Yumi pov "Hay salamat nabusog rin sa wakas" sabi ni Kira habang hinihimas nito ang kanyang tiyan na halos lumubo na sa dami ng kinain. "Same here. Ang sarap ng mga pagkain na niluto ni Azumi. Inspired siguro" sabi ni Fumi habang may nakapaskil na nakakalokong ngiti at may kakaibang kislap ang kaniyang mga mata. "Eh bakit naman hindi. Lalo pa't malapit lang ang baby niya" Nakangisi kong sabi kaya naman hindi na ako nagulat na makatanggap ako ng matalim na tingin mula kay Azumi. "Ano ba Yumi!! Please lang ayoko nang marinig yan. Kasalanan ito ng lalaking iyon eh..Aaaargg i hate him" naiinis na sabi ni Azumi at padabog na lumabas ng tent namin. "Anong nangyari dun?" takang tanong ni Lily. "Ayaw niya kasing tawagin siyang Baby" sabi ko na lalong ikinakunot ng noo nito at maging ang iba p