The Mortal Deity : Legend of the Bolo

The Mortal Deity : Legend of the Bolo

book_age16+
118
FOLLOW
1K
READ
adventure
warrior
royalty/noble
bold
cleric
swordsman/swordswoman
magical world
realistic earth
MMORPG
war
like
intro-logo
Blurb

Inakala ng marami na si Emmanuel Francisco o mas kilala bilang si Teman ay isang simpleng estudyante lamang sa kolehiyo, ngunit akala lang nila ito. Ang hindi alam ng marami, maging si Teman, na siya pala ay anak ng isang Diyos sa isang mortal. Siya ang nakasulat sa propesiya na mag wawakas sa lahat ng kasamaan ni Sitan "Diyos ng kadiliman" sa buong sanlibutan at sa halimaw ng karagatan, ang Bakunawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa isang madilim at malaking kweba sa ilalim ng lupain ng unang daigdig. Matatagpuan ang isang kaharian. Isang kaharian na nababalot ng kadiliman na tanging sinag lamang ng sumasayaw na apoy sa dulo ng mga sulo na gawa sa kawayan ang nagsisilbing liwanag. Isang kaharian na napaliligiran ng iba’t-ibang uri ng nilalang. May mga nilalang na itsurang tao na may mahahaba at maiitim na buhok. Walang saplot pang itaas at tanging bahag lamang na itim ang kanilang suot pang ibaba. Ang bawat isa sa kanila ay armado ng isang mahabang sibat na gawa sa kahoy at matatalim na bolo na nakasukbit sa kanilang mga tagiliran. Maaaring tao sila kung titingnan ngunit sa likod ng kanilang mga mukha ay nakatago ang isang nakapangingilabot na halimaw na may matatalim na pangil at mapupulang mga mata. Ang mga nilalang na ito ay ang nagsisilbing guwardiya ng kaharian ng kadiliman. Sa isang kaharian ay hindi mawawala ang pinuno o hari at si Sitan; Diyos ng kadiliman, ang hari sa kaharian ng kadiliman sa ilalim ng lupain ng unang daigdig. May itim at mahabang buhok na nakalugay. May mapupula at nanlilisik na mga mata na animo’y nagdurugong buwan. Nakasuot ng mahaba, at itim na kasuotan na yari sa makintab na seda. Sa gitna at maituturing na puso ng kaharian ni Sitan matatagpuan ang kaniyang malaking trono na gawa sa bato. May mga palamuti itong iba’t-ibang uri ng diyamante at may mga nakadikit na bungo ng tao. At sa magkabilang gilid ng trono ay may sibat na gawa sa kahoy na may nakasabit na bungo sa dulo nito. Isang araw ay tinipon ni Sitan ang lahat ng kaniyang mga tagapag lingkod para sa isang pagpupulong tungkol sa propesiya at pangitain ng itim na babaylan ilang libong taon na ang nakararaan. Halos lahat ng nasa kahariang iyon ay dumalo maliban lamang sa mga guwardiya. Lahat ay nasasabik sa kung anong ibabahagi ng kanilang hari at panginoon. Naroon ang kaniyang apat na masugid na tagapag lingkod na sina Huklob, Mansil, Gaway at Kulam na nasa unahan at harapan ni Sitan. Ang apat na ito ay ang mga disipolo at kasamang mag hasik ng kasamaan ni Sitan noong unang panahon bago ang ang ikalawang daigdig. Ang apat ring ito ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Sitan sa lahat ng nilalang sa mundo. Silang apat ay pawang mga Diyos. Si Huklob ay Diyosa ng kamatayan, si Mansil, ay ang Diyosang mapanlinlang, si Gaway ay Diyos na nakapag bibigay ng malubhang karamdaman sa isang nilalang at si Kulam naman ay Diyos ng apoy. Lumuhod ang lahat ng tumayo si Sitan mula sa kaniyang trono at sinabing, “Mahal kong mga kampon, tumayo kayo” at tumayo ang lahat at nagpatuloy sa pagsasalita si Sitan. “Sa tingin ko ay nalalapit na ang propesiya at pangitain ng itim na babaylan, nalalapit na rin ang pag bisita nating muli sa ikalawang daigdig at sisiguraduhin ko na sa oras na ‘yon ay mapapasakamay na natin ang daigdig ng mga mortal” Ang lahat ay nag ingay at nag hiyawan dahil sa pananabik sa nasabing propesiya ng itim na babaylan. Ang propesiya ng halimaw ng karagatan, ang Bakunawa. Sinabi ng itim na babayalan noon kay Sitan na sasalakay muli ang halimaw sa ikalawang daigdig matapos ang ilang libong taon para ipagpatuloy ang naudlot na misyon. Ang misyon na lamunin ang buwan na pinangangalagaan ng anak ni Bathala na si Mayari upang mangibabaw ang karagatan sa lupa at malupig ang lahat ng buhay sa mundo. Ilang libong taon na ang nakararaan ng unang tinangkang lamunin ng Bakunawa ang buwan ngunit hindi ito nag tagumpay dahil sa pagkakaisa ng mga sinaunang mortal na pinamunuan ni Datu Lawon at sa tulong ng binatang si Bulan ay nagapi nila ito at inakalang patay na dahil sa hindi nito pagpaparamdam ng ilang siglo. “Humayo kayo at magpalakas aking mga kampon. Nang sa ganon ay matulungan natin ang Bakunawa sa oras ng kaniyang pagbabalik” at nag umpisang mag alisan sa silid trono ang lahat ng naroroon maliban sa apat na disipolo ni Sitan na sina, Huklob, Mansil, Gaway, at Kulam at dahan-dahang lumapit ang apat sa kanilang panginoon. “Panginoong Sitan. . .” Sambit ni Kulam, “Nakasisiguro ba kayo sa propesiya ng itim na babaylan? Hindi ba’t matagal ng nagapi ni Datu Lawon ang Bakunawa?” tiningnan lamang siya ni Sitan na walang reaksyon. “Ni minsan ay hindi pa nagkamali ang itim na babayalan sa kaniyang mga pangitain” sagot ni Sitan. “Darating ang bakunawa sa loob ng maiksing panahon” Kampanteng sinagot ni Sitan ang lahat ng katanungan ng kaniyang apat na alagad tungkol sa Bakunawa dahil hindi sila makapaniwala na buhay ang halimaw dahil sa tagal nitong walang paramdam, at doon sila nagkamali. Ang halimaw ng karagatan ay nagpahinga lamang at nagpagaling sa pinakamalalim na karagatan dahil sa natamo nitong mga sugat noong una niyang tangkaing lamunin ang buwan. At matapos ang ilang libong taon ay muli itong magbabalik upang tapusin ang naudlot na misyon gayong wala na ang mga taong nakatalo sa kaniya na si Datu Lawon at Bulan. Nang makaalis ang apat na disipolo ni Sitan ay dahan-dahan siyang umupo sa kaniyang trono. Habang nakaupo ay narinig niya ang mabagal na yabag ng paa sa kaniyang likuran. Ang tunog nito ay bumasag sa katahimikan ng silid. Palapit ng palapit ang tunog mula sa kaniyang kinaroroonan ngunit hindi niya ito ikinabahala, dahil alam niya kung sino ang nilalang na naglalakad mula sa kaniyang likuran. Nang makarating ito sa kanang parte ng kaniyang trono ay agad niya itong nilingon. Nakasuot ng itim na belo ang itim na babaylan na tumatabon sa kaniyang matandang mukha. Walang sino man ang nakakita na sa mukha ng itim na babaylan, kahit mismo si panginoong Sitan. Mahabang tela naman ang bumabalot sa katawan nito na mistulang uod ng paru-paro na handa ng lumipad sa ano mang sandali. Yumuko ang itim na babaylan bilang pagbibigay galang sa kaniyang panginoon. “Mahal na Sitan” saad nito. “Ano ang iyong kailangan?” tanong ni Sitan sa malalim at malaking boses. “Bolo” sandaling napatigil ang babaylan “isang bolo ang tatapos sa dilim mahal kong panginoon” nangingig na sabi ng nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Nabanggit kong darating muli ang Bakunawa, iyan ay katotohanan mahal kong panginoon” malumanay na sagot nito. “Ngunit may isang sisibol na nilalang na magtatangan ng isang maliwanag na bolo na siyang magiging instrumento para puksain ang dilim” Habang nakikinig si Sitan ay unti-unti at nanggigigil nitong tinitikom ang kaniyang mga mauugat na kamay na naka pormang suntok. “Kaya kailangan mong mag-ingat aking panginoon. Lalong higit sa mga mortal” dagdag ng babaylan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Rise of the Pathetic Genius Billionaire.

read
74.1K
bc

Summoners Path

read
52.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
192.0K
bc

Insignia

read
1.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
45.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
63.8K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
22.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook