Kate Green Nasa ikalawang palapag siya ng mansion at pinagmamasdan ang malawak na sakahan sa malayo. Kitang kita sa terrace ang mga sinasakupang lupain ng pamilya nina Devon. This mansion has been his childhood den. Mahangin sa terrace , kay sarap langhapin ang sariwang hangin ng probinsya. Nang maisip kug nasaan na kaya ang mga kaibigan niya ay naisip niyang pumanhik sa ibaba. Maraming kwarto sa palapag na ito ng mansion. Nang magawi ang kanyang mga mata sa maliit na kwarto sa dulo ay tila may umuudyok sa kan'ya na pumasok doon. Hindi nga siya nagtumpik tumpik pa, pinuntahan niya ang kwartong 'yon at binuksan ang pinto. Mabuti na lamang ay hindi iyon naka lock. Kwartong pambata iyon. Blue at white ang pintura ng wall at kisame. Nakita niya ang isang munting picture frame sa ibabaw ng