DAHAN-DAHAN na iminulat ni Bella ang kaniyang mga mata at napabalikwas nalang ng pagbangon ng bumalik sa isipan niya ang nangyari bago siya mawalan ng malay.
“Nasa---“
Hindi natapos ni Bella ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kaniyang kanang paa na may bakal na kadena na ikinagulat niya. Agad niya itong hinawakan at pilit na tinanggal sa kaniyiang paa ang kadenang nakakabit sa kanang paa niya pero hindi niya magawa.
“Ano ba ‘to? Bakit may ganito ang kanang paa ko?” naguguluhan at nagsisimulang mataranta na ani ni Bella habang pilit niyang inaalis ang kadena.
“Kahit anong gawin mo hindi ka makakawala sa kadena na ‘yan.”
Natigilan at napalingon si Bella sa boses na narinig niya kung saan mas lalo siyang nagulat dahil hind ilang siya ang nasa basement at nakakadena ang paa. Hindi makapaniwala si Bella na may lima pa siyang mga babaeng kasama na ang iba ay mga umiiyak at ang iba ay tahimik nalang sa mga pwesto nito.
“P-paanong…”
“…hindi tayo makakaalis sa basement na ‘to maliban nalang kung alisin nila tayo dito dahil may nakabili na sa atin.” Saad pa ng kumakausap sa kaniyang babae na di kalayauan sa kaniya.
“A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko ma gets, paanong napunta tayo sa ganitong lugar?” naguguluhang tanong ni Bella.
“Katulad mo dinukot din kami ng mga di kilalang mga lalaki, at habang wala kang malay narinig ko ang sinasabi nila na ibebenta nila tayo sa mga banyaga para pagkakitaan.”sagot ng babae na ikinalaki ng mga mata ni Bella.
“A-ano? I-ibebenta tayo?!” bulaslas ni Bella na napalakas ang boses nito sa gulat na nalaman niya.
“Anong gagawin natin? Paano tayo makakatakas dito, a-ayokong maibenta, ayoko…”natatakot na sambit ng isa sa mga kasama nilang babae na isa-isa ng nagsalita ang mga natatakot na mga babae sa sitwasyon nila.
Akala ni Bella ay makakapagpahinga na siya ng mabuti, pero hindi niya inasahan na ang pag-igib niya ng tubig na minsan na niyang ginagawa ay biglang magdadala sa kaniya sa sitwasyon na hindi niya inaasahan. Hindi narin niya maiwasan na kabahan at matakot pero pinatatag niya ang sarili niya dahil katulad ng mga babae na kasama niya ay ayaw niya din na maibenta sa kung sino.
“Kahit umiyak tayo wala na tayong magagawa, hindi tayo makakatakas sa lugar na ‘to.” Ani ng babae na mabilis na ikinatayo ni Bella.
“Hindi ka dapat ganiyan magsalita! Kailangan nating umisip ng paraan kung paano tayo makakaalis sa lugar na ‘to, hindi ka dapat panghinaan ng loob.”
“Sa tingin mo ba makakatakas tayo dito?! Paano tayo makakapasok kung nakakadena ang mga paa natin, hindi nga natin alam kung nasaan tayo?!” singhal na sagot ng babae na nagsisimula na ding umiyak.
“Pero hindi ka dapat magsalita ng ganiyan, gusto niyong makaalis dito kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa. Mag-isip tayo ng paraan paano makakaalis dito, makakatakas tayo.”pagpapalakas ni Bella sa loob ng mga kababaihan na kasama niya.
Ayaw ni Bella na pati siya ay panghinaan ng loob kaya nagpakatatag siya, pinilit niyang makaisip ng paraan. Ibinagsak ni Bella ang tingin niya sa kadena sa kaniyang kanang paa, inisip niya kung paano niya ito maiaalis ng mapalingon siya sa isang lalaking nakasuit na may dalang malaking tray ng pagkain.
Nakatingin lang sila dito hanggang sa mabuksan nito ang gate at ilapag ang tray ng pagkain, walang salitang lumalabas dito. Nakatingin lang si Bella dito ng may maisip siyang paraan upang makaalis, walang pagdadalawang isip na tinalon niya ang lalaki at binabahan ito. Nagulat naman ang mga babae sa ginawa ni Bella na hindi bumibitaw sa pagkakababa nito sa lalaki na pilit siyang inaalis.
“Tulungan niyo ako! Patulugin natin siya at kunin ang susi sa kaniya para makaalis na tayo sa lugar na ‘to!”ani ni Bella habang napapanngiwi siya sa ginagawang paghablot ng lalaki sa kaniya na binababahan niya habang nagkakatinginan ang mga babae.
“Kumilos na kayo! Gusto niyo bang maibenta tayo ng walang ginagawa par makatakas dito?!”sigaw ni Bella kaya kahit mga takot at sumugod na din ang mga kababaihan at pinaghahampas ang lalaki.
Pilit itong lumalaban nang malakas nitong itinilapon si Bella na pabagsak na ikinaupo nito, napangiwi si Bella dahil sa pagkakabagsak niya. Pero nakita niyang hinahampas pari ng mga babae ang lalaki kaya nilibot ni Bella ang tingin niya, nang makita niya ang tray na dala nito ay agad nitong tinapon ang mga pagkain at kinuha ang tray bago tumayo, lumapit siya sa lalaki at may gigil at malakas niyang hinampas sa ulunan nito ang tray na ikinawalan nito ng malay at pabagsak na ikinahinga nito sa sahig.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Bella at agad hinanap ang susi sa lalaking walang malay, at ng makita niya ito ay hindi maiwasan ni Bella na matuwa. Agad niyang sinusian ang kadena sa paanan niya na agad ding nagbukas.
“Nabuksan ko na!” natuwang bulaslas ni Bella ng lingunin niya ang mga babae at agad niyang nilapitan.
“Kayo naman, sama-sama tayong tumakas dito.’’ani ni Bella na akmang gagamitin na ang susi para pakawalan ang mga kababaihan ng makarinig sila ng mga yabag na nagpatigil kay Bella.
“Ma-mahuhuli nila tayo…”natatakot na ani ng isang babae na ikinailing ni Bella.
“Hindi tayo mahuhuli kung aalis na tayo agad dito, kaya bilisan na natin.”ani Bella ng matigilan siya ng hawakan ng babae ang kamay niya na ikinalingon niya dito.
“Tumakas ka na, huwag mo na kaming intindihin.”
“Hindi ko kayo pwedeng iwan, isasama ko kayo sa pagtakas dito.”iling ni Bella na naluluhang ikinailing ng babae.
“Tumakas ka na, kung gusto mo kaming tulungan huminga ka ng tulong dahil kung mahuhuli ka ulit hindi na talaga kami makakaligtas. K-kaya tumakas ka na, iligtas mo ang sarili mo bago ka pa nila mahuli.”pahayag ng babae na ikinailing ni Bella.
“Umalis ka na!”sigaw pa nito bago tinulak si Bella.
Hindi napigilan ni Bella na mapaluha at ayaw man niyang iwan ang mga babae ay wala na siyang nagawa dahil malalapit na ang yabag na paparating.
“Hi-hihingi ako ng tulong, babalikan ko kayo pangako ko ‘yan.” Naluluhang saad ni Bella na ikinatango ng mga babae bago siya tumayo at wala ng nagawa kundi tumakbo palabas ng basement.
Tumutulo man ang mga luha ni Bella ay patuloy lang siya sa pagtakbo niya hanggang makalabas siya sa isang lumang building. Natigilan si Bella ng makita niyang knasa gitna sila ng gubat, napatakbo nalang ulit siya ng makarinig siya ng mga yabag at boses kaya agad siyang tumakbo sa kagubatan. Hindi man alam ni Bella kung nasaan siya ay tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa makalabas siya ng kalsada. Palingon-lingon si Bella sa kaniyang likuran habang naghihintay ng pwedeng masakyan, nakakarinig na siya ng mga boses mula sa gubat papalapit sa kaniya ng may dumaan na isang truck na agad niyang hinarangan.
Akala niya ay hindi siya titigilan nito pero huminto ito bago pa man ito makalapit sa katawan ni Bella.
“Miss magpapakamatay ka ba?!” singhal na pagsilip ng driver kay Bella na agad na tumakbo sa gilid nito.
“P-parang awa mo na kuya, tulungan mo ako. M-may humahabol sa akin…”iyak ni Bella nang mapalingon ang driver sa may gubat kung saan may naririnig siyang mga kaluskos.
“Bilisan mo sumakay ka na dito.”ani ng driver na agad na ginawa ni Bella ang sinabi nito.
Sumakay na siya at agad din na umalis ang truck habang hindi mapigilan ni Bella ang mga luha niya dahil sa pagkaka-iwan niya sa mga babae sa basement.
WALANG EMOSYON naman si Elijah na nakatayo at nakatingin sa mga babaeng natatakot na umiiyak sa may gilid ng basement na nagsama-sama, bago ibinaling ang malamig niyang tingin sa tauhan nitong nakaluhod habang nasa likuran niya lang si Radcliff.
“…e-el señor…na-nakatakas ang isang babae na nakuha namin. Pinagtulungan kasi ako ng mga babaeng ‘to kaya nakatakas ‘yung isa…” kabadong eksplenasyon ng tauhan ni Elijah.
“Ibabalik ko siya, ibabalik ko ‘yung babae dit—“
“You let one of them escape, how can I forgive you?” walang emosyon na ani ni Elijah na agad ikinayukod nito sa kaniya.
“Patawarin mo ako el señor, hahanapin ko ang babaeng ‘yun at ibabalik dito.”pagmamakaawa ng tauhan nito na ikinatalikod ni Elijah.
“Remington…”malamig na ani nito na miya-miya ay napahiyaw sa takot ang mga babae ng isang malakas na putok ang narinig sa basement kung saan walang buhay na naliligo na sa sarili nitong dugo na kinahintakutan ng mga babae sa kanilang nasaksihan.
“Throw him in the trash, and about the woman who escaped, find her.”walang emosyon na pahayag ni Elijah bago naglakad paalis sa basement na bahagyang ikinayuko ni Radcliff.
“Maikli talaga ang pasensya ni Eli, kalimutan niyo nalang ang nakita niyo girls.”saad at ngiting ani ni Radcliff sa mga babaeng nanginginig sa takot dahil sa nasaksihan bago dinampot ang walang buhay na lalaki at hinila ito paalis sa basement.