The girl led me to the ground floor where the hotel dining and entertainment facilities are situated. The large chandeliers above lighted the whole ground floor with its golden dim, making everything look classic and sophisticated. We started down the carpeted golden staircase. My hands couldn't help gliding on the smooth railings.
I could hear a small chattering and laughter from the guests having their breakfast. Umupo kami sa pandalawahang table na iginiya sa amin ng isang lalaking waiter. Hindi tulad sa ibang restaurant ay seryoso ang waiter at hindi man lang ngumiti sa amin. He only glanced once in our direction and that's all. Hindi ba sila naturuan dito kung paano dapat tratuhin ang mga guests?
Well, that's not my problem anymore. Hinarap ko ang babaeng kasama. On her hands is a menu. Tinuro niya sa akin ang menu na nasa harapan ko. Kinuha ko iyon ngunit hindi na itinuloy ang pagbabasa.
“What about Lizzy? Is she not going to eat with us?”
Nagsalubong ang kilay niya sa akin, ibinaba ang menu at itinuro sa waiter ang order niya. I don't know if she ordered for me too but the waiter went on after he got the orders.
“You don't have to care much to anyone when you're here. Kindness and generosity are not really a thing here. Mas mabuting sarili mo na lang ang isipin mo.”
Nagsalubong din ang kilay ko sa kanya, nagtataka sa sinabi niyang malayo sa tanong ko. I just thought Lizzy is her friend kaya inaasahan ko sanang sasabay rin siya sa pagkain namin.
“But you are to me," I pointed out. She is kind of nice to me. She cares. Kung hindi, sana ay hinayaan na lang niya ako. “Dahil sinamahan mo ako rito, ibig sabihin hindi lang sarili mo ang iniisip mo.”
Mataman niya akong tinitigan. The dark under her eyes makes her look tired, stressed. Her make up though did its best to hide the evidence of how she lacks sleep.
Umawang ang bibig ko nang tumayo siya. Inilagay ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga bago ako tiningnan. “Your food will be here in a minute. Kailangan ko nang umalis.”
“You're not going to eat as well?”
Ngayon ay tipid siyang ngumiti sa akin. But it didn't reach her eyes. “Kindness and generosity are not really a thing here, newbie.”
Tuluyan na siyang umalis. Pinanood ko ang pag-akyat niya ng hagdan pabalik sa lobby.
Newbie. Is it because I’m new here? Kahit naman noon ay napapansin ko ang lugar na ito. I always thought this is a very exclusive and high-end hotel in the city. Hindi naman ako nagkamali roon. But what’s the nickname was for? At ang weird comments niya sa tuwing nagtatanong ako.
“Here's your food, miss,” the waiter earlier approached my table again, this time with a tray with him... and he is talking now.
Pinanood ang maingat niyang paglalagay ng pagkain sa mesa. Ngunit kahit isang beses ay hindi man lang talaga siya sumulyap sa akin. “B—But I don't have money with me. Did the girl paid for it?”
He took a peek at me. He looked shocked at my question, or maybe with my words. Tila gulat siya na kinausap ko o ano pa man.
“Is she?”
He cautiously looked around. I know that look. That was me last night. Ganyan din akong lumingon sa paligid sa takot na masundan ng mga humahabol sa akin. Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit ganito rin ang reaksyon ng lalaking ito sa simpleng tanong ko.
His mouth slightly parted as he nodded. Pero hindi siya nagsalita. Kinagat ko ang labi ko nang sulyapan ang pagkain. May pera naman ako sa bag. That's Christian's but still maybe I can use them. Ayaw ko namang gastusan ako ng ibang taong hindi ko naman kilala.
Akmang tatalikuran niya ako pero tumayo ako at hinawakan siya sa braso. Halos mapatalon siya sa gulat dahilan para mabitawan ang hawak na tray. Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. Ganoon din ang mga tao dahil sa maingay na pagbagsak ng tray. Tumigil panandalian ang usapan. Ang lahat ng mga mata ay sa akin at sa waiter nakatuon. Guiltily, I let go of his arm. Marahil ay nagulat ko siya.
“Sorry, I didn't mean to...”
Marahang tumango ang lalaki at yumuko upang kunin ang tray. Ang masamang tingin ng mga tao ay hindi pa rin nawala. Ang ilan ay abala na muli sa pagkikipag-usap at sa pagkain ngunit karamihan sa kanila ay tila may kung anong pinaghahandaan. Or more like to say, they are for whatever might happen, katulad nina Lizzy at ng babaeng kasama ko kanina nang nasa kwarto kami.
Hawak ng waiter ang tray nang hinarap ako. Mabuti na lang na wala na iyong ibang laman nang bumagsak sa sahig.
“I'm really sorry.” Yumuko ako upang ipakitang hindi ko talaga sinasadya.
Muli ay akma siyang aalis ngunit hinawakan ko ulit ang braso niya. He stiffened again and looked around. This time, hindi na nakatingin sa amin ang mga tao. But they are all cautious, silently waiting for something to happen. The waiter turned to me with anger and hatred. Binitawan ko siya at napaatras dahil doon.
“I—I…” I licked my lower lip and smiled. “I'm just going to get my money in the room. I wanna pay for the food for myself.”
Nagbago ang reaksyon niya sa sinabi ko. I gave him time to process my words because he seems lost. He stared at me as if I’m some apparition that would be gone for a second.
Ngumiting muli ako sa kanya at itinuro ang table na naiwan ko. “Pakibantayan na lang muna," I said and went for the stairs. Ngunit hindi naman ako tumakbo. I actually wanted to run for the room where I woke up, but the ambiance here feels elegant and magical. Just like those I've seen in the movies, in a fairy castle that I know running around just wouldn't be appropriate.
Sa hallway kung nasaan ang mga elevator ay napansin ko na naman ang may bahid ng pulang pinto. I hardly swallowed as Lucifer's face flashed on my mind. I didn't know Lucifer would look that handsome. I always imagined him having an ugly dirty face.
Pumasok ako sa elevator na nasa harapan bago pa manginig nang tuluyan sa takot sa kaiisip lang sa kanya. Napabuntong hininga ako nang walang nakitang naghahalikang couple sa loob. May nakasabay akong malaking lalaki. He's too big I almost looked like a little child beside him. He's got tattoos around his arms. With his fitted white shirt, the tattoos look so scary and visible. I'm not fond of men with tattoos. Christian never got one. He doesn't like it too. Most of the guests here are a foreigner and this man is a Black American for sure. He also has fierce on the side of his nose. I scrunched my nose up in disgust. Hindi ko alam kung paano iyon naging cool sa marami.
“Wesley,” his voice made me feel uneasy. He's holding his phone against his left ear. The thing looks tiny around his big hand and also painted with tattoos. “Okay. Bring him to the 13th.”
Ibinaba niya ang telepono at sandaling sumulyap sa akin. Umiwas ako ng tingin nang nagtaas siya ng kilay. “Checking me out, newbie?” he asked using a thick accent.
Mas lalo akong umiwas ng tingin dahil sa hininga niyang amoy sigarilyo. I shook my head at the wall of the elevator, “N-no.”
The elevator pinged. The doors open and the man's heavy footsteps caused me to shudder. Kasing bigat ng mga yabag na narinig ko sa apartment ni Christian. I shook my thoughts away. He's not one of those men. Imposible.
“So the girl in the mirror does,” the man last said. Diretso ang lakad niya sa palapag na hinintuan nang hindi ako nililingon.
I looked up to see the number 13 on the LED lights above. Nagsalubong ang kilay ko at sinulyapan ang mga buttons sa gilid ng elevator. There's really a button number 13. Hindi ba ay wala namang 13th floor sa lahat ng mga buildings? They usually skipped the number 13 because of some beliefs, so what happened here?
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng lalaki. Nang nakita ko ang repleksyon sa pintuan ng elevator ay mariin akong napapikit.
Of course, he saw me looking at him in that mirror!
Narating ko ang tamang palapag. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng mga balahibo ko habang naglalakad sa tahimik na hallway. Nakalock ang kwartong pinanggalingan namin kanina. Kumatok ako. Tumayo ako sa harapan ng peephole para makita ni Lizzy na ako ito. Nang maalala na natutulog siya ay nagdalawang-isip akong kumatok pa. But the door suddenly opens, revealing Lizzy with her raised eyebrow holding her phone. She stepped on her side and gestured me the inside.
“I forgot my bag. I need money to buy foods,” marahang sinabi ko at pumasok sa loob. Sa kamang hinigaan ko kanina ay wala ang bag ko. Wala rin iyon sa kahit saan.
“Ruth didn't pay for your food?” she asked behind me.
Hinarap ko siya na ngayon ay naka-ekis ang mga braso. So Ruth is the name of that girl. Kung bakit kase hindi naman sila nagpapakilala sa akin ng maayos.
“She is, but I want to pay for my own food.”
She smirked wickedly, bitterly, but her eyes look so sad, mournful. “Well, unfortunately, your bag isn't here. At dahil diyan sa pagpapanggap mong mabuting tao ay may napahawak pang ibang tao!”
Tinigilan k ang paghahanap sa sariling bag na wala naman pala rito. “Hindi ako nagpapanggap. If I want to eat then I should really pay it for myself.”
Umirap siya sa akin at binitawan ang naka-ekis na braso. “You will, of course. Why don't you just take Ruth's offer for granted? Tutal ay trabaho naman namin iyon. Dahil sa susunod ay mahihirapan ka nang kumita ng pera. Pilitin mo man ang sarili mong huwag na lang kumain para hindi na magtrabaho pero anong magagawa mo? Panooring patayin ang sarili sa gutom?”
Tikom ang aking bibig, hindi inaasahan ang sinabi niya at kung para saan ang galit niya sa akin. Kung anuman ang mga pinagdaraanan niya ngayon ay hindi ko alam. Kaya hindi ko rin alam kung anong dapat sabihin sa kanya.
“You want your bag back?” She held her chin up. The smirk displayed on her face looks so bitter.
Hindi ako sumagot. There's just something doesn't look good with her question. Tila ba sa kagustuhan kong makuha ang bag ay kapahamak ang maaring idulot noon sa akin.
“You don't want to get your bag back?” she asked annoyed. “Bakit hindi na? Hindi ba iyon ang dahilan kaya ka bumalik kaysa kumain na lang sana nang tahimik doon? Kung bakit kailangang may mahirapan dahil sa'yo!?”
I was surprised. Kanina pa niya sinasabi na may masasaktan dahil sa akin. Hindi ko naman malaman kung paano at bakit dahil sa akin. “W—What do you mean? Dahil sa akin?”
Humakbang siya palapit at marahas na hinila ang braso ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit bumabaon ang kuko niya sa tuwing ginagawa ko iyon. Sa huli ay hinayaan ko na lang siyang hilahin ako palabas ng kwarto.
“You want your bag back right? Panindigan mo. Matuto kang manindigan habang nandito ka!”
Another warning again. Sa tuwing nagsasalita sila nang ganoon ni Ruth, pakiramdam ko ay warning iyong ibinibigay nila.
While she's dragging me in the hallway, one of the neighboring door room opens. A man, wearing only a white robe emerged out. His eyes narrowed down at me, to Lizzy, and to her grip on me. Ngumisi siya bago nagtaas ng kilay.
“Bullying the newbie? Not quite right.” His lips twitched and winked at me.
Umirap lang sa kanya si Lizzy bago ako muling hinila. Hindi kami gumamit ng elevator. Sa dulo ng hallway na ito ay isang puting pintuan. The word 'personnel only' is written on the door. Kaya nagtaka ako nang buksan niya iyon at hilahin ako sa loob.
“What are we doing here?” I asked her after she harshly let go of my arm. I caressed it to soothe the pain pero ramdam ko pa rin ang kuko niya sa aking balat.
“Do you want your bag back?”
Marahan akong tumango, nakaramdam ng kaunting kaba sa binabalak niya.
“Then listen to me and do this quietly,” she ordered and jerked her chin to the door in front of us. Bago iyon ay may dalawang linya ng upuan sa magkabilang gilid. Katulad noong nasa mga hospital o clinic. Just like a waiting area. I wonder what's inside that door?
“Let's go,” she said in a demanding tone.
Hindi ko talaga gugustuhing bumalik. Ni hindi ko alam kung bakit ako pumayag na gawin ito. Maybe because of Lizzy's authoritative voice? At isa pa ay tila galit siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba tinanggihan ko ang ginawa ni Ruth? Iyon ba?
Nang tumunog ang elevator ay ginapangan ako ng kaba. Nakayuko ay hila-hila ko ang cart na dala. Wearing a housekeeper's uniform, kailangan ko raw siguraduhin na walang makakakilala sa akin. Isa pa sa mga bagay na ipinagtataka ko, kadarating ko pa lang sa hotel na ito ngunit ilan na sa kanila ang tinatawag akong 'newbie'. Isa na rin ang may edad na lalaki kanina sa kwartong pinasukan namin. Which I eventually learned a maintenance department.
He called me newbie nang nakita ako. Sinabi lang ni Lizzy na na-aasign ako ay pinapasok na nila ako sa dressing room sa loob at pinasuot sa akin ito.
I don't get the reason why I needed to wear this if I only wanted to get my bag back. But when Lizzy explained it all to me while we're alone in the elevator, I know all the blood in my veins almost evaporated.
Kahit anong paliwanag ko sa kanya ay hindi siya nakikinig. Ramdam namin ang takot ng bawat isa dahil sa gagawin ngunit pinilit nya pa rin ako. Mr. Maintenance, iyong lalaki sa maintenance department, ang alam niya ay sa 2nd floor ako maglilinis pero hindi ako roon dinala ni Lizzy. Nang bumaba kami sa lobby at hinarap niya ako sa tapat ng kulay pulang elevator ay lubos-lubos na ang kaba at takot ko.
“You're scared because you know what is going to happen if you f****d up on this. So better do it wise and safe,” she said to me and entered an elevator again, leaving me alone in front of this odd one. Sa malapitan ay halos masuka ako sa amoy noon. The red paint is not just painted. It is really blood. Kung bakit may ganito sa lugar na ito ay talagang hindi ko na alam.
Not blood. Not blood. The mantra I keep on repeating on myself.
Sa loob naman ay hindi ganoon ang amoy. The truth is, it smells nice and cool inside pero kinakabahan pa rin ako.
Ngayon na tumigil ang elevator sa 13th floor ay mas tumindi iyon. Kung bakit kailangan pa naming bumaba sa first floor para lang sa elevator na ito papunta sa 13th floor at sa room na iyon, ay isa rin sa mga tanong ko na hindi pa masasagot sa ngayon.
The floor looked familiar. Doon ko lang namalayan na ito rin ang palapag kagabi. Dahil siguro sa preoccupied ang utak ko kagabi ay hindi ko namalayan lahat. Maging ang pulang elevator na napasukan ko na pala.
But it was not a quiet hallway anymore. There’s an odd sound muffled by the ajar door of the room. I could hear mocking laughter. Groans and whimpers. A swish and flip of something hitting the air. A thud.
Nakayuko ay diretso akong pumasok sa loob at tahimik na naglakad. Lizzy didn't exactly told me where to go. Pero alam ko naman kung nasaan ang private elevator kaya doon na ako nagtungo. Sa bawat pintuang nadaraan ay nagtataasan ang mga balahibo ko.
“Whatever you see or hear just continue on walking straight. Dysfunction all your senses for a while.” Again, she reminded me. But it was as if she was not the one talking. It's as if she's trying hard imitating someone.
“Guess he doesn't want his tongue anymore.” A gruff voice said inside the room, only a meters away from the elevator across the hall. “Grant his wish. f*****g cut it off.”
I halted. Pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig.
“f**k you all d**k!” another man's voice. But he sounded as if in so much pain.
Men's laughter resonated around the whole floor and went to my ears after a loud thud and a painful cry. Matindi ang kagustuhan kong alamin kung ano iyon ngunit naalala ko ang paalala ni Lizzy.
“Doesn't look fun at all,” bellowed the dangerous steady voice again. “Take off his pants and cut off his glory.”
I blinked at the pair of closed doors in front of me. The demanding voice abruptly brought me back to my senses. Kumilos ako at muling itinulak ang cart papasok. I pressed the button multiple times until the door opened.
Waking up in the girls' room, I thought I was finally free from the devil. But I was wrong because I was locked up captive here.
This was obviously his place. Indeed his home. Hindi siya nagkamali sa sinabi niya. Kanya ang lahat ng ito. The sounds of suffering on the floor leading to his room. The laughter of those evil men. The stench of sweat, smoke, blood, urine, and death.
I wanted to remember what I did wrong in my past life to deserve this. My world kept on making a wide turn. It never let me enjoy the long drive of my life. Whenever I finally got to know how to maneuver my way around life, the world would turn upside-down, preventing me from moving again.
This was hell — Lucifer's place and home. And walking straight to his room was never a good decision at all.