Nagising siya nang makaramdam na may mabigat na bagay ang nakadag-an sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at laking gulat niya nang makita sa tabi niya si Riker, nakayakap ito sa kaniya habang natutulog. She checked her watch and it's 4 in the morning. "R-riker..." Ginising niya ito at tinapik pa. Hindi niya alam kung anong oras ito nakapasok sa kwarto niya dahil natulog naman siya ng walang katabi. Hindi p-pwedeng umabot ng alas-syete at nandito pa rin ito sa kwarto niya dahil baka magising si Tasya at maabutan silang magkasama, hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag sa anak pag nangyari iyon. "Riker," tawag niya pa at niyugyog ito. Gumalaw naman ito at binuksan ang mata kaagad. "Why are you here? B-baka makita tayo ng anak ko." Hindi siya nito pinansin at mas lalo