Ito ang kabayaran ng lahat ng ginawa niyo sa akin!
Lahat ng mga pagpapahirap niyo sa mga taong nakapaligid sa akin!
Ang aking mga kaibigan at ang aking pamilya!
Ngayon ay doble ang singil ko sa inyo dahil walang kapatawaran ang mga ginawa niyong kasamahan!
...….........
Book 2: Chapter 1
"Ano ba ang meron dito,Kiko?" nagtatakang tanong sa akin ni mama nang pinapasok siya ng mga bodyguard na kasama nila.
"Nandito kayo para ipaalam sa inyo na kapag nakalabas na kayo dito sa ospital ay dederetso na kayo sa Cebu," deretsong sagot ni Don Lukas sa tanong ni mama.
Napalaki ng mata si mama at agad na nagkatinginan silang dalawa ni papa.
"Cebu,po?" nauutal na tanong ni mama kay Don Lukas.
"Hindi ba,ma, doon ang probinsya natin? Mas maganda siguro na doon na lang tayo para makalayo sa mga taong gustong manakit sa atin, hindi ba?" sabat ko sa usapan.
Kita ko ang mukha ni papa at mama na parang naguguluhan. Nagkakatinginan silang dalawa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Okay na rin siguro iyon,mahal?" sabi ni papa kay mama.
"Pero..." hindi natuloy ni mama ang kanyang sasabihin nang magsalita ulit si papa.
"May mga naiwan naman tayong lupa na sakahan doon at pwede natin iyong gamitin para makapagsimula, mahal. Kung prinoproblema mo ang isang bagay sa nakaraan, matagal na iyon at baka nakalimutan na ng kasaysayan ang tungkol doon," dagdag pa ni papa.
Hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa nagiging usapan nina mama at papa. Para bang may insidente na nangyari sa kanila noon sa Cebu kaya parang ayaw ni mama ang bumalik doon.
"Anong bagay? Anong kasaysayan, pa?" hindi ko maiwasang matanong kay papa.
Tinignan niya si mama at para bang may sinenyas sa kanya ito. Humarap sa akin si papa at ngumiti pero alam kong may nakatago sa kanyang ngiti.
"Malagim kasi ang nangyari sa amin sa Cebu, anak. Wala na tayong mga kamag-anak doon dahil ang mga magulang namin ay matagal ng patay dahil sa karamdaman. Maraming mga malulungkot na pangyayari doon na tinakasan namin ng mama mo pero ngayon, siguro naman ay handa na kaming bumalik doon," sagot ni papa sa akin.
Nakwento na noon nina mama at papa ang tungkol dito. Walang mga kapatid sina mama at papa. Wala ring mga kapatid ang kanilang mga magulang kaya noong mamatay daw ang mga ito, lumuwas sila dito para takasan ang sakit na kanilang naranasan.
"Kung ganoon ay payag na kayo na sumama sa amin sa Cebu?" tanong ni Don Lukas sa kanila.
"Oo," tumingin siya kay mama, "Payag na kaming bumalik sa lugar kung saan kami nanggaling, " sagot ni papa kay Don Lukas.
"Kung ganoon ay ipapaliwanag ko kung ano ang pinag-usapan namin ng anak niyo," seryosong sambit ni Don Lukas sa aking mga magulang.
Tumingin sina mama at papa sa akin. Nagtatanong ang kanilang mga mata kung ano ba ang meron.
"Pagbalik natin sa Cebu, aasikasuhin namin ang paglipat ni Kiko ng paaralan. Dito, napagkasunduan namin na kami ang magpapaaral sa kanya bilang bayad sa nagawa ng aking apo na si Jerald sa iyo, Mr. Tapang, " sabi ni Don Lukas sa aking mga magulang.
"Parang sobra naman po iyang sinabi niyo, sir!" komento ni mama sa kanya.
"Huwag niyong isipin na sobra ito. Isipin niyo na lang na ito ay tulong namin sa inyo," sabi niya sa aking mga magupang.
"Pero hindi pa rin po pwede iyan, sir. Kung pwede ay pagtatrabahoan po namin ang magagastos niyo sa pagpaparal sa anak namin. Hindi naman po yata tama na iba ang magsusustento sa pangangailangan ng anak namin, hindi po ba?" suggestions ni mama.
Napatingin sa akin si Don Lukas dahil sa sinabi ni mama. Napabuntong hininga na lang ako dahil pinairal na naman ni mama ang kanyang mga paniniwala.
Itinuro naman nila sa akin na huwag akong maging mapagsamantala sa lahat ng bagay. Mas masarap ang isang tagumpay kung ito ay pinaghihirapan. Palagi nilang sinasabi sa akin iyan kaya naiintindihan ko si mama kung iyon ang sinbai niya.
"Kung ganoon, bakit hindi kayo mamasukan sa aming bahay? Ikaw bilang isang katulong at ang iyong asawa bilang isang hardinero?" sabi ni Don Lukas sa kanila.
Nagkatinginan sina mama at papa dahil sa sinabi ni Don Lukas sa kanila.
"Bakit? Bakit ganito niyo kami tulungan, Don Lukas?" nauutal na tanong ni mama sa kanya.
"Isipin niyo na lang na ang pagkakasagasa ni Jerald sa iyong asawa ay isang paraan ng tadhana para magkakilala tayo," sagot ni Don Lukas.
Tumingin si Don Lulas sa akin, "At alam kong hindi ako bibiguin ni Kiko, alam kong matalino at madiskarte siya," opinion niya.
"Kung ganoon, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa inyo, Don Lukas. Hindi na naming tatangihan ang iyong alok, dahil alam namin na ikakabuti rin namin ang pag-alis namin dito sa lugar na ito," nagsalita si Papa.
"Huwag kayong mag-alala, Mr. Tapang, magiging matiwasay ang magiging buhay niyo sa amin," paninigurado ni Don Lukas sa mga magulang ko.
"Mag-iiwan kami ng bantay niyo dito, at kapag lalabas na kayo, huwag niyo nang intindihin ang mga gastusin, dahil ako na ang bahala," sabi niya sa amin.
"Magpagaling kayo, at luluwas na rin tayo sa Cebu, para magsimula kayo ulit!"
Nang makalabas si Don Lukas at ang kanyang mga kasama, lumapit ang aking mga magulang sa akin.
"Hindi ako naniniwala na dahil sa pagkakasagasa sa akin ng grandson niya, ay tutulungan niya tayo nang ganoon," sabi ni Papa sa akin.
"Iyon ang sinabi niya sa akin, Papa, wala nang iba pa," pagtanggi ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin. I moved my eyes in different way.
"Alam kong may iba pa, Kiko, kilala kita, pero kung ayaw mong sabihin sa amin ng Mama mo, wala kaming magagawa," sabi ni Papa sa akin.
Natahimik na lang ako dahil sa sinabi ni Papa sa akin.
Kapag sinabi ko ang pinag-usapan namin ni Don Lukas, alam kong hindi sila papayag, at baka hindi nila tanggapin ang alok niyang tulong sa amin.
Kilala ko ang aking mga magulang, kahit na mahirap kami, may prinsipyo silang pinaniniwalaan, at isa na doon ang huwag gumanti sa mga taong nanakit.