Vala’s POV “Hey, Vala. What happened to you? Anong oras na, bakit wala ka pa rito?” Sabi na eh, tatawag siya. Sabagay, alas otso na rin ng umaga. Naghihintay na siguro siya ng almusal niya. “Alaric, sorry, hindi ko agad nasabi sa iyo na narito ako sa hospital. Nilalagnat na kasi talaga ako. Magpapa-check up na rin ako at baka napilayan ako noong madapa ako sa farm mo.” “Ah, nagtuloy ba ang lagnat mo?” Napakunot ang noo ko nang bumaba ang tono ng boses niya. Mabuti naman at hindi siya nag-akalang nagsisinungaling lang ako. Sabagay, siya itong nakapansin agad noong gabing matulog kami na magkatabi sa farm niya. Nang dumating ang sapin na binigay sa amin ni Piccaso ay siya pa ang nagsabing magtabi na kami sa mattress. Natakot na kasi talaga siya nang sabihin kong may sumisilip sa bintana.