Prologue

1090 Words
Magaan ang bawat pagtakbo niya pababa sa napakahabang hagdanan. Ilang ulit siyang tumingin sa kanyang likuran upang siguraduhin kung may tao bang humahabol sa kanya. Wala siyang nakita kaya naman mas lalo niyang pinag-igihan ang kanyang pagtakbo. Ngayong gabi, tatakas siya mula sa impiyernong kanyang kinasadlakan. Ayaw na niyang mas mabaon pa sa kasalanan na alam niyang walang kapatawaran. Sa simula pa lang ay alam na niyang mali ang pumasok sa buhay ng lalaking iyon. But she has no choice. She wanted to survive in this world full of struggle. Kaya naman naisip niyang umoo sa offer ng lalaking iyon upang mabuhay muli siya na parang sa isang prinsesa. Ito kasi ang buhay na naranasan niya bago binawian ng buhay ang kanyang mga magulang. Ang taong kumupkop sa kanya ang nagbigay ng bagong buhay sa kanya. Subalit, hindi pala dapat niya tinanggap ang alok ng lalaking iyon. Noong una nag-e-enjoy pa siya sa pagiging buhay prinsesa niya dahil lahat ng gusto niyang kainin, suotin at puntahan ay nakakamtan niya. Pero hindi niya alam na ang kapalit ng lahat ng iyon ay ang kanyang puri. Puri na inaalagaan niya ng labing-walong taon. Siya pa pala ang makakakuha ng puri niya at unang makakatikim sa sariwa niyang katawan. Sana pala mas pinili na lang niyang mamamatay kaysa ganito na lugmok siya sa pusali. "Saan ka sa tingin mo pupunta, Charmel?" Dumagundong ang galit na sigaw ng lalaki. Muntik pa siyang sumubsob sa huling baitang ng hagdan dahil sa matinding gulat. Mahuhuli pa pala siya at mukhang palpak ang kanyang pagtakas. What would she do now? Nahuli siyang tumatakas ng lalaki at mukhang mapaparusahan siya ng matindi. "U-Uncle Vince, let me go. I don't want this life anymore," mangiyak-ngiyak niyang sabi. Nagpatuloy siya sa paghakbang ngunit bumangga siya sa matigas na katawan ng isang nilalang. Gulat na napalingon siya rito at nakita niyang nagkalat na pala sa sala ang mga goons ng kanyang uncle. Ang bilis naman nilang nakalapit at hindi niya naramdaman ang mga ito. Well, kukuha ba naman ng pipitsugin na bodyguard ang lalaking ito kung kaya naman niyang magbayad ng mahal. "You're not going anywhere, Charmel! You will live here until the rest of your life!" galit pa ring sigaw ng lalaki. Kita sa mukha nito ang matinding poot at hindi niya alam kung paano huhupa ang galit nito. Nagngangalit kasi ang bagang ng lalaki at masakit na ang mga titig nito. "No!" umiiyak na niyang sigaw. Sinubukan niyang lagpasan ang mga bodyguard ng kanyang uncle ngunit hinaharangan lamang ng mga ito ang kanyang daraanan. "Padaanin ninyo ako!" asik niya sa mga ito ngunit hindi man lang tuminag ang mga ito. Hinarangan ng mga ito ang pinto at tila robot na tumayo na lamang doon. "Walanghiya kayo! Padaanin ninyo ako sabi!" pagpupumilit niya. Subalit tila bingi ang mga itong nakatayo at tuwid lang na nakatingin sa kanya. Walang emosyon at walang kakurap-kurap ang mga mata. Nakakatakot talaga sila! piping sigaw niya sa kanyang isip. Mga loyal ito sa kanilang amo at alam niyang hindi siya makakalusot sa mga ito. "Alam mong hindi ka susundin ng mga 'yan, Charmel," ani ng lalaki sabay halakhak nito na parang baliw. ''Ako ang panginoon ng bahay na ito kaya ako lang ang susundin nila," dagdag pa nito sabay halakhak na naman ng malakas. Napayakap siya sa katawan niya at nahintatakutan na umatras siya palayo sa mga lalaking walang emosyon na nakaharang sa main door. Kung hindi siya padadaanin ng mga ito roon ay sa ibang pinto siya dadaan. Pero alam niyang wala pa rin siyang takas dahil hahabulin pa rin siya ng mga ito. Makikipagsapalaran siya na tumakas, malay niya at malusutan ang mga pangit na nilalang na 'to! Tumakbo siya papunta sa gawi ng kusina at doon ay tumalilis siya ng mabilis. "Putangina mo, Charmel!" narinig niyang sigaw ng tito niya. Iyong doubleng kaba na nadarama niya ay naging triple. Kailangan niya talagang matakasan ito dahil alam niyang hindi lang pananakit sa katawan niya ang mararanasan niya rito. Maging ang kanyang kaselanan ay makakatikim din ng parusa mula rito. "Palayain mo na ako, Uncle! Ayoko na po ng ganitong buhay! Pupunta na lang po ako ng probinsiya at hahanapin ang mga kapatid ni Mommy doon," umiiyak na sabi niya. Umurong siya sa may lababo para hindi siya mahawakan ng tito niya ngunit mabilis na humakbang ang lalaki at nakalapit kaagad ito sa kanya. "No! You won't leave this house until I say so!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ng lalaki sa kanyang mukha. Nabaling ang mukha niya sa kabila at naramdaman niya kaagad ang pamamanhid ng kanyang pisngi. Nakorner na kasi siya nito sa kusina dahil hindi niya mabuksan ang mga pintuan doon. Ganyan siya kalupit kaya gusto niyang takasan ang lalaki. Noong una ay masaya pa siya sa piling nito at hindi niya alintana ang kasalanan na kanyang kinasadlakan. Subalit biglang nagbago ang lalaki at lagi na siyang nasasaktan nito. May kausap lang siyang kasambahay na lalaki ay kaagad na siyang nakakatikim ng sampal rito. Pati matatandang lalaki na nagtatrabaho rito ay hindi rin niya pinalalampas at pinagseselosan din niya. Kaya ang nangyayari, wala siyang kinakausap o nilalapitan na lalaki rito sa pamamahay niya dahil siya ang kawawa pagkatapos. Pati ang paglabas ng bahay nito ay ipinagbabawal sa kanya. Pupunta lang siya sa mga kaibigan niya ay ang dami na nitong sinasabi. Na kesyo nakipagkita siya sa manliligaw niya at may ginawa silang milagro. Gusto ng lalaki ay sa kwarto lang siya at magpahinga. Manood ng tv o kaya ay mag-online shopping. Gusto rin nito na lagi siyang mabango lalo na kapag oras na upang pagsaluhan nila ang isang makamundong gawain. Nasasakal na siya ng sobra kaya naman kinausap niya itong itigil na ang maling relasyon na kinasadlakan nilang dalawa. Ayaw naman pumayag ng lalaki dahil masyado na itong hayok sa kanyang katawan. Kaya naman naisipan niyang takasan ito. Sa malas, nahuli pa siya at mukhang hindi na talaga siya makakawala sa bahay na ng lalaki. "I hate you, Uncle! Pinagsisihan ko kung bakit ako sumama sa iyo at pumayag sa gusto mo!" sigaw niya sa lalaki. Humagulgol siya pagkatapos habang hinihimas ang mukha niyang nasaktan. Nanlisik naman ang mukha ng lalaki na kanyang kaharap. Hinila nito ang buhok niya at gigil na hinarap ang mukha niya sa kanya. "It's too late for you to do that, Charmel. Mabubulok ka rito sa bahay ko at hindi ko hahayaang makatakas ka sa akin!" gigil nitong sabi. "H-Hindi. Ayoko po. Please, Uncle. Palayain mo na ako." "No, no, no. You are mine, Charmel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD