Vala’s POV Pagkatapos mag-almusal ni Alaric, umalis ako ng hospital para pumunta sa mansiyon nila. Kailangan niya kasi ng damit. Nakakainis nga dahil dapat inutos na lang niya sa kahit na sino roon. Kaya lang ayaw niya at tiyak na si Manang Viola lang daw ang magdadala ng damit niya sa hospital. Eh, ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Laking palaisipan tuloy sa akin kung bakit ba galit siya kay mama? Hindi ko naman matanong dahil ayaw ni mama na malaman ng kahit sino sa pamilyang Sullivan na mag-ina kami ni mama. Alas otso ng umaga nang makarating ako rito sa mansiyon nila Alaric. Bago ako pumasok sa loob, binuksan ko ang bintana ng sasakyan para magtanong sa security guard nila. “Kuya, nariyan ba sa loob si Ma’am Maralica?” tanong ko sa kaniya. “Naku, kakaalis lang po eh. Pero nar