"Nagustuhan mo ba ang mga pinamili ko sa iyo, Charmel?" nakangiting tanong ni Uncle Vince sa akin. Nakaturo siya sa mga damit, alahas, sapatos, at kung anu-ano pa na nasa ibabaw ng kama. Kung maluho pa ako kagaya noong unang salta ko rito ay siguradong matutuwa pa ako. But after what he did to me, I can't feel the excitement everytime I open the shopping bags he bought. Lahat ng binigay niya may kapalit. And I don't know what he would ask this time. "O-Opo, Uncle. Maraming salamat po," ani ko habang nakatanaw sa mga pinamili niya. Nakaupo kasi ako sa sofa habang tamilmil na kinakain ang pasalubong niya sa aking pagkain. He was from work earlier, kararating lang niya habang bitbit ng mga guard niya na pumasok ang mga shopping bags na sa sobrang dami ay tinamad na akong buksan. "If yo