KINAGABIHAN, kalalabas lang ni Bella sa banyo matapos siyang mag half bath, nang bahagya siyang magulat ng makita niya si Elijah na nasa kama, nakasandal sa headboard, may hawak na libro at nakasalamin. Naka tshirt na puti ito at nakikita ni Bella ang kaseryosohan nito sa binabasa nitong libro. Hindi maiwasan ni Bella na kumabog ang kaniyang puso dahil wala siyang naalala na matinong higa sa kama kasama si Elijah. Kinakabahan siya na baka may mangyari ulit sa kanila nito at hindi siya makatanggi dahil aaminin niya sa kaniyang sarili na nagiging alipin siya ni Elijah pagdating s*x, na kahit isang beses ay hindi pumapasok sa kaniya noon. Kinalma ni Bella ang sarili, huminga ng malalim bago walang salita na naglakad na sa kabilang side ng kama at dahan-dahan doon na umupo. "Are you nervous