Tahimik si Uncle Vince habang pauwi kami. Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit sinabi niyang lumindol kanina kaya ang daming nawasak sa office niya. Maging ang assistant niya na si Mr. Balderama ay nagtataka rin nang pumasok ito para ipasok ang attache case ni Uncle Vince at mga folders na dala nito. Dalawang laptop kasi ang basag. Tapos tatlong mga malalaking vase na ewan ko kung anong nangyari at mga basag din. Ang sofa ay hati sa gitna at ang mga lamesa ay puro nakataob. Gusto ko mang usisain si Uncle Vince sa tunay na nangyari. Natatakot naman ako na mabulyawan kaya nanahimik na lang ako. "A-Ahm, Uncle," untag ko nang maisip ko ang nais kong isangguni sa kanya. Pauwi na kami ng mansyon niya at nandito kami sa backseat ng sasakyan. Kahapon ko pa kasi ito napag-isipan na itanong at