WARNING: SOME CONTEXT HERE ARE RATED SPG! KUNG BATA KA SKIP MO 'TO, KUNG NASA TAMANG EDAD KA NASA TAMANG BABASAHIN KA. ENJOY! “T-tama ako! Hindi ako pwedeng magkamali, natatandaan ko na ang lugar na ‘to. I-Ito ‘yung lugar kung saan dinala ako ng mga taong kumuha sa akin at binalak na ibenta sa mag forei---d-don’t tell me…” Hindi matapos-tapos ni Bella ang sasabihin niya ng unti-unti siyang may marealize sa mga oras na ‘yun na hindi niya mapaniwalaan. “K-Kung ganun, t-tauhan ni Elijah ang dumukot sa akin noon…” hindi makapaniwalang bulaslas ni Bella habang deretsong nakatingin sa tinatahak nilang daan sa loob ng anchorage. “What do you mean? Nakuha ka ng mga tauhan ni Elijah? And you escaped?” kunot noong tanong ni Sean ng itigil na niya ang kotse niya sa tapat ng malaki at malawak na b