ANG NAKARAAN #1
"DIYOS ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapasalon tayo ngayon din!"
Toinks!
Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin?! Grabe siya!
"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.
Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap.
"God, na-miss kitang bata ka."
"Na-miss din po kita, Tita."
Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at chineck si Yolly sa buong katawan.
"Okay lang po ako, Tita."
"Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakabait na ginang si Yolly.
Naluha naman si Yolly. Hindi rin niya mailarawan kasi ang damdamin na muling makita ang mabait na ginang. Maliban kay Yaya Chadeng ay ito rin kasi ang tinuturing niyang pangalawang ina. Kasama sa kalokohan, for exact.
Noong nagtatago nga siya sa maid quarters ay paminsan-minsan lumalabas siya at sumisilip kasi 'di niya matiis na hindi ito makita lalo na si Andy. Pero syempre maingat na maingat siya. Sinisigurado niyang hindi siya makikita. Subalit sa halos tatlong buwan na iyon ay mailap na makita niya ang mag-ina dahil nga sa wala lagi sila sa bahay gawa ng paghahanap daw sa kanya.
"Hindi namin alam kung saan ka hahanapin, Diyos ko, iang drum 'ata ng luha ang naubos namin ni Balaeng Yolanda kakaiyak dahil kinakabahan kami sa 'yo. 'Yang si Andy naubos lahat ng alak sa mini bar. Ay, Grabe talaga," Kwento pa ni Madam Angie.
Napahagikgik si Yolly na napatingin kay Andy.
"Yolly, ano kumusta ang ending? Ayos ba? Nakakilig ba ang moment na sinasabi mo?" bungad ng excited na si Yaya Chadeng na bagong gising.
Inirapan ito ni Yolly. Naalala niyang tinulugan kasi siya nito. Ang sama.
Natawa naman si Andy. Dahil alam na nito ang lahat. Alam na nito na pakana lahat ni Yaya Chadeng ang nangyari. Bago kasi sila umuwi pagkatapos ng halikan na iyon ay nagkwentuhan muna sila ni Yolly at pinagtapat lahat ni Yolly sa kanya. Una na nilang pinauwi sa Karen na inubos ang lahat ng pera sa wallet ni Andy. Bayad daw sa binigay nito sa magbabalut.
Napatingin si Madam Angie kay Yaya Chadeng. "Anong ibig sabihin nito, Yaya? Mayroon ba akong 'di alam? Anong ending ang sinasabi mo?"
Biglang tiklob si Yaya Chadeng sa kinatatayuan. Nag-peace sign ito kay Madam na humakbang patalikod. Ito yata ang lagot ngayon. Aw!
But at least dahil sa ginawa nitong pagtatago kay Yolly ay naging maganda naman ang resulta. Dahil kung hindi, eh, malamang denial pa rin ng denial ang dalawa sa totoong damdamin nila. 'Di ba?
"Mom, may kasalanan nga sa 'tin si yaya," sumbong ni Andy sa ina.
"Yaya, ano 'yon?!" nanlalaking mga mata ni Madam Angie na tanong pa kay Yaya Chadeng.
"Madam, magpapaliwanag ako," napangiwing wika ni Yaya Chadeng.
"Pwes simulan mo na!" galit na hindi na sabi ni Madam Angie.
"Eh, kasi ganito 'yon, Madam--" Hawak ang sariling leeg niya si Yaya Chadeng. Hindi nito alam kung paano mag-uumpisang magkumpisal. Tumingin pa ito kaya Yolly. Tingin na humihingi ng tulong.
Hagikgikan sina Yolly at Andy. Pero sa huli syempre tinulungan nilang magpaliwanag si Yaya Chadeng.
"Grabe, ha?! 'Di ko man lang napansin na nandito ka lang pala sa loob ng bahay!" Nasapo ni Madam Angie ang sariling noo. Pagkuwa'y inundayan ng kunwaring suntok si Yaya Chadeng.
"Ang galing ko, Madam, 'di ba?" pagmamalaki pa ni Yaya Chadeng.
"Tse! Magluto ka na ro'n!"
Nagtatampong humakbang nga papuntang kusina si Yaya Chadeng. "'Di man lang kayo magpasalamat sa 'kin. Ganyan na pala kayo ngayon. Sige sa book 2 na ito wala na kayong aasahan sa 'kin."
"Yaya, may sinasabi ka?" Si Madam Angie dahil bubulong-bulong ang matanda.
"Wala!" pagsusungit ni Yaya Chadeng. Masama talaga ang loob nito dahil ito pa ngayon ang napagalitan. Ito na nga 'yung gumawa ng paraan para magkatuloyan ang dalawa. Tapos ngayon ito pa ang masama. Hmmmp! Nakaka-hmmmp talaga!
Madaming buntong-hininga pa rin si Madam Angie. At madaming iling pa rin kahit wala na si Yaya Chadeng. "Buti talaga at gumana ang plano ng matandang iyon. Paano na lang kung hindi. Diyos ko!"
"Mom, hayaan niyo na si Yaya. Cool din naman ang ginawa niya, eh. Hindi man lang natin nahulaan na nandito lang pala si Yolly sa loob ng bahay," pagtatanggol ni Andy sa tagapag-alaga.
"Saka ang gusto lang naman ni Yaya, eh, maramdaman po ni Andy na kapag nawala ako ay mahal niya ako," ayuda ni Yolly na hinakawan ang kamay ng nobyo at nginitian ng matamis. "Na nangyari naman po, 'di po ba? Kaya successful po ang plano sa 'min ni Yaya Chadeng."
"Ang galing niyo, noh?" Pilyong pindot ni Andy sa ilong ni Yolly. "Naisip niyo 'yon? Nadali niyo tuloy ako. Pero buti ginawa niyo 'yon kasi naramdaman ko na love na love na love na love pala kita."
Kunwari pang nahiya si Yolly. Ipit siya ng buhok sa tainga niya. Ngayon pa siya nag-pa-cute talaga... kesye nemen, eh!
"Ay sus, mamaya na kayo maglambingan. Natawagan niyo na ba sina balae?" awat ni Madam Angie sa kanilang dalawa.
"Yes, M---" Hindi naituloy ang isasagot ni Andy dahil dumating na sina Aling Yolanda. Sila, kasi kasama nito si Cristine.
"Diyos ko, anak ko!" Humahangos na lapit at yakap agad ni Aling Yolanda kay Yolly nang nakita nito ang anak.
"Nanay ko!" Iyak din ni Yolly na sinalubong ng yakap ang ina. Totoong na-miss niya ang Nanay niya.
"Yolly, buti buhay ko! Akala ko patay ka na! Akala ko ni-rape ka na sa tabi-tabi! O kaya sinunog at tinapon kung saan-saan pagkatapos kang holdapin!" Subalit dagdag pa kasi sa iyak ni Aling Yolanda. Okay na sana, eh! Pang-famas award na sana ulit, eh!
Naitulak tuloy ni Yolly ang ina. "Nanay?!" at busangot ang mukhang saway niya. An'daming puwede kasing akalain. Mga ganoon talaga ang inakala ng nanay niya? Ang harsh! 'Yung totoo, gusto ba nitong bumalik siya talaga?! O ano?!
Tsk! Hindi pa rin nagbago ang nanay niya talaga. Sabagay three months nga lang pala siyang nagtago. Ano bang aasahan niya?
Gayunman, masaya siya, masaya pa rin siya na makakasama niya ulit ang mga taong mahal niya. Mga taong mahal niya na mga sira-ulo din talaga tulad niya.
"Okay ka lang ba, Anak?" Kinulong ni Aling Yolanda ang mukha niya sa mga palad nito.
Tumango siya saka madamdamin niyang pinatung sa mga palad ng ina ang mga palad niya. "Opo, 'Nay."
Tapos ay totoo nang nagyakapan ulit silang mag-ina. Totoo nang pinaramdam nila ang pangungulila nila sa isa't isa. Wala ng halong patawa, wala ng kaek-ekan.
"Huwag mo na uulitin ang maglayas, ha?" garalgal na tinig ni Aling Yolanda. Wala na yatang balak bitawan ang anak. Dahil alam ng Diyos kung gaano ito nag-alala para kay Yolly. Bilang isang ina, kahit na minsan ay baliw ito ay totoong napakahirap para rito na hindi makita si Yolly.
"Insan!!" Singit na rin ni Cristine na yumakap kay Yolly. Hindi na mahintay na kumawala ng yakap si Aling Yolanda kay Yolly.
Bahagyang nagtatalon si Yolly nang nakita ang pinsa. "Cristine!!" Ginantihan niya rin ito ng yakap. Pinagitnaan na lang nila si Aling Yolanda.
Natawa at nakisala na rin sina Andy at Madam Angie. Nainggit sila sa yakapan. Group hug sila. Tawa sila nang tawa. Pero dahil naipit na si Yolly... "Teka lang! Naipit na ang baby ko!" ay aniya na tumigil na.
Gitla silang lahat na kumawala.
"Anong baby?!" halos sabay na tanong nina Madam Angie at Aling Yolanda.
Nagkatinginan sina Yolly at Andy. Tapos ay nakangiting sabay nilang hinawakan ang manipis pang tiyan ni Yolly.
Sapat na iyon para maghawakan sina Aling Yolanda at Madam Angie. Nagtatalon sila sa sobrang kagalakan. "May apo na tayo! May apo tayo!" at parang batang paulit-ulit nilang sabi.
"Nag-PT ka na ba? Baka maulit na naman ang nagyari! Sigurado na ba 'yan? Tulad na ba ito 'yan na bubukol?" nga lang ay tanong ni Cristine na nagpatigil sa mag-balae, ngayon lang napansin ni Yolly na maumbok na ang tiyan ni Cristine dahil hinimas-himas ni Cristine ang tiyan. Ang laki ng ngiti niya sa pinsan.
"Oo nga? Sure na ba iyan, Yolly?" paniniguro na rin ni Madam Angie.
Nagkatinginan ulit ang magkasintahan. Kahit si Andy ay may pagtatanong sa tingin nito. Pero nang hinaplos ni Yolly ang pisngi nito ay ngumiti ulit ang binata.
"Opo. Siguradong-sigurado na ako," tapos ay may katiyakang sagot ni Yolly. Promise hindi na ito epic fail.
Muling lumuwang ang mga ngiti ng lahat. Kasama na si Yaya Chadeng na lumabas na sa kusina at may dalang miryenda para sa lahat.
"Teka. Paano ka pala nabuntis, Yolly? Kailan nangyari 'yung ganoon?" Ngunit hirit pa talaga ni Aling Yolanda na naglipat-lipat ang tingin kina Andy at Yolly.
"Nay?!" malakas na nay nina Yolly at Andy. As in sabay.
"Aba'y dapat malinaw ang lahat! Ikwento niyo naman!" giit ni Aling Yolanda.
"Nanay!!" Pinandilatan na ni Yolly ang pasaway niyang ina. Pati ba naman iyon? Hano be yen!..........