Chapter 27

3145 Words

KAKALABAS lang ni Bella sa kwarto na kaniyang tinutulugan sa bahay-ampunan, sinigurado na haharap siya sa mga madre at mga bata na hindi mahahalata na umiyak siya. Naghilamos siya ng maayos upang hindi makita ng mga madre ang pamumugto ng kaniyang mata dahil sa pag-iyak niya. Sa mga oras na ‘yun ay sobrang bigat pa din ng pakiramdam ni Bella matapos ang ginawang pag-alis ni Elijah ng walang paalam sa kaniya, o hinintay man siyang magising, at ang mas nagpabigat sa kaniyang sakit na nararamdaman ay ang pag-iwan ni Elijah ng pera na parang sinasabi nito na isa siyang babaeng bayaran. Masakit para kay Bella na iparamdam iyon ni Elijah sa kaniya, samantalang siya ay walang nagawa kagabi kung hindi ang muling ibigay ang sarili niya dito dahil mahal niya ito, at mahirap para sa kaniya na laban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD