Nag-island hopping kami ni Charmel sa pag-aaring isla ng pinsan kong si Devin. Sinasama namin si Devin at ang asawa niya na si Farah ngunit tumanggi sila dahil naglilihi kasi ito. Kibuin-dili ako ni Charmel ngayon pagkatapos kong mag-confess sa kanya kagabi. Hinahayaan ko lang siya dahil hindi nga madali ang hinihiling ko sa kanya. Tanging kami lang ang magkasama rito sa resthouse nina Devin. Sina Devin at Farrah ay naiwan sa yate at susunduin na lang kami mamayang hapon. Uuwi rin kasi kami ng mansyon mamaya dahil may trabaho pa ako bukas. "Gusto mo?" I asked Charmel while I was holding four pieces of pork barbeque. Narito na kami sa rest house at nagpapahinga na pagkatapos naming libutin ang buong isla. Kanina ko pa siya gustong lapitan at kausapin but I choose to distant myself. Nak