PAGKASAKAY na pagkasakay ni Elijah sa kotse niyang Toyota Camry na si Radcliff ang asa driver seat upang magmaneho, ay umalis na sila sa hotel na pinuntahan nila kung saan invited si Elijah sa isang birthday party ng isang businessman. At dahil a-attend din ang taong kailangang linisin ni Elijah dahil sa lihim nitong pagbibigay impormasyon sa ibang mafia clan patungkol sa mga transaction ng Vendetta Cartel, ay kailangan nila itong burahin upang maging leksyon na din sa mga magbabalak na traydurin ang clan nila, at si Elijah.
Tatlong van ang nakasunod sa kotse ni Elijah kung saan nakasakay doon ang iba niyang mga tauhan, pabalik na sila sa anchorage dahil may malaki silang transaction na magaganap kung saan ipapadala na nila ang mga babaeng kanilang hawak sa mga foreign costumer sa tatlong bansang hawak nila, ang Bogota, Morocco at Bahrain.
“Cage has recovered the documents of transaction stolen by Mr. Tucson to us. They also burned the camp of Mr. Tucson, and the gift you are giving to the Tuvios Clan in Sicily has been sent to their camp, by tomorrow they will receive that gift from you, el señor.” Pagbibigay alam ni Radcliff kay Elijah na prente at nakadekwatrong nakaupo sa likuran at naka cross-arms habang sa bintana nakatuon ang malamig nitong tingin.
Nilingon ni Radcliff si Elijah sa kaniyang rear mirror, sa tagal na niyang naglilingkod bilang consigliere ay masasabi niyang kilala na niya ang kaniyang pinaglilingkuran, dahil hindi lang Don ang turing ni Radcliff kay Elijah kundi kaibigan. Kasama na siya ni Elijah simula una hanggang sa maging mafia lord ito ng Vendetta Cartel na ipinamahala ng late don ng clan nila. At ito na ang nagpalaki at nagpalawak ng kanilang mafia clan. Lahat ng meron si Elijah ay pinaghirapan nitong kunin para sa isang layunin at dahilan na patuloy na sinusuportahan ni Radcliff.
Alam niyang tahimik lang si Elijah, pero alam niya ring may kakaiba dito simula ng lumabas sila ng hotel. Hindi man halata dahil walang expression o emotion na makikita sa mukha o mga mata nito, pero kilala na ni Radcliff ang kanilang boss.
“May problema ba, Rijm?” agad atensyong tanong ni Radcliff kay Elijah na malamig ang mga tinging lumingon sa kaniya.
Masasabi ni Radcliff na sanay na siya sa ganitong klaseng tingin ni Elijah, dahil ilang taon na ring ganito ang mga matang tumitingin sa kaniya.
“Problem? Wala akong problema, Remington. Ako ang problema, hindi ako ang namomroblema.” Walang emosyon na sagot ni Elijah bago muling binalik ang tingin sa bintana.
“Is that so, iba kasi ang pagkatahimik mo ngayon after natin makalabas sa hotel. Anyway, we left Ms. Agnes in the hotel, is that okay?”
“Tss! That b***h is fvcking annoying, she’s pestering me by asking me to take her in dance.” Plain na sagot ni Elijah na expected na ni Radcliff na mabilis mairita ang kaniyang boss sa isang babae lalo na pag makulit ito at pinipilit ang gusto.
“Then sino ang babaeng kausap mo kanina bago tayo lumabas ng hotel?” sunod na tanong ni Radcliff na walang sagot siyang narinig kay Elijah.
“Rij---“
“She’s no one. Can’t we have a silent travel without you asking nonsense questions, Remington? Just f*****g drive.” Malamig na putol ni Elijah kay Radcliff.
“Yes, el señor.” Ngiting sagot nalang ni Radcliff at nag focus nalang sa pagmamaneho nito.
Ibinalik muli ni Elijah ang tingin niya sa bintana nang bumalik sa isipan niya ang labi ng babaeng hindi niya alam kung bakit niya hinalikan. Dumako lang ang mga mata niya sa mapupulang labi nito at nagka urge siyang tikman ang labi nito na ginawa naman niya.
Napakunot ang noo ni Elijah, dahil may nakaka talik man siyang mga babae, he make sure na hindi siya mahahalikan ng mga ito. Ayaw niyang may babaeng hahalik sa kaniya, s*x is fine, pleasuring him is good but kissing him is not allowed. Kaya clueless si Elijah kung bakit siya ang humalik sa babaeng hindi din niya maintindihan bakit niya nilapitan.
Ilang oras na biyahe nila pabalik sa anchorage, ay nakarating na sila at agad silang pinagbuksan ng malaking gate. Pagkarating nila sa tapat ng malaking mansion ay pinagbuksan na si Elijah ng isa sa mga tauhan niya, bumaba siya sa kotse ganun din si Radcliff na tumunog ang cellphone na agad nitong kinuha sa bulsa nito at sinagot ang sinomang tumatawag.
Nag-umpisa ng maglakad si Elijah papasok sa mansion habang nakasunod si Radcliff sa kaniya na miya-miya ay sumabay ng lakad sa kaniya at inilahad ang cellphone nito.
“El señor, Mr. Harrison wants to speak with you about the project of his building that he wants you to handle.”’ Pagbibigay alam ni Radcliff na walang salitang kinuha ni Elijah ang cellphone ni Radcliff.
“Mr. Harrison, I do hope that you know my first rule in terms of business.” Malamig na sagot ni Elijah habang dere-deretso silang naglalakad sa hallway ng mansion ni Radcliff at may mga tauhan siyang nasa likuran nila at nakasunod.
“Mr. Monte Carlo, I’m sorry if I called you about my project building that I want you to handle and be my engineer. This is a good deal and I know that Prestige Construction Solution can give me a good service and making a strong building that can last.”
“I don’t do business on phone, if you want my company to handle you project building, you better come to my office and show me your proposal.” Walang emosyon na sagot ni Elijah bago ibinalik kay Radcliff ang cellphone nito at dere-deretsong naglakad hanggang lumiko ito sa kanang hallway.
At nang makarating siya sa pinakadulong kwarto ng mansion ay agad niya itong binuksan kung saan napalingon sa kaniya at sabay-sabay na yumuko ang mga tauhan niya, inaayos at binabantayan ang mga babaeng nakapiring at hindi makaiyak ng ayos dahil sa ga nakabusal sa mga bibigi ng mga ito.
Labing limang mga babae ang nasa loob ng pinakadulong kwarto, at lahat iyon ay pinasadahan ng tigin ni Elijah.
“They are ready to ship el señor, five women for three foreign countries.” Pagbibigay alam ng tauhan nito na nangunguna sa pagta-transport ng mga nakukuha nilang mga babae.
“Make sure they will send to our customers, I won’t accept complain to them or I will kill you.” Malamig na banta ni Elijah na bahagyang ikinayuko ng tauhan niya sa kaniya.
“Masusunod po, el señor.” Sagot nito na naglakad na palayo para bigyan na ng utos ang mga kasama nito na ilabas na at dalhin sa cargo ang mga babaeng ipapadala na nila sa mga foreign costumers nila.
Naglakad naman si Elijah sa isang pintuan na meron sa kwartong kinalalagyan niya kung saan doon nakalagay ang mga droga na ipapadala niya sa susunod nila na transaction.
“Remington.”
“Yes, el señor.”
“Magsama ka ng ilan sa mga tauhan natin sa Tuscany, visit the Ruvioso Clan and kill every one of them except to their don. Bring him to me alive, and make sure there’s no trace will left at their camp. They’re one of those small f*****g clan na mas gustong makisiksik sa Figueroa clan na nakikipag matigasan sa akin. Whoever joins Mr. Calimero to his clan to add his power against Vendetta Cartel, make them regret and vanish.” Walang emosyon na utos ni Elijah na ikinayuko ni Radcliff dito.
This is Elijah Rijm Monte Claro, a mercilessly don of Vendetta Cartel, a man with a cold emotionless heart that was hiding in his chosen profession as engineer and owner of a big successful construction company.
“As you wish, el señor.”
SAMANTALA, kakahinto lang ng kotse ni Calix sa kanto malapit sa papasok na daan papunta sa bahay ni Bella. Pansin niya ang pagkatahimik ng dalaga simula ng umalis sila sa may hotel hanggang sa makarating sila sa lugar ng tirahan ni Bella. Wala itong imik sa biyahe nila kaya naisip ni Calix na baka nabigla ito dahil may pinatay sa hotel kung nasaan sila. Ang hindi alam ni Calix, kaya walang salita at imik si Bella sa kanilang biyahe ay patuloy na nape-play sa isipan nito ang halik ng estrangherong gwapong lalaki sa may hotel.
First kiss ang nawala sa kaniya sa gabing iyon, at isang lalaking kahit gwapo ay hindi naman niya kilala ang kumuha nito. Big deal iyon para sa kaniya pero imbis na magreklamo o magalit siya ay hindi maalis sa isipan niya ang malambot na labi nito at ang magandang mga mata nito na nakita niya kahit malamig na tingin ang binibigay sa kaniya, at walang emosyon.
Ba-bakit kaya niya ako hinalikan? Tanong ni Bella sa kaniyang isipan.
“Bella?”
Bahagyang napapitlag si Bella ng marinig niya ang pagtawag ni Calix sa kaniya na ikinalingon niya dito.
“Tawag mo ako?”ani na tanong ni Bella.
“Are you okay? Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka diyan.”ani ni Calix.
“A-ano kasi…”
“Kung ang nakitang patay sa birthday party ng ama ni Trixie ang naiisip mo, huwag mo ng isipin. Hindi ko din expected na may murder na mangyayari doon.”pahayag ni Calix kahit hindi ang tungkol doon ang nagpapatulala kay Bella.
“Ah? Sino ba ang pinatay?” tanong ni Bella at pilit na isinasantabi sa isipan niya ang halik ni Elijah sa kaniya.
“Si Mr. Venson Topaz ang pinatay, may ari siya ng isang Cargo Truck Container Company. Ang hindi ko maunawaan, ano ang rason ng pagpatay dito at sino ang gumawa.”ani ni Calix na kita ni Bella na napapaisip sa nangyari sa may hotel.
“Teka? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ng ex-fiancée mo?” pag-iibang usapan ni Bella ba ikinabuntong hininga ni Calix na sumandal sa upuan niya.
“She wants me back, nag explain siya sa akin about sa relasyon nila ng best friend ko. She cried to me, pero hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tanggapin.”
“Mahal mo pa ba?” tanong ni Bella na ikinatango ni Calix.
“Then take her back, hindi masamang magbigay ng second chance, Calixto lalo na pag mahal mo.” Payong kumento ni Bella.
“Pag-iisipan ko muna, ayokong sumubok ulit with Trixie. Mahal ko siya pero ayokong masaktan ulit, masakit masaktan. Kaya ikaw Bella, bilang kaibigan mo. Make sure na ang lalaking mamahalin mo ay hindi ka paiiyakin.”pahayag ni Calix na nag-iwan pa ng bilin kay Bella na bahagyang ikinatawa nito.
“Hindi ako nagbibiro.”
“Ang seryoso mong magbilin, Calix. Hindi mo dapat problemahin ‘yan dahil wala pa sa bokabularyo ko ang magmahal. Tsaka walang lalaking babagay sa mahirap na gaya ko, kalawang ako para sa kanila.”wika ni Bella.
“Don’t down yourself, Bella.”
“Yeah right. Sige na, kung tapos na ang duty ko as your host uuwi na ako. Good luck sa pag-iisip mo sa buhay pag-ibig mo, galingan mo.”ngiting ani ni Bella na inalis na ang seatbelt niya.
“Hatid na kita para alam kong safe ka talagang makaka-uwi sa bahay mo.”
“Kaya ko ang sarili ko, Calix.”sagot ni Bella na binuksan na ang pintuan at lumabas na at nilingon muna si Calix.
“Ingat sa pag-uwi.”
“Babae ka Bella, hindi sa minamaliit kita bilang isang babae pero may mga bagay din na hindi mo kayang gawin ng ikaw lang mag-isa. I’m your friend now, you can relay to me sometimes.”pahayag na opinyon ni Calix na ikinangiti ni Bella sa binata.
Walang maituturing na kaibigan si Bella, kahit mga kasama niya sa club ay hindi niya masasabing kaibigan niya. Pero napalapit na din si Calix sa kaniya ng siya at siya lang ang kunin nitong host, madami na rin silang napag-usapan kaya masasabi ni Bella na si Calix ang una niyang naging malapit na kaibigan.
“Salamat Calixto, pero kaya ko talaga ang sarili ko. Pero tatandaan ko ang huli mong sinabi, ingat ka.”saad ni Bella bago sinara na ang pintuan at nagsimula ng maglakad papauwi sa bahay niya.
Alam ni Bella na mabuti ang intensyon ni Calix sa mga sinabi nito at alok nito sa kaniya, pero si Bella ang klase ng babaeng ayaw umasa sa tulong ng iba. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, na kaya niya ang sarili niya at hindi kailangan ng tulong ng iba.
Dere-deretso lang si Bella sa kaniyang paglalakad habang maingat na lumilingon sa paligid, hindi parin kumportable si Bella sa paligid niya dahil naiisip parin niya na baka sumulpot ulit ang mga kumuha sa kaniya niya isang linggo na ang nakakalipas.
At nakahinga lang ng maluwag si Bella ng makapasok na siya sa kaniyang simpleng bahay.
Kinabukasan ay maagang nagising si Bella upang gawin na ang mga dapat niyang gawin, umigib na siya ng mga tubig para sa banyo niya at hindi nalang niya pinapansin ang mga lalaking nagpapa cute sa kaniya at nagpapapansin, dahilan kung bakit malayo ang bahay niya sa mga ito. Pagsapit ng gabi ay pumasok na si Bella sa club, deretso siyang pumasok sa locker room kung saan binati siya ng mga kasama niya sa trabaho, at as usual, nakatanggap na naman siya ng pang-iirap mula kay Pamela.
“Sigurado kami Bella na ibu-book ka na naman ni sir pogi bilang host niya, ikaw at ikaw lagi ang pinipili niya kaya ibang costumer naiinggit na.” saad ng katrabaho ni Bella habang nag-aayos na sila para sa kanilang trabaho.
“Gwapo ang isang ‘yun, kaya lang walang taste.”ani ni Pamela na akmang magsasalita si Sha-Sha upang sitahin si Pamela sa sinabi nito ng pigilan ito ni Bella at ngiting umiling dito.
“Gusto mo Pamela, ireto kita sa kaniya? Malaking magbigay ng tip si Mr. Sanchez compare sa mga naging costume---“
“Pwede ba?! Kaya kong makakuha ng mas mayaman na costumer kaysa sayo.”sitang putol ni Pamela kay Bella na malakas na sinara ang locker nito bago umalis.
“Ingetera talaga ang isang ‘yun.” Kumento ni ShaSha na ikinangiti nalang ni Bella ng pumasok ang kanilang mami Gwen na sabay-sabay nilang binati.
“Mag-ayos na kayo at magbubukas na tayo, oo nga pala Bella. Hindi makakapunta si Mr. Sanchez ngayon kaya free ka ulit to accept costumer, okay?” ani ni mami Gwen na ikinatango ni Bella.
Nasayangan ang mga kasama ni Bella dahil wala si Calix na regular costumer niya, kahit siya napapaisip kung bakit wala ito ngayon. Nagkibit balikat nalang si Bella at tinapos na ang pag-aayos sa sarili bago sila sabay-sabay na lumabas ng locker room.
Nang magbukas ang bar ay unti-unti ng napupuno ng costumers ang club at sunod-sunod na naman ang gustong makuha si Bella bilang host nila. Si mami Gwen ang pumipili ng costumer alam nilang magbibigay ng malaking tip at bayad sa service ni Bella, mga nakatumpok ang mga kalalakihan at kaniya-kaniyang bigay ng presyo para mapili upang bigyan ng service ni Bella.
“Kalma lang kayo, huwag kayong magtulakan. Isa lang talaga sa inyo ang pwedeng maging host si Bella at ‘yung mas malaki ang offer ay ‘yun ang kukunin namin. At huwag kayong mag-alala, marami pa kaming mga magagandang babae na magiging host niyo ngayong gabi.” Malawak ang ngiting ani ni mami Gwen dahil hindi ito makapili sa kung sino ang bayad na kukunin niya.
“Fifty thousand plus big tip, ako ang piliin mo.” Ani ng isang may katandaang lalaki na hawak-hawak ang pera nito.
“Sixty thousand!” ani naman ng isa pang businessman na nagsunod-sunod na ang pagtaas ng offer para kay Bella na hindi mapaniwalaan ng mga katrabaho ni Bella at mas lalong ikinainis ni Pamela dahil sa atensyon na nakukuha ni Bella sa mga costumers nila.
“One hundred thousand pesos plus Fourthy thousand na tip para sa magandang binibini na ‘yan.”ani ng isang boses na ikinalingon ng lahat sa isang lalaking nakatayo sa may bandang likuran.
Sa tingin ni Bella ay middle age na lalaki ito, pero hindi siya makapaniwala sa presyo sinabi nito para lang maging host siya nito. Kahit si mami Gwen at mga katrabaho ni Bella, ganon din ang mga gustong makuha ang service ni Bella ay nawalan ng imik habang nakatingin sa lalaking nakikita nila ngayon.
“O-one hundred th-thousand pesos at fo-fourthy thousand tip? Si-sigurado kayo?” hindi makapaniwalang paninigurado ni mami Gwen.
“Yes pero hindi ako ang kukuha ng service niya.”ani ng lalaki na umalis sa kinatatayuan nito kung saan dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Bella sa bulto ng lalaking nakikita niya sa kaniyang harapan, na hindi niya makakalimutan dahil ito ang lalaking kumuha ng first kiss niya.
Nakasuit ito na bagay na bagay dito, nakagel ang buhok nito katulad ng una niya itong nakita sa hotel at walang emosyon parin siyang nakikita sa mga mata nito, at malamig parin kung tumitig ito. Pero mas gumwapo ito habang nakapamulsang nakatayo at nakatutok ang malamig na tingin sa kaniya.
“Siya si Mr. Elijah Rijm Monte Carlo, at gusto niyang ikaw ang maging host niya ngayong gabi.”