Nasa bahay siya at inaasikaso niya si Tasya dahil nilalagnat at sipon. Alam niyang dahil iyon sa paiba-iba ng panahon. Hindi naman sobrang taas ng lagnat nito pero sinisipon ito at hindi okay ang pakiramdam. "Sasabihin ko na lang kay Summer na hindi ako makakapunta sa wedding niya bukas," ani niya kay yaya Verlin. Hindi na sila makakapunta dahil ayaw niyang lumala ang sakit ng anak. "Pumunta ka na ma'am Agatha. Ako na ang bahala sa alaga ko. Sayang naman ang lahat ng ginastos sa atin ni ma'am Summer kung ikaw mismo ang hindi makakapunta. Okay lang ako na mag-isang mag-asikaso kay Tasya at hindi naman ito mahirap asikasuhin. Ikaw ang ang pinakaimportante na bisita ni ma'am Summer 'di ba? hindi ka na nga nakapunta sa unang kasal niya." Napabuga siya ng hangin dahil tama si yaya Verlin. "M