Chapter 12.a

1318 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Anong ginawa nila sayo para gawin mo ang lahat ng iyon sa kanila?”   Hindi ko maintindihan.   Hindi ba’t pare-pareho silang parte ng Thirteen Royal Families? Sila ang namamahala sa buong Attila. Sila ang nangunguna upang manatiling maayos at payapa ang aming mundo pero bakit ganito ang kanilang sitwasyon?   Una ko itong naramdaman nang pumasok ako ng palasyo.   Ramdam ko ang tensyon at kawalan ng tiwala nila sa isa’t-isa. Dumagdag pa ang lamig ng pakikitungo ng mga nasa holy class noong unang araw na dumating ako dito.   Nito na lamang muli naging maayos at maaliwalas ang kanilang tungo sa isa’t-isa.   Ngunit heto naman si Honari na kabilang din sa ika-12th royal family na pilit gumagawa ng lamat sa samahan ng holy class at pilit silang pinapaalis sa eskwelahang ito.   Akala ko ay sasagutin niya ang aking tanong kaya nanlaki na lamang ang mga mata ko habang dinadama ang hapli ng pisngi matapos niya akong sampalin.   “Isa kang knight na may mababang estado sa buhay kaya anong karapatan mong tanungin ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito?”   Muli niya akong sasampalin ngunit mabilis siyang umatras palayo sa akin pagkuwa’y pinalibutan siya ng kanyang mga kasama.   Ilang sandali din ay bigla akong binalot ng apoy, tubig at hangin.   “s**t!”   “You really don’t know when to stop, Honari.” Sumulpot sa harap ko si Faero. “And you don’t really know when to behave.”   “Princess.” mahinang sambit ni Honari habang nakatingin dito. Bakas ang matinding takot sa kanyang mga mata ngunit nagagawa pa din niyang ngumisi upang pagtakpan iyon. “I didn’t expect that you will get here so soon.”   “Chrylei!” Sumulpot din sa tabi ko sina Aimur at Cali habang nasa palibot naman ang iba pang miyembro ng holy class.   Unti-unting nawala ang mga elementong nakapaligid sa akin. “A-anong ginagawa nyo dito?” Sinilip ko ang aking singsing ngunit sigurado akong wala itong ibinibigay na signal sa kahit sino kaya paano nila nalaman ang sitwasyon ko?   “You, dummy!” Pinitik ni Aimur ang aking noo. “We are all aware that you are trying to keep calm every time someone is bullying you. That’s why Cali commanded the trees and flowers to keep their eyes on you and report to him if you are in a not so good situation.”   Ah, si Cali ang Knight of Nature at maaari nga niyang utusan ang mga halaman, puno at hayop sa paligid ng mga bagay na gusto niyang ipagawa sa mga ito.   “We will talk later.” mahinang sambit ni Zeal na ngayon ay palapit na sa tabi ni Faero.   “What should we do about them?” tanong ni Savii. “She laid her hand on Chrylei’s face.”   Agad na lumapit sa akin si Faero nang marinig iyon at tinitigan ang pisngi ko.   At ginamit ko iyong pagkakataon upang hawakan siya nang makita ko ang matinding galit sa mga mata niya. “Faero…”   “She hurt you, Chrylei.” madiin niyang sabi habang binibigyan ng masamang tingin si Honari.   Tuluyan nang nawala ang ngisi sa labi ni Honari. Ang mga kasama niya ay binabalot na ng takot ang nagsisimula nang manginig ang katawan.   Sino nga ba ang hindi matatakot sa sitwasyong ito kung saan napalilibutan sila ng mga knights na kinikilalang pinakamalakas sa buong eskwelahan at tagapagmana pa ng pamumuno ng kanilang bawat pamilya?   “Isang beses lang iyon.” sambit ko at hinigpitan ang hawak kay Faero dahil akma pa din siyang lalapit kay Honari. “Wala na siyang ibang ginawa kaya huwag na nating palakihin pa ito.”   Ayokong masangkot pa sa matinding gulo ang holy class. Kung totoo ngang mainit ang mata ng mga Elders sa mga knights na ito, higit silang dapat mag-ingat sa mga ikikilos nila.   At ayokong maging dahilan upang pabalikin sila sa palasyo at tuluyang ikulong doon.   “Please,” sabi ko. “Hayaan na natin sila.”   Hindi nagsalita si Faero. Maging ang lahat ng aming kaklase ay naghihintay sa kung ano ang sasabihin nito.   “Fine.”   Nakahinga ako ng maluwag ng marinig iyon.   Bumaling siya sa akin. “Pero sa susunod na saktan kang muli ng mga ito, hindi na ako magdadalawang isip na parusahan sila.”   Tumango ako. “Hindi na ako makikialam sa susunod.”   __________   “You should have seen how scary she was when she saw how Honari slapped you.” sabi ni Aimur habang nilalapatan ng yelo ang aking pisngi na bahagyang namumula dahil sa pagkakasampal ni Honari. “At nang malaman niya na sinisiraan kami ng babaeng iyon sayo. Nako, kulang nalang ay sunugin niya ang bruhang iyon.”   “Hindi nyo naman kailangang mag-alala ng sobra.” sabi ko. “Alam ko kung kailan dapat tumulong.”   “Yeah, we know that.” ani Cali na nasa tabi ko. “Pero alam mo kung gaano ka kahalaga kay Faero kaya hindi maiiwasan na mag-alala kami lagi sayo.”   Tumango si Aimur. “I don’t really know she is that way to you but I think you are really special because that was the very first time I saw her like that.” Itinabi niya ang yelo sa gilid at diretsong tumingin sa akin. “She was like really ready to kill someone because you got hurt.”   “Siguro ay iniisip niyang responsibilidad niya ako dahil sila ng kanyang ama ang nagdala sa akin dito.”   “Nope.”   Napalingon ako kay Zeal na nakatayo sa pintuan ng infirmary kung saan nila ako agad dinala.   Sina Faero at iba pa naming kaklase ay nagdesisyon na munang bumalik sa aming silid-aralan dahil pare-pareho naming hindi nadaluhan ang aming unang aralin.   “She acted that way because you are her friend.” ani Zeal.   “Hindi siya naging ganoon kailanman sa akin.” sabi ni Aimur. “Does that mean that she didn’t treat me as her friend?”   “Have you ever been in a situation like what Chrylei experienced earlier?” balik ni Zeal dito na agad nitong inilingan.   “Hindi din naman ako masyadong napasama sa gulo ng holy class last year na kagagawan din ni Honari dahil ikinulong ako ni Faero sa palasyo.”   “That’s how she protected you.” sabi ni Zeal. “And she acted this way towards what happened earlier because she cannot do anything to protect Chrylei without violating any of her will.”   “Eh?”   “Faero will do everything to protect everyone she loves.” dagdag ni Zeal. “Even if locking her up so she wouldn’t be included in Honari’s victim like what she did on Aimur. Throwing Cali at Yuwa province just to let him escape the Elder’s unfair decision on marrying someone he didn’t love. Like how she kept punching me whenever I saw my brother so I wouldn’t be out of control. But now, on Chrylei situation, she is holding herself back.”   “She doesn’t want to mess up her friendship with Chrylei so she is doing everything she can to control herself and respect Chryelei’s decision.” Bumuntong hininga si Cali. “Even if she wanted to be by her side all the time, she chose not to.”   “Dahil alam niyang ngayon pa lamang nagsisimulang mamulat sa buhay si Chrylei matapos ang ilang taong pagkakakulong sa probinsya ng Allura.” Bumaling sa akin ni Aimur. “Just who are you, really? How come you manage to do that to our princess?”   Oo nga naman. Sino nga ba ako at bakit ganito nalang kalakas ang aking epekto sa prinsesa ng Attila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD