CALEB'S POV (Eliezel's Praeses) mula kagabi, hindi namin makausap si Mommy ko. tahimik lang sya at wala ding ganang kumain. nakahiga lang sya at nakatalukbong ng kumot. lahat kami nag-aalala na dahil sa ikinikilos nya. alam namin ni Kayden ang dahilan ng pagkakaganyan nya pero wala kaming magawa para sa kanya. lahat kasi yun, konektado lang kay El. ang kapatid nya. hindi na namin naipaliwanag ang nararamdaman nya dahil sa halu-halong emosyon nya. pangatlong araw na at wala pa din syang kinakain. nakahiga lang sya. naupo kami ni Kayden sa tabi nya. "Klein.." tawag ni Kayden. hindi naman sumagot si Mommy. tahimik lang sya pero alam namin na gising sya. "Klein.. alam namin ang nararamdaman mo. pero please lang, wag mo namang hayaan ang sarili mo.." mahinahong sabi ni Kayden. "oo n