Vala’s POV Isang linggo na ang nakalipas simula nang sumabak kami ni Alaric sa training bilang fashion model. Hindi naman kami nahirapan ni Alaric dahil ang bait magturo ng mama niya. Inuna niya kasing ituro ang mga basic, tapos saka niya sinusunod ‘yong mga mahihirap. Natutuwa nga si Ma’am Maralica sa anak niya dahil mabait at palasunod ngayon si Alaric sa kaniya. Kung wala raw ako, baka raw hindi niya napilit na maging model ito para sa mga obra niya. Natuwa pa ako nang minsan ay magbiro si Ma’am Maralica na boto raw siya sa akin. Gusto niya raw na maging girlfriend ako ng anak niya. Hindi tuloy ako nakasagot ng oras na ‘yon. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nalaman kong sampung outfit ang ginagawa niya. Lima ang susuotin ko at lima rin ang susuotin ni Alaric.