" Good morning , babe. Tulog pa!" Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang makitang nagsusuot na si Devon ng office suit nito. " U-Umaga na? Devon naman ba't di mo'ko ginising, alas otso na oh!" natatarantang sambit niya. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng towel at dumiretso na sa bathroom. She reminded him last night to wake her up early dahil gusto niyang pumasok ng maaga sa restaurant ngayon pero itong si Devon ay nakalimutan yata ang bilin niya kagabi. Nagmamadali tuloy siyang maligo. Nang lumabas siya ay nagulat pa siya nang makitang nandoon pa si Devon sa loob ng kwarto at nakaupo sa kama nila. Nakatitig ito sa pinto ng bathroom na tila ba hinihintay lamang siyang lumabas mula roon. " Ba't nandito ka pa? " " Why? Is there a problem? May magagalit ba sa akin kapag malelate ako