" Ma'am napaka tapang naman po ng babaeng 'yun last time pero napaaga ang karma niya nang bumuwal siya sa sahig!" Natatawang wika ni Twinkle kinabukasan habang nagiinventory sila . " Oo nga, buti nga sa kan'ya para kasi siyang kabute na pasulpot sulpot na lang!" aniya. " Sino po ba 'yun?" " Hmm, not an important person." tanging sambit niya sa bakla. Pagkatapos ng trabaho ay lumabas sa sila sa office. Umorder na rin siya ng pagkain para sa kanila ni Twinkle na binabayaran naman niya. Hindi naman ibig sabihin na siya ang namamahala ay libre na siya sa lahat. " Ma'am para sa'yo raw po, may nagpapabigay." Tiningnan niya ang nagsalitang waiter na may hawak na isang box ng tsokolate. " S-Sino?" Tanong niya. Kinuha niya ang tsokolateng inabot ng waiter at binasa ang brand nito. Its an pold