“Thirty seven thousand, eight hundred fifty and fifty cents, paki sign na lang po dito ma’am,” tumango ako at kinuha ang papel na kailangan ko pirmahan, “Thank you,” “Okay na po yan, ma’am?” tanong ko. “Paki hintay na lang po ang resibo, ma’am,” tumango ako at tumabi lang, habang hinihintay ang resibo ko, “Ito po, ma’am,” tumango ako at nagpasalamat, tsaka kinuha ang resibo at umalis. Nagpadala agada ko kahapon, matapos ko makuha ang sahod ko, sabi ni Cris, kailangan na daw bumili ng mga gamit at damit ng baby nya, ilang buwan na lang kasi ay manganganak na siya, kailangan nya din ng check-up. Sinabi ko sa kanya na pagkatapos niya manganak ay bumalik siya sa pag-aaral, hindi na sya sumagot, pero pipilitin ko sya na gawin yon, ayoko naman na magaya siya sa akin, hindi nakatapos ng pa