Pagkatapos ng padasal ay iniwan ko ang mga bisita at nagkulong sa aking kwarto. Lalabas man na bastos ako ay hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga ay makawala ako sa mga plastic na tao na narito at makaiwas sa ano pa mang mga katanungan o tsismis na pag-uusapan nila. Mabigat talaga ang loob ko na makita silang narito samantalang noong kailangan ko ng karamay ay wala ni isa man sa kanila ang pumunta. Kaysa makapagsalita ako ng masama at mapaiyak lang ako sa harapan nila ay mas pinili ko na lang umalis at tunguhin ang aking silid. Nakita ko pang napatingin sa akin si Uncle Vince at balak sana akong pigilan ngunit mas minabuti ko na lang magtuluy-tuloy at hindi na pinansin pa siya. Wala naman na akong alalahanin sa mga bisita dahil lahat ng kasambahay namin na uma