Umirap ako at muling hinarap ang sarili sa salamin. Marahas kong pinunasan ang makapal na blush-on inilagay niya sa mukha ko. Hindi naman sa hindi ako marunong mag make-up. Ayaw ko lamang talaga na mag-ayos ng sarili para harapin ang mga customers nila. Ayos na sana sa akin ang pagiging bartender kahit kung minsan ay naggagalit si Paul sa pagtataray ko sa lahat. Ako lamang ang nag-aayos sa sarili ko at kahit walang make-up ay ayos lang. Ngunit ngayong magwe-waitress daw ako, syempre raw ay kailangan ng make-up. Ang masama pa ay ang kapal ng inilagay niya. I even looked like a panda sa eyeliner na ito! The only good thing was branded ang ginagamit nila kaya hindi ako nag-aalalang masira ang mukha ko. Even the dresses and the shoes were branded. Malinis din naman sila. Iyon nga lamang ay mg