CHAPTER TWENTY-ONE Naunang magising si Ishi nang sumunod na araw. Makayari niyang maligo ay tinungo niya ang kusina. Naabutan niya ang mga katulong roon. Magalang na binati siya ng mga ito kahit na napakitaan niya ng kabastusan ang mga ito kahapon. “Ma’am, ang aga niyo namang nagising,” ani Maria. “Hindi pa ho kami nakakaluto ni Beth.” “Naku, okay lang.” Nginitian niya ito. “Ano ba ang lulutuin niyo? Puwede bang ako na lang ang magluto? Kaso hindi naman ako marunong,” natatawang wika niya. Lumaki siyang prinsesa sa puder ng kaniyang ama. Kahit kalian sa kaniyang pagkabata ay hindi niya nasubukang magwalis, maglaba, maghugas ng plato, at magluto. Nasanay kasi siya na may ibang tao na gumagawa niyon para sa kaniya. Natutunan din naman niya ang ilan sa mga bagay na iyon. ‘Yon nga lang ay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books