"Mommy mommy! Where are we going again?" Kinamot ni Tasya ang ilong habang nagtatanong sa kaniya. Sinusuotan niya ito ng sandals.
"Pupunta tayo sa store kung saan magpapagawa ang tita Summer mo ng dress natin para sa 2nd wedding niya," paliwanag niya ulit dito. Tapos na sila mag-breakfast at paalis na sila. Mamayang hapon pa naman ang meeting nila ni doc Riker.
"Oh, I will be pretty again!" she giggled. Kinurot niya ang pisngi ng anak dahil sobrang cute nito.
"You are always pretty."
"Yes mommy, because you are always pretty too." Niyakap niya ng mahigpit ang anak at kiniliti ito sa tiyan kaya napahiga ito sa sofa.
"Mommy!"
"Ang cute cute talaga ng baby Tasya ko," nanggigigil na ani niya haabng kinikiliti ito. Tinigil niya na rin kaagad ang pangungulit dito dahil nagugulo na ang suot nito. Kahit busy siya ay lagi niya pa rin sinisigurado na nakakausap niya ang anak at nakakalaro saglit. She knows that Anastacia is very understanding at her young age but she still give enough time to play with her. Mature lang talaga mag-isip ang anak.
Umalis na sila kaagad at tumungo sa store na sinasabi ni Summer. Kailangan na kasi sila sukatan para maumpisahan na magawa ang dress. Magpapagawa kasi talaga ito kaysa bumili dahil may gusto itong sariling design.
Nang nakarating sila doon ay agad na sinukatan si Tasya at sumunod ay si yaya Verlin. Mabilis lang naman dahil sila lang ang customer doon. They offer them a macarons and a bottled water. Anastacia loves the macarons that's why she sat on the sofa while quietly eating.
"Diyaan ka lang at ako na ang susukatan, patapos na 'yon si yaya Verlin." Tumango naman si Tasya sa bilin niya. Tinawag kasi siya ng isang staff para siya na ang sukatan.
Nang matapos siya sukatan ay may pinasukat pa sa kaniyang heels para malaman ang saktong sukat ng paa niya. Wala namang sinabi si Summer na pati ang heels niya ay ibibili nito pero hinayaan niya na lang.
Pagkabalik niya sa lounge ay napatigil siya nang makita ang isang pamilyar na likod ng lalaki. Nakikipag-usap ito sa staff na nasa counter habang may hawak itong tatlong malaking paper bag.
Tumagos ang tingin niya rito at nakita niyang titig na titig ang anak niya sa lalaki. Agad siyang naglakad papalapit sa anak niya pero bago pa niya ito malampasan ay napalingon na ito sa gawi niya. Halata niya rin na natigilan ito nang makita siya.
Inalis niya ang tingin dito at dumeretso sa anak na kumakain ng lollipop.
"Where did you get that lollipop?" seryosong tanong niya. Binuhat niya ito at sinenyasan si yaya Verlin na aalis na sila.
"To that man. He said I'm cute and pretty that's why he gave me a lollipop and mommy, It's a watermelon flavor that's why I accepted it. He was eating also but he was biting the lollipop that's why it's gone na."
Napabuga siya ng hangin. Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na lang doon sa store bitbit ang anak niya. Nagpaalam ang mga staff sa kanila pero hindi na niya nagawang lumingon pa.
Why is he here?
Hangga't maaari ay ayaw niyang makita ni Paul ang anak nila. Yes, that man is Paul— her jackass ex-boyfriend. Hindi niya alam kung bakit pa nila nakita ito. Napakalawak ng pilipinas at talagang nakasalubong pa nila ang isa't isa.
"Next time don't accept any food from strangers, okay?" seryosong ani niya kay Tasya nang maisakay niya ito sa likod.
"Sorry mommy... I though it was fine because the candy was sealed and okay."
"Basta next time hindi na ha? Paano na lang kung masamang tao ang nagbigay sa'yo at bigla kang kidnappin?"
"He doesn't look like a kidnapper... but okay, I'll listen so you will not get mad." Hinalikan niya ito sa noo bago isarado ang pinto. Katabi kasi nito si yaya Verlin at siya naman ang nagda-drive. Sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso niya lalo na nang maalala niya na titig na titig ang anak niya kay Paul.
Paano na lang kung biglang magtanong si Tasya tungkol sa ama, hindi niya alam kung paano i-e-explain ang mga nangyari.
Nagtataka naman siya dahil mukhang mahilig sa candy si Paul na hindi niya alam. Siguro nga ay mahilig ito sa watermelon pero hindi niya lang alam dahil marami pa naman talaga siyang hindi alam dito. In their 3 years relationship he just know that paul loves to party and drink.
Dumeretso na lang sila sa mall para mamasyal at doon kumain ng lunch. Pumunta rin sila sa bookstore dahil gusto bumili ng panibagong coloring materials si Tasya. Inabot na sila ng alas-tres sa mall bago makauwi dahil nag-enjoy ang anak.
Nag-text naman sa kaniya ang binata na mga 5pm sila magme-meeting basta dumeretso na lang siya sa office nito sa hospital. Hinatid niya lang si Anastacia at yaya Verlin sa bahay at muling nag-ayos ng sarili bago siya tumungo sa hospital.
Nag-aayos siya dahil gusto niya lang maging mukhang presentable at mabango. Hindi naman siya conscious sa itsura niya pero hindi niya alam kung bakit gusto niya ngayon na sobrang presentable siya tingnan.
Saktong 5pm siya nakarating sa hospital at sakto namang bumuhos ang ulan. Parang nagpapahiwatig na ang ulan na malapit na matapos ang summer kaya bigla-bigla na lang bumubuhos ang ulan. Papasok na sana siya sa loob ng hospital nang makasalubong niya si Riker na palabas naman at hawak-hawak nito ang susi.
"Doc—"
"Oh, shit... you're here... come with me and discuss it while I am driving." Nagtataka man siya pero mukhang nagmamadali ito kaya sinundan niya kaagad. Binuksan nito ang kotse kaya pumasok kaagad siya at umupo sa harapan.
"Sorry, I forgot my laptop and I need to send some important file." Umawang ang labi niya at napatango nang malaman niya ang dahilan.
"Uh..." Hindi niya alam kung magsasalita na ba siya kaagad dahil seryoso ang mukha nito sa kalsada.
"Go on— f**k!" Nanlaki ang mata niya nang biglang napapreno ang binata dahil sa pusang dumaan sa kalsa. Akala niya ay tuluyan na siyang susubsob nang maiharang ng binata ang kamay nito pero tumama naman ang dibdib niya banda sa siko nito. Ramdam na ramdam niya iyon dahil sa loob ng dress niya ay wala siyang bra at tanging n****e silicon pads lang.
"Damn it! Why didn't you wear your seatbelt?!" Hindi siya makapagsalita nang bigla siya nitong sinigawan at binalingan ng tingin. His ears are red while his forehead are creased
"N-nakalimutan ko... s-sorry..." Nataranta siya at agad na sinuot ang seatbelt. May binubulong pa ito at halos puro mura ang marinig niya pero hindi niya na naintindihan ang iba.
Nakaramdam tuloy siya ng takot sa binata. Talagang nakakatakot ang itsura nito pag seryoso at lalo na ngayon na sumigaw ito dahil sa katangahan niya.
"Sorry," ani niya pa ulit gamit ang maliit na boses. Hindi ito umimik at nagpatuloy sa pagda-drive. Napatingin siya sa kamay nito nang nilakasan nito ang aircon ng sasakyan. Napahaplos tuloy siya sa braso niya dahil naka-sleeveless dress siya at nakaramdam na siya ng lamig.
"B-bigla ko lang naisip na mas maganda kung maglagay tayo ng tent sa labas malapit sa playground tapos may mga tables and chairs para pag gusto ng mga bata tumambay lang sa labas o doon mag meryenda habang nag-aaral sila o pagkatapos maglaro ay may pwesto sila," basag niya pa sa katahimikan.
Pasimple siyang sumulyap sa binata nang tinanggal nito ang isang butones ng longsleeve na suot nito.
"Okay, we can do that." Medyo natuwa naman siya nang nag-agree ito sa plano niya. Hindi niya na sakop ang exterior design dahil interior designer lang naman siya pero bigla niya lang kasi naisip iyon. May mga extra materials pa naman na pwedeng magamit at bibili na lang ng open tent na matibay at simpleng tables and chairs.
"List down all the things that we need to buy so I can send it to my secretary. Siya na ang bahala sa pag-aayos no'n para ikaw na lang ang mag-che-check."
"Sige—" Naputol niya ang sasabihin nang biglang kumidlat ng malakas. Nabitawan niya ang Ipad na hawak niya at agad napatakip sa tainga niya. Hindi naman siya sobrang takot sa kidlat pero parang tumama iyon sa harapan nila dahil kitang kita niya iyon.
"I think there's a storm... are you okay?" Mabilis siyang tumango at kinuha ang nalaglag niyang Ipad. Mabilis niyang chineck ang news update sa social media at tama nga si Riker dahil nakapasok na ang bagyo.
She's not very updated to weather news so she doesn't know that there's an upcoming storm.
Riker groaned out of frustration because they are stocked with the traffic. Tumunog ang cellphone nito at agad na sinagot ng binata.
"Hello? I'm still stocked on the traffic."
"You can go back now. Akala thursday ngayon, wednesday palang pala." Naririnig niya ang lalaking nasa kabilang linya dahil naka-loudspeaker ang phone ng binata.
"Are you f*****g kidding me, Adam? Pinagmadali mo ako tapos bukas pa pala kailangan?" Humigpit ang kapit niya sa bag na nasa lap niya dahil sasabog na ata sa galit ang katabi niya.
"Sorry dude akala ko kasi—"
Pinatay kaagad nito ang tawag at narinig niya pa ang malakas na pagbuntong hininga nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o ang dapat gawin dahil sobrang awkward na para sa kaniya na kasama niya ito sa iisang sasakyan at nakita niya pa itong magalit.
Tinakpan niya ang aircon na nakatutok sa kaniya kasi nilalamig na siya dahil nakatodo pa ata ang lamig sa sasakyan.
"P-pwede mo akong ibaba na lang doon sa hotel na 'yon oh," ani niya at nautal pa dahil nahihiya siyang magsalita. Tinuro niya ang hotel na madadaanan nila. Doon niya na lang balak mag-dinner habang nagpapatila ng ulan tiyaka siya magta-taxi para balikan ang sasakyan niya sa hospital.
"No. Ihahatid na lang kita kaso mukhang matatagalan pa tayo dahil sa klase ng traffic." Napanguso naman siya nang naramdaman ang kalam ng tiyan niya.
"Pwedeng mag dinner muna tayo sa hotel? Gutom na kasi ako eh," mahinang ani niya. "Ililibre na kita!"
Binalingan siya ng binata at nginitian niya naman ito na parang nahihiya. Hindi niya na kasi mapigilan at nagugutom na talaga siya.
"Okay. Let's stay there for a while." Napa-yes siya sa isip niya dahil nanunubig na ang bagang niya para makakain ng ramen. Alam niya iyong hotel na 'yon dahil nakakain na siya sa japanese restaurant na nasa tabi ng lobby ng hotel.
Nag-park sila at bago pa siya makababa ay pinigilan siya ng binata. Hinubad nito ang coat na suot at binigay sa kaniya.
"Wear it." Hindi na siya pumalag pa at sinuot na 'yon kaagad dahil nilalamig na rin naman siya kanina pa.
They go straight inside the restaurant and she almost dance in excitement when she smell the aroma of the foods.