DAHAN-DAHAN na iminulat ni Bella ang kaniyang mga mata ng sumilip ang sikat ng araw sa bintana ng kuwartong kinalalagyan niya. Hindi pa masyadong maimulat ni Bella ang kaniyang mga mata dahil sa bigat ng mga talukap nito dahil kaunting oras lang ang naging tulog nila ni Elijah. Hindi na nila alam kung anong oras sila natapos sa pag-angkin sa isa’t-isa, para silang gutom na gutom sa isa’t-isa na hindi nagsasawang paligayahin ang bawat isa. At expected na ni Bella na uumagahin sila dahil sa lakas ng stamina ni Elijah kahit siya ang gumalawa buong magdamag dahil sa lagay ng paa nito. Nakakaramdam pa man ng antok si Bella ay dahan-dahan na siyang bumangon sa pagkakahiga niya, bumagsak ang kumot niya na agad niyang ikinamulat upang takpan ang katawan niya sa pag-aakalang hubad pa siya, pero n