Vala’s POV Today, nagkita-kita kaming tatlo nila Ma’am Maralica at Alaric. Nagalit pa si Ma’am Maralica sa anak niya nang makitang may mga benda ang katawan at mukha niya. Kung kailan sasabak daw kami sa fashion show ay saka pa nangyari sa kaniya ‘yon. Kaya ang nangyari, nagpunta kami sa dermatologist ni Ma’am Maralica. Dito kami nagpunta sa sikat na derma clinic ni Doc Aliyah Payumo. Nasa loob na ng treatment room si Alaric, habang kami naman ni Ma’am Maralica ay narito sa skin care products display. “Salamat nga pala, Vala. Dahil sa katapangan mo ay naligtas kayong dalawa sa mga masasamang lalaking ‘yon. Pero next time, Vala, mag-ingat na kayong dalawa ni Alaric, ha?” Bumuntong-hininga ako, “Matigas po kasi minsan ang ulo ng anak niyo. Sinabi ko na kasi na huwag lumabas ng sasakyan, l