman ang buhay ni Anais. Masaya na ang kakambal ko. Deserve n'ya iyong kasiyahan n'ya at peace of mind ngayon. "Hindi ko alam, Anais." "Subukan mo kasi. Buksan mo ang puso mo sa kanya. Tignan mo... kaya mo bang ibigay iyong ganyang saya?" itinuro nito si Elio. "Iyong saya na kayang ibigay ng lalaking iyan sa anak mo... kaya mo bang ibigay? Tatay ang hanap n'ya, Andeng. Iyong tatay na mamahalin siya at mamahalin ka. Iyon lang naman ang hiling ng anak mo. Ang daming lalaking inireto sa 'yo. Kahit si Elio ay kung sino-sino na ang inireto sa 'yo. Naghahanap siya nang pagmamahal ng isang ama. Sa mga lalaking iyon ay saglit lang ang saya ni Elio. Pero kay Rojan ay halatang hindi panandalian. Attached na iyong bata." "Alam mo naman kung paano kami nagsimula ni Rojan." "Alam ko. Pero iyong ginagawa n'yang panliligaw ngayon ay siguro naman enough na iyon para subukan mong buksan ang puso mo na hindi tinitignan at iniisip kung paano kayo nagsimula. Mukha namang mabait iyong tao. Kung hindi kay Rojan, pwede sa ibang lalaki. Pero buksan mo rin naman ang isip at puso mo. Para makapasok sila." Nanahimik ako. Iyong lutong nang tawa ng anak ko ang nag-e-echo. Masaya nga ito. Iyong saya na kaya kong ibigay sa ibang paraan. Pero hindi ko kayang ibigay iyong sayang katulad nang naibibigay ni Rojan dito. -- Mabilis na lumipas ang mga araw. Mas lalong nalapit ang loob ni Elio kay Rojan. Tipong mas gusto na nitong magpasundo kay Rojan tuwing uwian sa eskwela. Gusto na rin nitong si Rojan ang maghahatid dito. Halos ipagkalat na rin ng anak ko na may soon-to-be daddy na ito. Gano'n kasaya si Elio sa atensyon nakukuha nito kay Rojan. Ngayong nakatulala ako sa pregnancy test na hawak ko. Hindi ko tiyak kung matutuwa ang anak ko o hindi. Nanginginig ang kamay ko, katatapos ko lang umiyak nang umiyak. Iyong bunga ng kalasingan at karupukan ko no'ng gabing iyon ay ito na. Lumapit si Rojan sa akin at kinuha ang hawak ko. Kung ako'y down na down at tuliro. Ito naman ay nagtatalon sa labis na galak. "Magiging daddy na ako? Yes. Yes." Nandito kami sa apartment n'ya. Sumama si Elio kina Tempepe kaya naman ako lang ngayon ang nagpunta rito kay Rojan. Nalaman kasi ng lalaki na masama ang pakiramdam ko at wala akong pamilya na kasama ngayon sa bahay. Nagulat na nga lang din ako ng abutan ako nito ng pregnancy test para raw ma-check namin kung buntis ba ako. Panay kasi ang pagduduwal ko. Nahihilo rin ako na sa totoo lang ay ilang araw ko nang nararamdaman. Lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. "Magpakasal na tayo, Andrea. Titiyakin kong hindi kita bibiguin. Pati na si Elio. Magiging ama ako sa kanya. Bubuo tayo ng pamilya natin kasama si Elio at ang magiging baby natin." Pinunasan nito ang luha ko. "A-yaw mo pa rin ba?" alanganin tanong nito sa akin. "Ang dami kong what if's, Rojan. Natatakot din ako sa 'yo." Amin ko rito. "I'm sorry kung puro pananakot ang ginawa ko sa 'yo noon. Pwede naman tayong magsimula ng bago, 'di ba? Subukan natin, Andrea. Para sa mga bata. Para kay Elio at sa magiging baby natin." Litong-lito ako. Pero dahil pursigido ang lalaki ay napasang-ayon na lang ako rito. "Seryoso ako sa 'yo, Andrea. Sa sobrang seryoso ay willing akong iharap ka ngayon sa kapatid ko. Pati na rin sa ama ko." Mabilis akong umiling. "Si Rowan... mas mabuting siya muna ang kausapin natin." "Ikaw ang bahala. Payag ka nang magpakasal sa akin?" gumawi sa singsing na suot ko ang tingin ko. "Kausapin muna natin si Rowan. Baka ayaw n'ya sa akin bilang sis-in-law n'ya---" "Tiyak na ayaw n'ya talaga. Nakalimutan mo na bang may gusto siya sa 'yo. For sure gugustuhin n'yang maging bride ka n'ya." "Kaya mas mabuting kausapin na muna natin siya." Tumango naman si Rojan. Saka inalalayan akong lumabas ng banyo. Ang dami ko nang naririnig mula rito na plano para sa kasal namin... para sa baby namin. Puro magagarbo na hindi ko naman gusto. "Kung gusto mo talagang magpakasal tayo... pwede bang civil wedding na lang muna?" natigilan ito. Saka matagal na napatitig sa akin. "Iyon ba ang gusto mo, Andrea?" "Oo. Alam naman nating hindi natin mahal ang isa't isa. Ayaw kung humarap sa altar at magsinungaling." "If that's what you want. Then fine. Let's get married now." "Hoy! Anong now? Hindi pwede. Masyado namang mabilis." "Tawagan mo si Elio. Ipaalam natin sa kanya ang plano nating magpakasal. Tatawagan ko rin si Rojan. Pati na iyong contact ko. Magpapakasal tayo sa siyudad kung saan ako nakapirmi." "Sandali... ang bilis mong magplano." "Kapag nalaman ng ama mo ang sitwasyon mo ay tiyak kong makikialam siya. Hindi ko bibigyan nang pagkakataong mangyari iyon." Nakangising ani pa ng lalaki. Saka s'ya lumabas ng kwarto bitbit ang cellphone n'ya. Wala sa sariling naupo ako sa gilid ng kama at tinawagan ang anak ko. "Anak, nasaan na kayo?" "Mama Andeng, nandito na po kami sa resort. Kumusta ka po, Mama Andeng ko?" malambing na tanong ng anak ko. "Okay naman ang mama, 'nak. Pero may gusto sanang sabihin si mama sa 'yo. May kasama ka ba d'yan?" "Nandito po ako sa room ko, Mama Andeng. Mamaya pa po ako bababa para maligo." "Listen to me, Elio. Wala munang ibang pwedeng makaalam, anak." "Ano po iyon, ma? Ayos po ba talaga kayo." Halatang nag-aalala na ito sa akin. "Yes, anak ko. Ayos talaga ako. Pero may biglaan kasi kaming plano ni Tito Rojan mo---" "Ano po?" biglang nagkaroon ng excitement ang tinig ni Elio sa kabilang linya. "Magpapakasal kami ngayon ng Tito Rojan mo, anak. Okay lang ba sa 'yo iyon? Kung hindi okay ay tatakas na lang ako---" "Ma, siyempre po okay na okay sa akin. Masayang-masaya po ako ngayon, mama." Narinig ko pa ang pagsigaw nito ng 'yes'. "Talaga, anak? Sure ka ba talagang okay lang sa 'yo?" "Mama, okay na okay po sa akin. Kung alam mo lang po kung gaano ako kasaya ay tiyak na sasaya ka rin." "Nice to hear that, anak. Para sa 'yo ay gagawin ito ni mama. Mahal na mahal kita, Elio." "Mahal din po kita, mama." Napangiti na lang ako. Saka nagpaalam na rito. Nang balikan ako ni Rojan ay sinabi nito sa akin na kunin na raw namin ang mga important documents ko para makaalis na. Ito na... magpapakasal na nga talaga ako sa taong hindi ko naman mahal. Matutunan ko kaya itong mahalin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD