" Narinig ko ang sinabi sa'yo kanina ni Fafa Devon. Hmm, ambilis ah? Bilib na talaga ako sa karisma mo beshie ko!" panunukso ni Samara sa kan'ya nang makabalik na sila sa mansion.Napagdesisyunan nila na bukas ng umaga na lamang sila bumiyahe patungo sa lungsod. " Alam mo sa lahat ng assassins ikaw ang pinaka chismosa!" aniya . " Huy hindi ah! Narinig ko nga lang eh,kasalanan ko ba kung magiging saksi ako moments niyong dalawa noh!" anito." Oh ikaw? Magpapakipot ka pa rin ba? Hindi ba't crush mo 'yan noon pa? Siya na ang umamin sa'yo ah? Infairness, total package na si Devon, pakakawalan mo pa ba?" " Sam, m-may girlfriend siya. " Ang iba pa nilang mga kasamahan ay nasa labas ng mansion at nagkukuwentuhan sa gazebo. " Eh ano ngayon? Hoy asawa ka ano ba! May marriage contract kayo isamp