CHAPTER 1

1269 Words
France, Monday 6:30 am Mirana's POV Isang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin habang papalabas ako ng bahay. Tumingin ako sa aking paligid at hindi naman masyadong maraming tao ang lumalabas kaya napagpasyahan ko na lamang na maglakad patungo sa aking pinagtatrabahuhan. Kailangan ko ding magtipid hangga't maaari para may pang bayad sa upa at kuryente. Lagi kong nais na magkaroon ng sapat na pera na pang pa check-up sa doktor upang malaman ang kalagayan ng aking anak sa aking sinapupunan. Ngunit hindi ko man lang magawa-gawa ito dahil sa kakulangan at walang pera dahil napupunta lahat sa renta. Bigla akong natigilan nang makaramdam ako ng kaunting pagkahilo at ipinikit ang aking mga mata upang sa ganun ay mahimasmasan ngunit tila ang aking palibot ay umiikot. Ilang hakbang na lamang ang aking layo papunta sa malapit na poste upang may makapitan nang biglang lumabas si Cello. Isa sa matalik kong kaibigan sa lugar na ito at ang katrabaho din. Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko at agad akong tinulungan. "Ano ang nangyari sa iyo Mirana at bakit ka masyadong namumutla?" tanong niya ngunit hindi ko mailarawan ng maayos ang kanyang mukha. May sinabi pa siya ngunit hindi ko maintindihan at di ko maklaro ang galaw ng kanyang bibig at tuluyan ng nilamon ng dilim ang aking paningin.                                               *** Agad akong naalimpungatan nang bigla akong nakaamoy ng mainit malapit sa aking mga labi at tungki ng aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mabibigat na mata at agad na nakita ang nag-aalalang si Cello.         "How are you feeling Mirana?" he asked with a worried look. Ganito talaga siya englishero.         "Medyo okay na ako," sagot ko ng marahan at dahan-dahang bumangon sa kama na agad niya naman akong sinuportahan.         "Mirana Vaughn! You make my beauty worried. Hirap na hirap akong buhatin ka diyosmiyo! Ang beauty ko di mo alam kung anong nangyari. Ang mahal mahal pa ng sunscreen at moisturizer ko girl ha," he joked, making me smile. It doesn't suit him saying those words because his voice is as deep as a soldier's voice.          "At nagyon tatawanan mo lang ang beauty ko? Imbyerna kang bakla ka," he joked and pretended to wave his hair.         "Be a man Cel," I stated but he just rolled his eyes on me.         "Celine," I said and a smile plastered on his face satisfied calling him by that name.         "Hala kainin mo itong niluto ko mainit-init pa iyan nang magkalalaman naman ang tiyan mo kahit may laman naman talaga yan. Diyos ko day! Limang buwang buntis ka na alalahanin mo buntis ka baka di ka informed. Mangyaring matakot ka sa kung ano ang mangyayari sa iyo at sa iyong anak kung hindi ka mag-iingat," aniya, alam kong tama siya ngunit ano ang magagawa ko kung pati ako ay walang wala rin.         "Alam mo naman kung ano ang sitwasyon ko," I answered I knew I would soon cry again.         "Tama na nga! alam ko kung ano ang iyong kalagayan ngayon at ito lamang ang masasabi ko, puntahan mo kung sinuman ang ama ng anak na iyong dinadala. Yun lang ang gagawin mo para kahit papaano ay bawas bawasan din ang problema mo. Napakadali lang diba? At isa pa alam kong alam mo kung nasaan ang ama niyan. Kahit ngayon lang isipin mo ang anak mo wag yung puro ikaw," aniya, alam kong nandito si Marco ngunit nag-atubili akong ipakita ang aking mukha pagkatapos ng mga ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta kung magpapakita pa ako sa kanya.         "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Paano kung hindi siya maniwala?" I desperately asked I don't know what to do if that happens. Ngunit may karapatan siyang malaman ang katotohanan at karapatang maging isang ama.         "Paano mo malalaman kung hindi mo pa nasusubukan? Naiintindihan kita Mirana ngunit ang bata na ang pinag-uusapan natin dito. Ni hindi mo nga maalagaan ang sarili mo. Hindi ka nakakakain ng mga tamang pagkain, isipin mo yun, hindi lang ikaw ang kumakain at ang lagi mong kinakain ay ang mga natitira sa restawran," he said as he rubs his palm on his face.         "I know Cel, thank you for your concern. I will think about it," sabi ko at nagbigay lang siya ng malalim na buntong-hininga. I know he was miserable listening to my answers.         "That's always been your answer Mirana you should do it for your son," he said as I shed tears unable to stop myself from crying in my situation.          "Alam ko, bukas ay pupuntahan ko siya. I'm going to tell him everything," I said as I wipe my tears away.         "I know it's hard for you, but you have to overcome it. Whatever the result is, I'm always at your side. Okay?" he said and embraced me.          "Alam ko," I said between our embrace.         "But Mirana I have something to tell but first you need to promise na hindi ka magagalit" he said and I pulled out from our embrace and there was a question written all over my face.         "Okay hindi ako magagalit, ano ba yun?" I ask and his face becomes serious at hindi ko alam kung saan ito papunta.         "I'll be gone for a month maybe," he said in a low tone.         "What? Why?"         "Let me just finish first," he said and I nodded for him to continue.         "Kailangan kong bumalik sa Pilipinas because yesterday my mother called. Kailangan kong pumunta doon, kailangan nila ako Mirana, kailangan ako ng aking mga magulang," he stated with sadness in his voice.         "You have to leave Cel, they need you. Don't worry about me here," I smiled at him.          "Sure ka girl ha, I'll leave you the key to my house. In the meantime, you are free to live here. This is a much nicer home than where you live.Dito merong higaan, kompotable pa ang beauty mo, may tubig at kuryente. I paid all the bills here at home so you should live here while I am gone. Para may pakinabang rin," he said as he smiled.         "Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan."         "Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang na mga kababaihan," he said and I can't hold my emotions anymore so I cried again.         "You know sis we're so over reacting so can we please stop the crying drama? I can't take it anymore so kdrama," he chuckled and looked at his wristwatch.         "Are you leaving now?" I asked as I gazed at the luggage behind him. And I noticed na nakaayos na pala siya. Ayos na ayos na para bang artista.         "Yes dear, kaya mo naman diba? I was going to say that I was leaving when I saw you almost dead on the pole. Nawarla ang aking fes day," he said as we both laughed.         "Kaya ko na ang sarili ko dito. Huwag mo na akong alalahanin," I said and he pulled me into an embrace. Before Cello left he instructed me first what to do or in case I am hungry and where to take a bath. Inihatid ko siya sa terminal kahit na labag sa kanyang kalooban.  Nagpaalam kami sa isa't isa bago ako bumalik sa bahay. Bukas ay makikita ko si Marco, at bukas sasabihin ko sa kanya ang lahat at sana maging maganda ang resulta. Inaasahan kong tatanggapin niya ako sa kanyang buhay kasama ang anak na nasa sa aking sinapupunan. Kahit tatanggapin lang niya ang aming anak, masaya na ako dahil ang kanyang kinabukasan ay nasa mabuting kamay. Hindi ko nais na mabuhay ang aking anak sa kahirapan. My child is much better with him than I.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD