KABANATA 1

1027 Words
KABANATA 1: SUMULYAP ako sa kamay kong hawak ni Emil. Hindi ako makapaniwala at tila nabingi ata ako sa sinabi niya. Parang hindi totoo. Sa panaginip ko lang naririnig ang salitang iyon. Sa imahinasyon ko na lang pero ngayon, dineklara niya kay Lolo na mahal niya ako! "Mag-usap tayo sa mansion. Sumunod kayong dalawa sa akin," utos ni Lolo. "Masusunod, Senyor," tugon ni Emil at hindi binitiwan ang kamay ko. Pinanuod lang namin si Lolo na umupo sa wheel chair nito. Sinimulan itong tinulak ng kanyang tauhan. "Cover your body. Kanina ka pa naka-suot ng ganyan may ibang tao," anito at tinignan nito ang hawak kong cover-up. Tahimik akong tumango. Binitiwan ko ang kamay niya para naman masuot ko ng maayos ang cover-up ko. Nauna na ng tuluyan sila Lolo. "Emil, tungkol doon sa sinabi mo..." pagsisimula ko. Hindi ko siya matignan sa mga mata. Unti-unti ulit nabuhay ang kaba sa puso ko na baka napilitan lang siya na sabihin iyon kay Lolo. Ngayon pa lang nalulungkot na ang puso ko. "Geselle, I wasn't kidding when I said I love you and I will marry you." Inangat niya ang baba ko para magtama ang aming mga mata. Wala ngang bahid ng pagbibiro sa mga mata niya. Nanghihina ako sa klase ng titig niya pero ang puso ko ay labis na ang tuwa na marinig mismo sa kanya na seryoso siya sa mga binitiwang salita kay Lolo Aurelio. Hindi siya natakot o hindi siya napilitan. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Kung bakit at paano lahat nangyari ito. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Ang pagibig na inaasam ko na maranasan muli sa kanya ay nangyari na. Kung panaginip lang ito ay ayoko ng magising pa. Simula ng naghiwalay kami, pinangarap ko na lang na maging akin siya muli. Hanggang pangarap lang pero ngayon ay natutupad na. "Sinabi ko 'yon dahil mahal pa rin kita sa kabila ng lahat ng nangyari sa ating dalawa. I thought loving someone would be the best solution to forget you, but I failed. Ikaw pa din, Geselle. Ikaw pa din mula noon hanggang ngayon. Hindi ko pala kayang makita ka din na may kasamang iba. Kaunti na lang at masisiraan na ko ng bait. Kaya kita pinuntahan dito. But I wasn't expecting it will turn out like this. I lost the moment our eyes met. I'm sorry. I carried away..." namamaos niyang sabi. Namumula ang mga mata ni Emil habang tinitignan ako. Nanginginig ang aking mga kamay habang hinawakan ko ang mga palad nitong nasa magkabilang pisngi ko. Nalulunod ang puso ko sa sobrang tuwa. Kumibot ang aking bibig at bumuhos ang luha sa aking mga mata. Hinagkan ako ni Emil. Tila huminto ang oras. Pakiramdam ko ang mahalaga lang sa mga oras na ito ay siya at ako. Habol ko ang hininga ng pakawalan niya ang aking labi. Pinagdikit niya ang noo sa akin at ipinikit ang mga mata na tila ninanamnam ang mga oras na masaya kaming dalawa. "I will marry you, Geselle. I'm gonna marry you..." anas niya. Ngumiti ako. Mahal na mahal ko si Emil noon pa man. Ang maikasal sa kanya ay sobra-sobra na. Higit pa sa inaasam ko noon. "M-mahal kita, Emil..." lakas-loob kong sabi. Humihikbi ako ng kabigin niya ako para yakapin. "Dapat na tayong umalis. Baka barilin na ako ng tuluyan ni Senyor dahil hanggang ngayon ay nandito pa din tayong dalawa." Narinig ko ang marahang pagtawa nito. Lumayo siya ng kaunti sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinunasan ko ang aking basang pinsgi. Tumango ako habang pinagsalikop ni Emil ang mga daliri niya sa akin. Nagsimula na kaming maglakad. Bawat hakbang ay pakiramdam ko ako ay lumulutang sa alapaap. "We will talk about us later. Marami tayong paguusapan tungkol sa akin at mga lilinawin," sabi nito sabay lingon sa akin habang patuloy kami sa paglalakad. Tumango ako at sumunod sa kanya. Pagkadating namin sa mansion ay sinalubong kami ng katulong. "Senyorita, si Sir Emil lang daw po ang kakausapin ni Senyor sa library." Nagkatinginan kami ni Emil. Marahan nitong pinisil ang kamay ko. Kinakabahan ako na magu-usap sila na wala ako. "It's alright," anito at binitiwan ang kamay ko. Hinalikan niya ako sa noo bago sumunod sa katulong at iginaya si Emil papunta sa library ng mansion. Nanatili ako sa sala at umupo sa sofa. Aantayin ko siya. Kinagat ko ang kuko habang iniisip ko kung ano ang paguusapan ng dalawa bukod sa banta ni Lolo Aurelio kanina. Okupado ang isip ko tungkol doon. Ganunpaman, hindi nawala ang saya sa puso ko na ito ang simula ng paga-ayos namin ni Emil. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan magiging kami ulit at ikakasal pa. "Geselle, ano itong narinig kong balita mula kay Lolo?" Napatayo ako ng marinig ang boses ni Kuya Jack. Nagulat ako na andito silang apat sa Hacienda! "Bakit kayo nandito?" tanong ko at lumapit sa kanila para salubungin. "Bakit bawal na? Hindi ba napunta naman kami dito talaga. Wala kaming pasok at hindi iyan ang gusto naming malaman," si Kuya Jack na galit ang mga mata. Oo nga pala. Minsan pumupunta sila ng walang paalam. Marahil ay malapit na sila sa Hacienda ng tumawag si Lolo kay Kuya Jack. Umupo sa sofa si Kuya Charles at Kuya Nolan. Si Kuya Landon naman ay sumandal sa hamba ng pintuan at pinapanuod kaming dalawa. Binuhay ng dalawa kong pinsan ang TV. "Ilipat mo! Ang korni niyan!" si Kuya Charles kay Kuya Nolan dahil ito ang may hawak ng remote control. "Tumawag si Lolo Aurelio na nagkabalikan kayo ni Emil? Nagpa-uto ka sa lalaking 'yon?" mabagsik niyang tanong. "Nasaan ba 'yon? Dapat nakakatikim ng suntok 'yon, eh!" si Kuya Landon. "Ano ba Kuya!" sita ko. Naiinis na sa kanila. "Bakit ba binalikan mo 'yon? Hindi ba may girlfriend 'yon? Anong gagawin niya sa'yo kabit niya?" sita ni Kuya Jack. Humalukipkip ito habang ginigisa ako sa mga tanong niya. Napalunok ako. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan. Baka mamaya pa lang. Dahil nagusap pa sila ni Lolo. "Huwag mong sabihin na pumayag ka maging kabit niya?" si Kuya Landon na nanliit na ang mga mata habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD