DAHAN-DAHAN na nagising si Bella sa pagkakahiga niya, ramdam niya ang bigat ng pakiramdam niya at sakit ng katawan niya lalo na ang ibabang parte nito. Nararamdaman pa niya ang init ng katawan niya kaya pakiramdam niya ay ayaw niyang magmulat ng kaniyang mga mata o gumalaw dahil nasasaktan siya at pakiramdam niya at nanlalambot siya. “B-Bakit ang sama ng pakiramdam ko…”mahinang sambit ni Bella na pilit niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Kahit pakiramdam niya ay mabigat ang talukap ng mga mata niya ay pinilit niya iyong imulat, iginala niya ang kaniyang paningin na agad ding nanlaki at akmang tatayo siya sa kaniyang pagkakahiga ng mapadaing siya sa sakit kaya agad siyang bumalik sa pagkakahiga niya. “Ba-Bakit ang sakit ng ibabang parte ng katawa---“ Hindi natapos ni Bella ang sasabi