Chapter 23 Pakiusap kahit isang araw lang

1863 Words

Chapter 23 Zari POV TUMAWAG ako kay Auntie Pilar para alamin kung nandoon si Josh. Napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas–diyes na nang gabi pero wala pa si Josh. Hinawi ko ang kurtina habang nagri–ring ang cellphone ni Auntie Pilar. Tunog ng mga kuliglig ang mga naririnig ko sa labas. Masyadong malalim na ang gabi ngunit wala pa rin siya. Pagkatapos umalis ni Zein kanina ay sumunod din siyang umalis. Ilang beses ko siyang nalingunan na nakatingin sa amin ni Zein. Sa tuwing mahuhuli ko siya, mabilis siyang nagbabawi ng mga paningin. Hindi ko alam kung tama bang; awa at guilt ang nakita ko sa mga mata niya kanina. "Auntie, si Josh?" tanong ko, nang sagutin ni Auntie Pilar ang tawag ko. "Nandito ako sa resort kaya hindi ko alam. Tawagan mo ang number niya," sagot niya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD