"Charmel! Charmel!" malakas na tawag ko kay Charmel. Pababa ako ng hagdan at hindi ako magkamayaw sa pagbaba dahil sa matinding panic. Nang magising ako at makapa kong wala siya sa aking tabi paggising ko ay kaagad na akong nag-panic. Bumangon ako ng mabilis at hinalughog ang buong kwarto. Nang makita ko siyang wala ay saka ko tinungo kaagad ang daan pababa. Masama ang panaginip ko. Hindi ko matanggap kaya grabe ang kaba ko dahil baka biglang magkatotoo. Iniwan daw niya ako at nagpakalayo-layo tapos ay itinago pa niya sa akin ang aking anak. "S-Senyorito, ano po bang problema at sumisigaw kayo?" tanong sa akin ng mayordoma nang sa wakas ay makababa ako ng hagdan. Taranta rin ang mukha niyang lumapit sa akin. Sa lakas ba naman ng sigaw ko ay mapagkakamalan mong may sunog. Balak ko ngan