“Sino bang inaabangan mo, Madam? Kanina ka pa pasilip-silip d’yan!”
Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng isa sa mga staff ng bar na si Tin.
Ilang gabi na ba akong ganito palagi sa tuwing duduty dito sa bar?!
Mag-iisang linggo na yata akong palaging kabado at tuliro dahil baka isang araw ay bigla na lang sumulpot dito ang Bryce na ‘yon!
Akala ko pa naman nakaiwas na ako ng tuluyan noong tumigil na s’ya sa kakatext sa akin. Akala ko lang pala dahil kaibigan pa s’ya ng Kuya ko!
Tinamaan naman talaga ng magaling oh! Sa dami ng magiging kaibigan bakit nasama pa ang gagong Bryce na ‘yon! Nakaka-stress!
“Wala. Inaabangan ko lang si Yuwan. Baka maagang dumating ngayon. Gusto kong umuwi ng maaga,” palusot ko at agad na napatingin sa suot na relo.
Noon ay ganitong oras nagpupunta sa bar si Bryce. Kaya nang sinabi n’yang pupunta na s’ya dito at baka maging isa sa mga regular customers namin ay palagi na lang akong kabado sa tuwing sasapit ang 10:00 PM!
Kahit noong wala pa s’yang amnesia ay ganitong oras s’ya pumupunta sa bar. Hindi kaya nabago na rin ang oras ng pagpunta n’ya? Well, sana nga!
Sana nga ay nagbago na dahil kung pupunta s’ya dito sa oras ng shift ko, baka mapilitan pa akong makipagpalit ng schedule kay Yuwan!
“Ha? Eh pasado alas nuebe pa lang, Madam! Before ten pa ang usual na dating ni Boss Yuwan!” sagot ni Tin na hindi ko na nagawang sagutin nang tawagin ako ni Lady, isa sa mga barmaid namin dito sa bar.
“Cinth, may nagpapatimpla ng Mojito. Ikaw na lang gumawa. Mukhang big time,” sabi n’ya at saka tinapik pa ang balikat ko bago tumuloy sa comfort room. Napatingin ako sa oras at saka nagkibit balikat. Siguro naman ay matatapos ko ang pagtitimpla ng alak bago mag 10:00 PM!
Bumuntonghininga ako at saka nagpasyang lumabas na sa counter.
Naabutan ko ang isang lalaking naka-polo ng kulay puti at nakasuot ng black na baseball cap sa tabi ng counter. Nakayuko s’ya at mukhang may ginagawa sa phone kaya hindi ako napansin. Tumikhim ako bago lumapit sa counter para harapin s’ya.
“Sir? How do you like your Mojito to be served-”
Hindi ko na natapos ang pagtatanong nang umangat ang tingin sa akin ng lalaki at masalubong ang tingin ko. Namilog ang mga mata ko nang agad na makilala s’ya kahit na medyo dim ang ilaw sa loob ng bar at nakasuot s’ya ng kulay itim na cap!
Shiiit!!!
“Good evening, Cinth…” nakangiting bati ni Bryce sa akin!