NAGKAKAGULO sa mga oras na ‘yun ang lahat ng staff ng Prestige Construction Solution dahil pabalik na ang kanilang boss na isang linggo na nawala dahil sa country business na pinunatahan nito sa Brazil. Isang linggong naging smooth at maaliwalas ang kanilang pagtatrabaho at pagkilos sa loob ng kumpanya na pinagta-trabahuan nila, pero matatapos na dahil sa pabalik nilang amo.
Natataranta at mga kabado ang mga staff ng PCS habang inaayos nila ang lahat upang walang masabi ang kanilang boss, dahil alam nilang mawawalan sila ng trabaho pag may nakita itong mali. Takot man sila sa kanilang boss ay pinili nilang manatili at pagbutihin ang trabaho dahil sa magandang benefits na binibigay nito, kahit cold ito, istrikto at walang pakiealam sa mga tao sa paligid niya, ay nanatili sila dahil wala ng ibang company na may magandang benefits na katulad ng PCS.
Lahat ng pwedeng makitang di nais ng kanilang boss ay mabilis na inalis at inaayos ng lahat ng staff, pati ang opisina ng kanilang boss ay ipinaayos nila upang matuwa ito sa kanila.
“Mahirap na naman para sa atin ang gumalaw dahil babalik na si Mr. Monte Carlo, nagtataasan na ang mga balahibo ko ngayong babalik na siya.” Kumentong saad na may kaba ng isang staff habang nag-aayos ito ng mga gamit sa mesa ng boss nila.
“Itikom mo nga ‘yang bibig mo at huwag magsalita ng ganiyan na pwedeng ikatanggal mo dito, alam mo bang may tenga ang bawat sulok ng company na ‘to at pwedeng makarating ‘yan sa boss natin.”suway ng kasama nitong naglilinis na agad ikinatikom ng bibig ng kaniyang kasama na lahat naman sila sa PCS ay kabado sa pagbabalik ng kanilang boss.
“Bakit kasi tayo pa ang pinaglinis sa office ni Monte Carlo? Sa daming pwedeng utusan bakit tayo pa?” angal pa nito habang nagpupunas ng mga upuan sa loob ng opisina ng boss nila.
“Sino ba ang naka assign sa paglilinis dito?” tanong ng kasama nito na napatigil sa ginagawa nito at kunot noong lumingon sa kaniya.
“M-Meron bang naka-assign talaga na maglilinis dito?” tanong nito na napatigil na rin sa ginagawa ang kasama niya at lumingon sa kaniya.
“Hindi ko alam kaya nga nagtatanong ako di’ba?” naguguluhang tanong nito.
“A-ano nga ulit ang sinabi ni Mr. Lagrema kanina? Kung hindi ako nagkakamali ng pagkakarinig ay pinapalinis niya ang opisina ni Mr. Monte Carlo di ‘ba?” paniniguradong tanong nito sa kasama niya na pilit inisip ang sinabi ng Assistant. Manager ng PCS.
“Ayon din ang pagkakarinig ko, tama naman na maglinis tayo dito di’ ba?” sagot nito nang sabay silang mapalingon ng magbukas ang pintuan ng opisina ng boss nila at parang natuod sila sa kanilang kinatatayuan ng makita nila ang kinakatakutan nilang boss na walang emosyon na nakatingin sa kaniya, habang nasa likuran nito ang secretary nitong lalaki na may seryosong ekspresyon din na nakapaskil sa mukha nito.
“B-boss! Welcome back po!” sabay na bati ng dalawang staff kahit pakiramdam nilang nanlalambot ang kanilang mga tuhod sa kaba habang nasa harapan nila ang walang emosyon nilang boss.
Hindi magawang makakilos ng dalawang staff habang nakikita nila kung paano pasadahan ng tingin ng kanilang boss ang loob ng opisina nito, tahimik itong naglakad papunta sa mesa nito na agad na pilit ikinagilid ng dalawang staff palayo sa table nito.
Nang makarating ang boss nila sa mesa nito na sinusuri ang mga naroon ay napapalunok sa kaba ang dalawang staff, walang imik ang kanilang boss nang umupo na ito sa mesa nito. Hindi nila inasahan na makakabalik agad ang boss nila at wala man lang ni isa sa mga katrabaho nila ang nagbigay ng signal upang sabihin na nakarating na ang kanilang boss.
“Leave.” Malamig na turan ng kanilang boss na malamig na tingin din ang binigay sa dalawa na sabay na yumuko at dali-daling nagmabilis na lumabas ng opisina ng boss nila habang nakasunod ng tingin ang secretary nito.
“Remington.”” Walang emosyon na tawag ng CEO ng Prestige Construction Solution na agad na binalingan ng tingin ng secretary nito at naglakad palapit sa mesa nito.
“Those two intruder. Fired them.” Malamig na utos nito na bago tumayo sa pagkaka-upo niya at inayos ang sarili.
“And call all every head of every department, they all need to report to me the whole week I’m not here.”pahayag pa nito na ikinayuko ng kaniyang secretary bago naglakad palabas sa opisina ng kaniyang boss.
Ang CEO-Engineer ng Prestige Construction Solution, Elijah Rijm Monte Carlo, na kinatakutan ng kaniyang mga empleyado na hindi naman lingid sa kaniya. Mas gusto niyang may takot ang mga empleyado niya upang magtrabaho ito ng mabuti at hindi nagkakamali. Ang pinaka-ayaw ni Elijah ay may nagkakamali sa trabaho na binibigay niya, he wants everything to be perfect because Elijah doesn’t want any failures in his vocabulary.
Matapos maibigay ng secretary ni Elijah ang pinag-uutos nito sa bawat head department ng PCS ay walang sinayang na oras ang mga ito at agad nagtungo sa meeting conference room. Hindi lang pagkakamali sa trabaho ang ayaw ni Elijah, ayaw din nito ang may nasasayang na oras. Bawat isa sa anim na department ay naka-upo na sa kani-kanilang respective seats at hinihintay ang pagdating ng kanilang boss.
“Nabalitaan niyo na ang pagpapatalsik ni Mr. Monte Carlo sa dalawang staff na naabutan nitong naglilinis sa opisina nito? It’s impulsive of him na magtagal ng mga staff ng walang magandang dahilan.” mahinang panimulang saad ng isa sa anim na head leader ng Financial department kung saan ito ang nagha-handle ng pumapasok na pera, lumalabas at sahod ng mga empleyado.
“Kararating lang ng ating boss ay may pinatalsik na agad siya, after the one week heaven without the demon, now we will suffer again.”mahinang ani naman ng head leader ng Project/construction department. Sila naman ang nag-aayos at nagpe-prepare ng mga materials na dumadating at lumalabas para sa mga site na nagiging assignment nila.
“We should not slack-off, he will fired anyone whom he thinks are lazy in their job. I can’t afford to lose this job, kaya lagi kong pinaalalahanan ang mga tao ko, our boss is not considerate one.” ani naman ng head leader ng Engineering department.
“Pag narito siya ay hindi maituturing na kumpanya ang lugar na ito kundi impyerno.” Naiiling na ani naman ng head leader ng Marketing/development department.
“The boss would not fire us kung maganda at maayos tayong magtrabaho, and besides normal para sa isang CEO ang istrikto para mas umayos ang negosyo.” Ani naman ng head leader ng Human resource department kung saan sila naman ang kumukuha at nagbibigay ng mga employee, construction workers, mason, at mga taong abala sa pagtatayo ng mga building projects sa mga sites ng PCS.
“Ms. Zaragoza, nasasabi mo lang ‘yan dahil gusto mo ang CEO natin despites sa character and attitude nito. Kung hind ilang magganda ang pasahod at benefits ng PCS ay hindi ako magtatagal dito. Dapat ay laging wala dito si Mr. Monte Carlo dahil nagtatrabaho naman tayo ng maayos, kung narito siya matatakot tayong gumalaw at magkamali.”ani naman ng head leader ng Purchasing department.
“Is that how you said to your co-employees talking behind your boss back?”
Natulos at napaupo ng ayos ang limang head leader sa malamig na boses na kanilang narinig sa kabuuan ng conference room. Biglang kinabahan at natakot ang limang leader na may negative comment sa boss nila nang makita nila itong naglakad at umupo sa pwesto nito.
“Welcome back Mr. Monte Carlo.” Malapad ang ngiting bati ng nag-iisang babaeng head leader ng PCS kay Elijah na walang emosyon na nakaupo sa harapan nila.
“Why don’t you say those words I heard to the five of you, narito na ako.” Malamig na pahayag ni Elijah sa mga ito na hindi alam kung anong gagawin dahil hindi nila inasahan na maririnig ng boss nila ang pinagsasasabi nila.
“I heard someone called me demon.” Ani ni Elijah na ikinatulos ng head leader ng Project/ construction operation dept.
“It’s Mr. Cayetano, though I don’t see demon in you, boss but greek god that gifts for women.”ani ni Ms. Zaragoza na gulat na napalingon sa kaniya ang may-ari ng pangalan na binanggit niya.
“Oh! Mr. Reyes said that you are inconsiderate, Mr. Santiago in the other hand ay sinabing parang nasa impyerno siya pag narito kayo, and si Mr. Clarkson? Sinabi niya na dapat always kayong wala dito, hindi ako makapaniwala na nasasabi nila ang mga bagay na ‘yun gayong maayos kayong boss.”pahayag pa ni Ms. Zaragoza na isinusumbong ang mga negative na salitang nabitawan ng kasamahan niyang limang head na butil-butil na ang mga pawis sa mga noo nito.
“Let me hear your reports regarding to the department you are handling, I will give you fifteen minutes to tell me every details.” Malamig na saad na pagbabago ng usapan ni Elijah na umayos ng pagkakasandal niya sa upuan niya at ibinagsak ang walang emosyon nitong mga mata sa head leader ng Project construction department na sa tingin palang na binigay ni Elijah ay agad itong tumayo upang magsimula ng magbigay ng report nito.
Mga kinakabahan man ay maayos na nasabi ng bawat head ang kanilang mga report sa mga hawak nila, tahimik at nakikinig lang si Elijah sa kanila hanggang sa matapos ang mga ito. Nakabalik na muli sa kani-kanilang upuan ang anim na head leader at hinihintay ang sasabihin ng kanilang boss sa mga ni-report nila.
“Everything you report was good, you can leave now.” Malamig na kumento lang ni Elijah na mabilis na ikinatayo ng limang head founder at dali-daling lumabas ng conference room.
Nag-aayos ng dala niyang gamit si Ms. Zaragoza ng walang kaba dahil wala siyang sinabi against sa boss niya na kahit malamig pa sa yelo ay hinahangaan parin niya.
“Ms. Zaragoza.” Malamig na tawag ni Elijah na malawak ang ngiting lumingon sa kaniya.
“Yes, boss?”
‘”Hire for a replacement for five departments in my company.” Pagbibigay alam ni Elijah bago tumayo sa kinauupuan nito.
“Right away, boss.” Agad na sagot ni Ms. Zaragoza na malanding naglakad palabas ng conference room at naiwasan si Elijah at ang secretary nito.
“Anong gagawin ko sa limang hangal na ‘yun, el señor?” tanong ni Radcliff Remington, ang loyal secretary ni Elijah.
“You know what you will do to those insects, make it severe.” Walang emosyon na sagot ni Elijah bago tumayo sa kinauupuan niya at naglakad na palabas ng conference room.
“Dadalaw po ba tayo sa anchorage, el señor?” tanong ni Radcliff habang nasa likuran siya ni Elijah nakasunod sa paglalakad nito.
“Yes.” Maikli at malamig na sagot ni Elijah.
Sa buong maghapon sa PCS ay naging alerto, at abala lahat ng emplyado matapos nilang mabalitaan na unang araw na pagbabalik ng kanilang boss ay pito na agad ang napatalsik nito, at ayaw nilang sumunod. Ang isang linggong masayang trabaho ng mga empleyado ni Elijah ay natapos na sa pagbabalik niya. Matapos ang buong araw ay naunang umalis si Elijah, tahimik lang siya sa biyahe hanggang makarating sila ni Radcliff sa pinakadulo ng syudad na wala masyadong sasakyan o taong dumadaan, wala masyadong nakakaalam ng lugar na ‘yun.
Sa pagdating nila ay isang malaking gate ang nagbukas na dere-deretsong ikinapasok ng dalang kotse ni Elijah. Madilim ang lugar pero sa pinakadulo ay isang malaking mansion ang makikita, pagkatigil ng kotse sa tapat ng malaki at malawak na mansion ay si Radcliff ang unang bumaba bago pinagbuksan ng pintuan si Elijah.
Inayos ni Elijah ang suot niyang suit bago nagsimula ng maglakad papasok sa mansion kasunod si Radcliff, pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ay hindi mabilang na mga lalaking naka suit ang sumalubong at sabay-sabay na yumuko sa kanilang pagdating.
“Maligayang pagbabalik el señor!” sabay-sabay na sigaw at bati ng lahat kay Elijah na ikinalakad nito sa hallway habang nakayuko parin ang mga tauhan niya.
“Bakit hindi mo sagutin ang pagbati nila, el señor.”ani ni Radcliff.
“Why would I? How’s the transaction from Bahrain to Moscow?” malamig na pahayag ni Elijah kay Radcliff na sumabay ng paglalakad sa kaniya.
“Nadala ng maayos ang mga epektus sa Moscow at natanggap na ni Mr. Wales, other transaction is also shipped the way it planned. Bukas naman ang pag-alis ng barko papuntang England para dalhin ang mga babaeng nabili ng mga foreign buyer natin. Kahit isang linggo tayong nawala dahil business trip mo, tuloy-tuloy at maayos ang mga naging transaction natin.” Pagbibigay balita ni Radcliff na walang sagot itong nakuha kay Elijah na ikinangiti niya lang dahil sanay na siya sa kaniyang boss.
Si Elijah ay hindi lang isang normal at istriktong businessman at CEO ng kilalang construction company na umaattend ng mga conferences, siya din ay parte at namumuno ng isang Mafioso na grupo na may pangalang Vendetta Cartel, na nabuo sa Vladivostok, Russia, ng isang taong naging dahilan kung nasaan si Elijah ngayon. Siya ang Don at nasa likod ng mga illegal na gawain. Hindi lang nagtatanggal ng mga empleyado na hindi niya gusto si Elijah, kaya din niyang pumatay ng mga taong hadlang sa mga ginagawa niya. At si Radcliff Remington ay hindi lang niya basta secretary, ito din ay ang kaniyang consigliere, the advisor and right-hand man, and a counselor to Elijah as their don and boss of Vendetta Cartel.
Ang masakit na nakaraan na napagdaanan ni Elijah ang naging dahilan kung bakit nasa ganitong katayuan siya, ang mga nakaraan niya ang nagtulak sa kaniyang maging malamig at walang emosyon ay ang masalimuot niyang kahapon na hindi niya kinakalimutan.