AGENT SEPHIE'S HOT & WILD NEIGHBOR (SSPG/R18)

AGENT SEPHIE'S HOT & WILD NEIGHBOR (SSPG/R18)

book_age18+
3.1K
FOLLOW
46.8K
READ
billionaire
one-night stand
HE
opposites attract
arrogant
badboy
bxg
lighthearted
city
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhan ni Sephie na magkaroon ng masarap na pulutan, nahuli siya habang nagnanakaw ng manok mula sa mansyon ng kaniyang misteryosong kapitbahay, ang bilyonaryong si Markie Nigel Aguilar. Sa gitna ng mga nakatatawa at mapanganib na pangyayari, natuklasan ni Sephie ang mga lihim ng kaniyang nakaraan at natutong harapin ang mundo ng karahasan, aksyon, at pagmamahal. Kasabay ng pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila ni Markie, mapipilitan siyang sumuong sa mga misyon na magbabago ng kaniyang buhay magpakailanman.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Ahhh… ohhh, ‘yan… sige pa. s**t, and sarap! Ahhh…” Nanlaki ang mga mata ni Sephie nang maulinigan ang mga ungol sa isang bahagi ng bakuran ng mansion kung saan balak niya sanang magnakaw ng isang native na manok. Napakarami na kasing alagang manok, pabo, gansa, pato at iba’t iba pa ang misteryosong may-ari ng mansion na ito. Ngunit ni minsan ay hindi nasilayan ng mga kapitbahay kung sino ang nagmamaya-ari nitong mansion. Well, technically, wala naman talagang kapitbahay ang mala-palasyong bahay na ito. Medyo malayo kasi ito sa ibang kabahayan. Pero namamangha si Sephie dahil madalas ay nakakawala lamang ang mga alaga nila at may ilang sinusuwerteng nakakakuha ng mga ‘yon. “Isagad mo pa, Markie! s**t! Ang galing-galing mo talaga! Ahhh, ang sarraappp… sige pa!” ungol naman ng babae na ‘di ni’ya mawari kung nahihirapan na nasasarapan, nasasaktan at naghihingalo o ewan na lang ang naririnig niya. “Ano ba naman kasing ungol iyon? Parang naglalanding pusa lang?” natatawang komento ni Sephie. Ngunit pansin niya na tila malapit na siya kung saan nagmumula ang mga ungol. Kaya naman imbes na puntahan iyong mga gumagala-galang mga manok sa bakuran ay talagang na-curious siya sa naririnig niyang palitan ng mga ungol. At ganoon na lamang ang pagsinghap niya, kasabay ng pagtakip ng dalawang kamay sa bibig niya, nang makita ang mainit na kaganapan. May isang seksing babae ang nakatuwad habang nakakapit sa pader habang ang isang lalaki naman na matangkad at malaki ang pangangatawan ay marahas na binabayo ang babae mula sa likuran. Natulos si Sephie sa kinatatayuan dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ilang beses pa siyang napakurap at napalunok. Hindi niya namamalayan ay tila nag-iinit na rin siya at nakaramdam nang ibayong inggit doon sa babaeng binabayo. Mukhang masarap at magaling nga itong lalaki kaya lalong ginanahang manood si Sephie. Napapangiti siya sa tuwing sumisigaw sa sarap ang babae at tihimik naman na may paminsan-minsang ungol ang lalaki. “Markie, ayan na siya! Aahhh…. s**t, ang saraap mo! Ahhh…” Hanggang sa matapos ang mga ito at humihiyaw pa ang babae ay nakatayo lamang doon si Sephie at nanonood. Ngunit nang akmang lilingon ang lalaki ay napatakbo siya at mabilis na nagtago sa malaking halaman. “Lekat na iyan! Mahuhuli pa yata ako! Bakit ba naman kasi may live porn dito, eh, manok na pulutan lang naman talaga ang pakay ko!” kinakabahang sambit ni Sephie sa sarili. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at pakiramdam niya ay hihimatayin na siya sa kaba. Tinakpan niya ang bibig niya kasi baka marinig ang malalakas niyang mga paghinga. “Markie! Come back here! Gusto ko pa!” narinig niyang tawag ng babae doon sa lalaki. “Aba, Markie pala ang pangalan ng lalaking iyon. Ang landi, ha?” mahinang usal niya. “Markie, gusto ko pa…” may pang-aasar na pag-ulit niya sa sinabi ng babae saka napapailing. At sa ilang sandali pa ay narinig niyang tila umalis na iyong dalawa. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ituloy ang balak niya. Kaya naman napapangiti siyang lumabas sa pinagtataguan at dahan-dahang pinuntahan ang mga manok. Bitbit ang isang malaking sako at suot ang lumang jacket na may butas pa sa siko, napapangiting lalo pa niyang nilapitan ang mga manok. "Ayos 'to," bulong niya sa sarili habang sinusuri ang paligid. "Kapag natuloy 'to, magkakaroon na ako ng masarap na ulam na hindi na lang canned goods! Sosyal, tiba-tiba ako nito! May pulutan pa ako kung sakali!" Nakakita siya ng maliit na siwang sa bakod ng mga manok at mabilis na sinunggaban ang isa. Pero hindi niya inaasahan na ang sako niya ay sasabit sa isang pako. Nang magtangka siyang kalasin, parang nagsanib ang lahat ng malas sa kanya dahil biglang may umiyak na pusa malapit, at biglang may isang malaking aso, na hindi niya alam ay isang lahing rottweiler, ang napaungol nang konti. Agad na yumuko si Sephie at humawak sa dibdib niya. "Chicken in the sako, kalma. Kalma lang, 'wag mo akong ipahamak, lintek ka! Gagawin pa kitang adobo mamaya!" bulong niya habang papadyak-padyak pa para itaboy ang kaba. Naglilikot na rin ang manok sa loob ng sako kaya mahigpit niyang yakap-yakap iyon. Pagpasok niya doon sa parang maliit na bodega kung saan may daan na mas mababa ang bakod, agad niyang sinundan ng tingin ang tatlong aso sa loob. Mukha namang pagod ang mga ito at parang naisip din nila na mas okay pang matulog kaysa bantayan ang kayamanan ng amo nila. "Ay salamat! Tamad ang mga bantay," malapad ang ngiting sambit ni Sephie at maingat nang naglakad palayo roon. Sa kamalas-malasan ng lahat ng malas ay biglang kumalampag at tumilaok nang malakas ang manok na dala niya. “LIntek ka! Huwag kang maingay! Ako ang gagawin pulutan ng mga aso kapag nakita nila ako!” kinakabahang pagalit niya sa manok. Ngunit muling naglilikot ang manok at nag-ingay nang nang-ingay. "Peste ka! Para kang may built-in alarm system! Kapag ako ay walang mapulutan mamaya, naku, sinasabi ko sa ‘yo!" Napatingin siya sa malaking bahay, pero mukhang mahimbing ang tulog ng mga tao sa loob. “Napagod siguro iyong may-ari pagkatapos anuhin iyong babae kanina. Grabe naman talaga!” Habang patalikod siyang lumalakad palabas ay bigla siyang nadulas sa basang damuhan. Napahiga siya, yakap-yakap pa rin ang sako na may manok. Sa kabila ng lahat, nakangiti si Sephie. "Walang makakapigil sa akin! Kahit madulas pa ako, ulam ka na mamayang manok ka!" Paglabas niya sa bakuran, matagumpay niyang nalampasan ang tatlong tamad na mga aso, at nakabalik din siya sa bahay niya. Pagdating doon ay mabilis niyang inilagay ang manok sa maliit na kulungan sa likod ng bahay. "Ang sarap ng buhay, manok! Magiging bida ka sa kawali mamaya!" Habang nililinis niya ang sako, dumaan ang tsismosa niyang kapitbahay na si Aling Linda. "Uy, Sephie! Ang ganda ng manok mo, ha! Parang 'yong sa kapitbahay natin iyan na sinasabing milyon ang halaga!" sabi nito habang nakanguso sa kulungan. Halatang kinabahan si Sephie, pero mabilis itong nakaisip ng palusot. "Ay, hindi! Galing 'to sa tiyahin kong nasa probinsya. Biglang dumating kagabi, may padala!" Nguni’t napansin ni Aling Linda ang initial na “MN” sa pakpak ng manok. "Eh, bakit parang may tatak na 'MN' sa pakpak? Sa iyo ba talaga 'yan?" Tila nanigas si Sephie at napatingin sa sinasabi ng kausap. Lintek na buhay ‘to, bakit naman may tatak pa ang manok na ito? Pero bago pa makapagtanong ulit si Aling Linda ay siya namang pagdating ng lLola Novie niya. “Oh, Linda? Ano’ng problema?” tanong agad ng lola sa kapitbahay nila. Lalo namang kinabahan si Sephie. Ilang beses siyang napalunok. “Ah, wala ho, Lola Novie. Sige po, alis na ako!” paalam ni Aling Linda. Ngunit sumenyas siya kay Sephie at basang-basa nito ang sinabi nito na walang tunog, BIGYAN MO AKO, AH! Napaismid naman si Sephie. Potek, may makakahati pa ako sa manok! Sigaw ng isip niya. “Hoy, Josephine, kanina pa kita hinahanap. ah! Sana ka na naman ba nagsusuot, ha?” talak agad ng lola niya sa kaniya. “Lola, ang bantot naman ng Josephine, eh! Masyadong makaluma! Sabi ko sa inyo, Sephie po! Sephie ang itawag ni’yo sa akin!” reklamo niya agad at napapakamot pa sa ulo niya. Ngunit isang batok ang pinatikim ng lola niya sa kaniya. “Pasaway kang bata ka! Tinuruan mo pa ako! Paanong naging makaluma, eh, kay ganda-ganda ng pangalan mo!” bahagya pa siyang piningot nito kaya napadaing naman siya agad. “Lola naman, eh! Mapanakit ka!” nagdadabog na saad niya. “Halla, sige! Hugasan mo na iyang mga pinggan at mamaya ay tiklupin mo iyong mga nilabhan ko!” malakas na utos ng lola niya. Lalo namang sumimangot si Sephie. “Lola, naman kasi! Laba ka nang laba tapos ako’ng pagtitiklupin mo!” reklamo na naman niya kaya isang batok na naman ang inabot niya. “At ano’ng gusto mo, aber? Mamaho tayo rito? Ang tamad-tamad mong maglaba! Panty mo nga mismo, hindi mo malabhan!” nagulantang si Sephie sa narinig at napatingin sa paligid. Baka kasi may makarinig sa sinabi ng lola niya. “Lola, ang ingay-ingay mo, nakakahiya ka! Bakit naman ho kasi lilima na ang panty kong natira? Bilhan ni’yo naman ho kasi ako ng bago!” himutok niya sa matanda. Naningkit naman ang mga mata nito at pinamaywangan siya. “Aba! Eh, kung nagtatrabaho ka na sana, eh, di makakabili ka na rin ng panty mo? Umaasa ka lang sa kinikita ko sa paggawa ng kakanin. Aba, dito lang sa bahay ay kulang na ang kinikita ko!” malakas pa rin ang boses na panenermon sa kaniya ng lola niya. “Huwag kang mag-alala, Lola. Kapag nag-20 na ako, hahanap ako ng Afam! Sa ganda kong ito, siguradong makakabingwit agad tayo ng mayaman!” pagmamayabang naman ni Sephie. Hindi sa pag-aano, pero siya talaga ang crush ng barangay nila. Kahit sa school noong high school at elementary pa lang siya ay palagi siyang muse sa klase at maging sa mga paliga. Kapag may contest ay siya rin palagi ang panlaban sa beauty pageant. Kaya lang nang maka-graduate siya ng senior high school last year, hindi na siya tumuloy sa pag-aaral at tumutulong na lang sa paggawa at paglalako ng kakanin na ginagawa ng lola niya. “Hindi iyan ang gusto ko para sa iyo. Ang gusto ko, mag-aral ka at makapagtapos. Gusto kong magkaroon ka ng maayos na buhay, at hindi ganiyang patambay-tambay ka lang!” sermon na naman ng lola niya. Umikot ang mga mata ni Sephie. Sa totoo lang, gusto niyang mag-abroad, kaya lang ay 19 pa lang siya kaya hindi pa raw puwede. Sa tuwing malilingunan niya ang mahirap nilang lugar, lalo na ang mahirap na buhay nilang maglola, napagdesisyunan din niyang humanap ng ibang trabaho. Sinubukan niyang mamasukan sa grocery sa bayan, pero dalawang buwan pa lang ay umalis din siya dahil minamanyak siya noong Taiwanese na may-ari ng puwesto. Nag-saleslady siya sa isang stall sa mall at tumagal naman siya doon ng anim na buwan, pero umalis din siya dahil masyadong insecure ang mga kasama niya at ginagawan siya ng kuwento. Nagseselos pa sa kaniya iyong asawa ng amo nila. Ang huling pinasukan naman niya ay ang isang bakery sa bayan, pero pinagnanasaan na naman siya noong mga panadero roon. Umalis din siya kaya nga ngayon ay wala siyang trabaho. Gusto niyang maglasing pero alak lang ang nabili niya at walang pulutan. Kaya heto nga, nagnakaw siya ng manok diyan sa malaking bahay. “Huwag kayong mag-aalala, lola, okay lang po ako! Sige na, ho at may gagawin pa ako,” magalang namang sagot niya. Narinig niyang bumuntong-hininga ang matanda. “Huwag mong kalimutang gawin ang mga iniutos ko!” bilin pa ng lola niya bago tumalikod. Si Sephie naman ay muling napangiti nang lingunin ang manok. “It’s cooking time, baby manok!” deklara niya at pinuntahan na ang manok upang katayin at linisin na. Makalipas ang halos dalawang oras ay malapit nang maluto ang adobong manok ni Sephie. Ngayon pa lang ay naglalaway na siya sa masarap na amoy ng kaniyang niluluto. Pinapanood niya ang pagkulo niyon kasama ang ilang lamang-loob ng manok, pati ang dalawang paa nito. “Ayos! Ready to fight na!” bulalas niya nang sa wakas ay maluto na ang manok. Namigay siya sa kapitbahay nilang si Aling Linda para hindi na ito magtatalak pa at baka may makaalam ng tungkol sa pagnenok niya ng manok sa kapitbahay. “Salamat, Sepyang! Mukhang masarap ang pagkakaluto mo, ah!” tuwang-tuwang sabi ni Aling Linda habang tinatanggap ang maliit na mangkok na may lamang adobong manok. “Grabe ka naman, Aling Linda, binigyan ka na nga ng ulam, pinapangit mo pa ang pangalan ko!” reklamo naman ni Sephie sa ginang. Natawa naman ito at nailing pa. “Sige na! huwag kang mag-alala, secret lang natin ito! Basta, kung titira ka ulit ng manok diyan sa kapitbahay, aambunan mo naman ako ng grasya, ha?” bilin pa nito. Napaiwas ng tingin si Sephie. “Kapal ng mukha, ah!” bubulong-bulong na saad niya. “May sinasabi ka?” kunot ang noong tanong ni Aling Linda. “Wala, ho! Ang sabi ko lang, hindi ko na po uulitin iyan. Masama po ang magnakaw! Trip ko lang po kasing magpulutan ng manok ngayon,” pagdadahilan niya. “Naku, hindi pagnanakaw iyon hangga;t hindi ka nahuhuli,” baluktot na katuwiran pa nito. Hindi na nagsalita pa si Sephie at agad nang iniwan si Aling Linda na mabilis namang tinikman ang adobong manok. Malapad ang ngiti niya nang ihanda ang gin at ang tinimpla niyang juice. Pagkatapos ay sumandok siya ng manok. “Hmm… sarap!” ungol niya nang tikman ang nilutong manok. Inumpisahan na niya ang uminom na mag-isa. Noong maubos na ni Sephie ang alak at ang inihain niyang manok ay ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa malakas na tama ng alak. Wala sa sariling bumalik siya sa mansion para kumuha ulit ng isa pang manok. Hindi niya mawari kung ano ang pumasok sa isip niya at bakit kailangan na naman niyang magnakaw ng manok. Nagsuot ulit siya ng jacket at pagkatapos ay dinampot na ang sako na paglalagyan na naman niya ng manok. Inakyat niya ang may kataasang bakod na dinaanan niya kanina para makatakas. Ngunit pagdating niya sa loob ay wala naman siyang nakita kahit na isang manok man lang. Ang hindi niya alam ay ibang bahagi ng bakuran ang napuntahan niya. Dahil sa matinding kalasingan at madilim na rin kasi ang paligid kaya hindi na niya alam ang nagaganap sa kaniya. “Ay, iyon! May naligaw na manok! Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” sumusuray na sambit niya nang makita ang isang estatwa ng inakala niyang manok. Ngunit bago pa niya malapitan iyon ay biglang may humawak sa braso niya. “Ay, manok na pula!” gulat na piksi niya. “Sino ka?” asik niya sa may hawak sa braso niya. Hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito dahil nanlalobo ang paningin niya. Inubos ba naman niyang mag-isa iyong isang bilog. “Ikaw ang sino? At ano ang ginagawa mo sa bakuran ko? Ikaw din iyong naninilip sa akin kanina, ano?” tanong nang malalim at baritonong boses. Kaya ngayon ay sigurado na si Sephie na lalaki itong may hawak sa kaniya. “Tangkad mo pala, ha?” nahihilong saad ni Sephie. “Pasensiya na, hindi ko sinasadyang makita iyon kanina. Kayo naman kasi, gagawa lang kayo ng porn, bakit sa labas pa?” katuwiran ni Sephie. Pero nagulat siya nang bigla siyang hilahin ng matangkad na lalaki at dalhin sa loob ng bahay nito. Kahit nahihilo ay nanlaki ang mga mata ni Sephie nang makita ang loob ng magandang bahay. “Wow! Ang ganda pala rito sa loob. At ang lamig, ah!” komento pa niya. “Damn it! What are you doing here? Did you steal one of my chickens? At para saan itong dala mong sako? May balak ka na naman bang nakawan ulit ako?” asik na sa kaniya nang lalaki. Bahagya yatang nabawasan ang kalasingan ni Sephie sa narinig. Biglang bumilis din kasi ang t***k ng puso niya. “Ah… eh…’ medyo nauutal niyang sagot. “Hindi, hindi, ah!” tanggi niya. “Really? But I saw you in my CCTV camera!” pambubuking pa ng lalaki sa kaniya. Doon lang niya ganap na natitigan ang mukha nito, saka siya napangiti. “Wow! Guwapo mo pala, ha? Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito?” humahangang tanong ni Sephie. Hindi niya maiwasang mamangha sa taglay na kakisigan ng kaharap niya. Wala pa siyang nakitang lalaki na kasing pogi nitong kaharap niya ngayon. Tapos, ang tangkad pa at ang laki ng katawan. “Yes! I owned this place and the whole ranch!” walang gatol na saad ng lalaki. Nakagat ni Sephie ang pang-ibabang labi at muling kinabahan. “At nakita kitang nagnakaw ng isang manok ko! Kaya kakasuhan kita ng trespassing at theft!” saad nito kaya napamulagat si Sephie. “Hoy, ito naman, oh! Parang hindi ka naman kapitbahay!” nahihintakutang saad ni Sephie. Tumitingin siya sa paligid kung paano siya makakatakbo, pero mukhang wala siyang matatakbuhan. “Kung iniisip mong tumakas, puwes, hindi ka makakatakas dito!” mariing saad ng lalaki. Kaya naman lalong kinabahan si Sephie. “Naku, Sir, sorry na. Kasi…” “Ibalik mo na lang ang manok ko!” saad ng lalaki. Sunod-sunod namang nailing si Sephie. “S-Sir… wala na akong maibabalik… pinaghati-hatian na naming ulamin na magkakapitbahay. Kaya, Sir, tingnan mo, hindi lang ako ang may kasalanan!” katuwiran pa ni Sephie. Kita niyang kumibot ang kilay ng kausap niya. “Kung gano’n, ipapakulong na lang talaga kita. Kasi ikaw lang naman ang nakita ko sa camera na–” “Naku, huwag, Sir!” pakiuspa na putol naman agad ni Sephie sa lalaki. “Sabihin ni’yo na lang po kung ano ang gagawin ko para hindi ni’yo ako ipakulong. Hindi ako puwedeng makulong, Sir. Wala po kasing kasama ang lola ko. Sige na, Sir. Maawa na po kayo sa akin!” pinagdikit pa ni Sephie ang mga kamay. Ngunit bago pa makapagsalita ang lalaki ay biglang kumiwal ang tiyan ni Sephie at sumuka siya nang sumuka. “f**k! eww!” malakas na sigaw ng lalaki at napaatras pa para lumayo sa kaniya. Pero natalsikan pa rin ito ng suka niya. “Mang Lando! Mang Lando!” tawag nito. Ngunit patuloy lang sa pagsuka si Sephie at pakiramdam niya ay umiikot na ang lahat sa kaniya. Mabuti na lang bago siya bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ng lalaki. Noon din ay dumating na si Mang Lando. “Pakilinis ni’yo po ito!” utos ng lalaki sa dumating na matandang si Mang Lando. “Sino ang babaeng iyan, Sir?” tanong nito sa lalaki. Ngunit umiling lang ang lalaki at binuhat na ang nanghihinang si Sephie. Dinala nito si Sephie sa banyo at mabilis na inilapag sa bathtub. Pagkatapos ay pinaandar na ang tubig. “Ay, punyeta!” gulat na gulat na bulalas ni Sephie nang maramdaman ang malamig na tubig sa balat niya. “Go, clean yourself! You’re so gross!” Singhal ng lalaki kay Sephie. Pagkatapoos ay naghubad ito ng t-shirt sa harap niya. Nanlaki naman agad ang mga mata ni Sephie. “Hoy! Bakit ka naghuhubad, ah?” naaalarmang tanong niya. Ngunit inirapan lamang siya ng lalaki. Hinubad pa nito ang shorts pati ang boxers nito kaya napapikit ng mga mata si Sephie at tumalikod. “Hoy! Bastos kang lalaki ka! Bakit ka nag-bold! Jusko, mare-rape pa yata ako dito!” gulong-gulong saad ni Sephie pero nahihilo na talaga siya. Pakiramdam niya ay mas lumakas pa ang tama ng alak sa kaniya. “Excuse me! Huwag kang assuming!” saad naman ng lalaki at nagsimula nang sabunin ang katawa. “May sabon diyan, isara mo na iyang glass door at maglinis ka na ng katawan mo!” utos pa sa kaniya ng lalaki. Parang natauhan at medyo napahiya naman si Sephie. “Ah, wala naman palang balak… sayang…” Sayang? Biglang tanong niya sa sarili. Ngunit binilisan na rin niyang maghubad nang maisara ang pintuan at nakiligo na sa magandang bathtub na iyon. “Ang sosyal naman nitong liguan nila! Ang bango-bango pa nitong sabon at shampoo!” sa kabila ng matinding kalasingan ay nasambit ni Sephie. Nang makatapos siyang maligo ay namroblema siya kung paano lalabas. Nakahubad siya at wala naman siyang maitakip sa katawan. “Ah… Mister ano… baka puwedeng makahiram ng tuwalya,” hiling niya rito. Mukhang tapos na rin itong maligo. “You’re a nuisance!” narinig niyang sabi nito. Tumaas naman ang isang kilay niya. “Hoy! Naintindihan ko iyon kahit hindi ako magaling sa English, ah!” sigaw naman niya. Ngunit wala siyang narinig na sagot, sa halip ay biglang may bumagsak na tuwalya sa ulunan niya kaya napangiti siya. “Woah!” napakapit siya sa gilid dahil muntik siyang tumumba. Bigla siyang lalong inantok at nahilo habang nagtatapis ng tuwalya. “s**t! Huwag kang hihimatayin, Sephie! Lintek ka, wala ka sa bahay mo!” paalala niya sa sarili. Ngunit talagang umiikot na ang paningin niya habang palabas siya ng banyo na iyon. “Walang’yang banyo ito, kalaki-laki! Mas malaki pa yata sa buong bahay namin ni lola!” iginala niya ang paningin sa loob niyon. May chandelier may lababo na tatlo ang butas at parang gawa sa marmol. Malaki rin ang shower room na nakahiwalay iyong bathtub na pinanggalingan niya. May malaking cabinet na hindi niya alam ang laman at may maliit na silid pa yata doon sa bandang dulo. “Ay betlog mo!” gulat niyang bulalas nang biglang bumukas ang pintuan bago niya mapihit ang seradura niyon. Pero sa halip na matumba ay nasalo siya ng lalaking kausap niya. “Be careful! You are so clumsy!” saad nito sa baritonong boses. Tiningala siya ni Sephie at napanganga, kasabay nang pamimilog ng mga mata niya. “Ang pogi mo, Sir!” pigil ang mapatiling saad niya. Ngumisi naman ito sa kaniya. “Trespassing ka!” pansin niya sa kamay kong nasa ibabaw na pala ng dibdib niya. Parang napasong binawi naman niya ang mag kamay niya. “Ang tigas ng dibdib ni’yo, Sir. Parang masarap kapain,” nahihiyang sambit ni Sephie. “Gaga ka, Sephie, nahiya ka pa, eh, halos himasin mo na iyong matipunong dibdib niya!” sermon ng maliit na bahagi ng utak niya. “What is your name?” tanong nito saka siya binuhat na parang baby. Lihim namang napangiti si Sephie na parang kinikilig. “Sephie, Sir…” pabebeng sagot niya. Tinakpan niya ang bibig dahil parang nasusuka na naman siya. Letse, ka, Sephie! Huwag kang sumuka, nakakahiya! Pigil niya sa sarili. “So, paano mo papalitan ang manok na ninakaw mo?” biglang seryosong tanong nito. Bumalik ang kaba ni Sephie. Walang-wala pa naman siyang pera ngayon. Tapos sabi ni Aling Linda ay mamahalin daw ang manok na iyon, milyon ang halaga! Saan naman ako kukuha ng pamalit sa manok na iyon? Mahal pala ang manok kapag masarap! “Eh, Sir… wala po kasi akong pera… saka, mayaman naman kayo. Balato mo na sa ‘kin iyong manok na iyon!” malambing na sagot niya, at nag-beautiful eyes pa nga. Pero hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki kaya lalong kinabahan si Sephie. “Kung gano’n, hindi pera ang gusto kong kapalit,” sagot ng lalaki. Ngayon lang napansin ni Sephie na umaakyat pala sila sa magarang hagdan. “T-Teka, Sir, saan po tayo pupunta? Saka giniginaw na po ako, eh…” niyakap pa niya ang sarili niya. “Kung bakit naman kasi pagkalamig-lamig sa loob ng bahay na ito,” sigaw ng isip niya. “Huwag kang mag-alala, paiinitin kita…” sagot lang nito at binilisan na ang paglakad. Kumunot naman ang noo ni Sephie dahil hindi niya naunawaan ang ibig sabihin niyon. Ang masaklap pa ay lalo siyang nahihilo ngayon at parang gusto niyang sumandal sa dibdib nitong poging estranghero. Doon lang niya naalalang hindi pa pala niya natatanong ang pangalan nito. “Ah, Sir, ano po pala ang pangalan ni’yo?” “Bakit mo naman gustong malaman?” balik-tanong naman nito kaya napamaang si Sephie. “Aba, siyempre, Sir… tingnan ninyo, pinaligo ninyo ako sa banyo ni’yo. At ngayon naman ay buhat-buhat ni’yo pa ako. Ano po ba ang balak ni’yo sa akin? Susunugin ni’yo ba ako nang buhay kasi sabi ni’yo ay paiinitin ni’yo ako, eh!” kinakabahang tanong ni Sephie. Bigla siyang natakot kasi baka katulad ito nong mga napapanood niyang guwapong lalaki pero serial killer naman pala. Iyon bang tipong ito-torture siya, hahati-hatiin ang katawan niya at isisilid sa sako. Kaso, ang sabi nito ay paiinitin daw siya, eh! “Mukhang pakukuluan ako nito sa malkaing kawali, ah! Mangkukulam kaya ito? May lalaki bang mangkukulam?” nahihintakutang tanong pa niya sa sarili. Napuno ng tanong ang isip niya kaya lalo siyang siniklot ng takot. “S-Sir… gawin ni’yo na lang po akong katulong ni’yo hanggang mabayaran ko iyong preyso ng manok. Huwag ni’yo lang po akong lulutuin o kaya susunugin nang buhay,” pagmamakaawa na ni Sephie. Napahinto ang lalaki sa paglalakad at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “What the hell are you blabbering about?” asik nito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at lalong sumidhi ang takot niya. “Sir, please. Gawin ni’yo na lang po akong tagapag-alaga ng manok, basta huwag ni’yo lang po akong papatayin! Hindi na po ako uulit, Sir, promise!” itinaas pa niya ang kanang kamay at halos maluha na sa pagsusumamo. Ngunit mas nagulat siya nang bigla itong bumunghalit ng tawa. Yumuyugyog talaga ang buong katawan nito. Dahil doon ay gusto na niyang tumakbo. “Hindi lang yata sadista ito, baliw pa…” bulong niya sa sairli. “You’re so funny! I wonder how you’re going to moan if I am already eating you!” sabi pa nito kaya naman nagsimula nang magpumiglas si Sephie para makawala. “Ay, sir! Aswang ka pala, eh! Kakainin mo ako? Diyos ko! Ilayo ni’yo po ako sa demonyong ito! Magbabagong buhay na ako, Lord! Hindi na po ulit ako magnanakaw ng manok!” halos maiyak sa takot na sambit ni Josephine. Tumindi ang nerbyos niya at gusto na niyang bumaba mula sa pagkakabuhat ng lalaki ngunit lalo lang humigpit ang pagkakahwak nito sa kaniya. Pero sa kabila nang panginginig na ng buong katawan niya sa nararamdamang stress ngayon ay pinagtatawanan lang siya ng lalaki. Lagot! Mukhang hindi na kami magkikita pang muli ni lola! Lord, help! Hiling niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
158.8K
bc

His Obsession

read
98.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook