BLURB
HINDI lubos akalain ni Freya na makakaya niyang umaktong isang mababang babae sa harap ng isang lalaki nang mapasubo siya sa hamon at pustahan ng mga kaibigan niya. Sinayawan niya ang lalaking unang pumasok sa loob ng bar kung saan idinaos ang ika-dalawampu't pitong kaarawan niya.
Tatlong shot ng whiskey ang nagpatibay ng loob niya para magawa ang hamon sa kaniya. Sinalubong niya ang lalaking pumasok at iginiya sa stage ng bar. Ginilingan niya ito tulad mg mga ginagawa ng mga babae sa kabaret na napapanood niya sa mga palabas sa TV.
Tagumpay siya sa pustahan dahil nagawa niya iyon nang walang kahirap-hirap. Pero para naman siyang sinilaban ng posporo dahil sa reaksyon ng lalaking kaniyang sinayawan. Madilim pa sa gabi ang anyo nito at tila diring diri sa ginawa niya. Hundred percent, pahiya siya. Lalo na nang sabihin nitong, "I did not came here for a w***e. Here. Take your tip," sabay abot sa kaniya ng malutong na isang libong piso.
Iniwan niya sa resort at ibinaon sa limot ang kahihiyang iyon at bumalik sa trabaho. Siya si Freya Alves Fabian, hindi siya maaapektuhan ng kahit ano pang masamang pangyayari sa nakaraan.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil muli silang nagkaharap ng lalaking sinayawan niya sa resort. Ito ang bago niyang client at kumontrata sa kompanya niya para sa ipapatayong Private Airport ng isang Italian company sa Pilipinas-ang Grayson Airlines na pag-aari ng mayamang Filipino-Italian Ethan Elizalde Grayson na walang iba kundi ang lalaking ginilingan niya dahil sa pustahan!