Gusto niyang isipin na nagseselos si Aby kay Alexandrea dahil sa kanya pero sarili lang niya ang dadayain niya. Nagseselos ito dahil kasali sa usapan si Millard. Kung hindi dahil sa kakambal niya hindi siya nito pupuntahan. Alam niya na matindi ang galit nito sa kanya.
"Why didn't you tell her what happen to Ronron?"
Nag-iwas ito ng tingin. "She m-meet you b-before I have a chance to tell her."
"No, you choice not to tell her." Iyon ang ipinagtataka niya. Bakit hindi ipinaalam ni Aby kay Alexandrea ang nangyari sa kakambal niya? Alexandrea is his twin's bestfriend, she have the right to know what happen to Ronron.
"I-i didn't."
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila.
"Stay away from her Millard. I'm warning you."
"I don't need you to tell me what to do."
"It's for your own good. Ikaw lang ang masasaktan sa huli, we both know that. Ikaw lang din ang inaalala ko."
Pagak at nang-uuyam siyang tumawa. "Are you?" "Just do what I said." Yun lang at nagmamadali na itong umalis.
Naiwan siya sa malalim na pag-iisip.
ALEXANDREA POV
"HEY, Bakit gisng kapa?" Nakangiti niyang bati kay Millard at inilagay sa lamesa na katabi lang ng kama na kinahihigaan nito ang dala niyang lunch box.
Mag-aalas onse na ng gabi siya nakapunta doon sa ospital dahil katulad ng nag-daang mga araw dumadaan muna siya sa Condo pagkakatapos ng trabaho niya para magbilis at magluto ng mga pagkain na dadalhin niya doon sa ospital. Ayaw kasi ni Millard ng mga pagkain doon.
Doon siya natutulog sa ospital para may kaAlexa si Millard. Ipinagtatabuyan siya ng kaibigan pero hindi siya nakinig. Hindi rin naman kasi siya makakatulog ng maayos kung sa Condo siya matutulog habang naroon sa ospital si Millard at walang kaAlexa.
"It's late. Hindi kena sana pumunta rito."
"It's better late than never." Umiling-iling lang ito at hindi na nagsalita. "Nagugutom kaba? Mga paborito mo ang niluto ko. Fried chicken, minodo and pakbet."
"I'm not hungry."
Natigilan siya sa malamig na trato sa kanya ni Millard. Noong isang araw pa niya iyon napapansin at ramdam niya na parang iniiwasan siya nito. Napakatipid nitong magsalita at paiwas palagi ang mga sagot sa kanya. Kinakausap naman siya nito pero hindi siya nito tinitingnan. Hindi niya maiwasang masaktan sa biglang pagbabago ng trato nito sa kanya. May nagawa ba siyang mali? Galit ba ito sa kanya?
"Gusto mo ipag babalat kita ng mansa-"
"Just sleep." Sagot nito na nakatutok parin ang pansin sa laptop na nasa harap nito. Hindi man lang siya pinagkaabalahang sulyapan man. Kahit nga ng dumating siya hindi man lang ito nag-angat ng tingin.
"Millard?"
"Don't mind me."
Napakagat labi na lang siya at marahang tumango. Siguro busy nga lang talaga ito. Sa mga nag-daang araw palagi itong nakakunot ang noo at animo aburidong-aborido.
Nanahimik na lang siya at hindi na ito inabala. Tahimik na lang siyang nahiga sa mahabang sofa. Dahil siguro sa pagod kaya kaagad siyang nakatulog. Hindi na niya namalayan ng kumutan siya ni Millard.
Nang magising siya kinabukasan naroon sa silid si Aris.
"Good morning."
"G-good morning. Kanina kapa?" Nahihiya niyang tanong kay Aris.
"Not that long."
Nang makapag hilamos at maayos ang sarili sumama siya kay Aris para ayusin ang release paper ni Millard. Ngayong umaga ang labas nito doon sa ospital.
Pagkatapos ng mga tapat niyang ayusin sa pag labas ni Millard bumalik din agad siya sa silid nito pero nagtaka siya ng makita na wala doon ang kaibigan.
"Where did he go?" Nang wala din ito sa loob ng restroom lakad takbo siyang lumabas ng silid at hinanap ang kaibigan. Ilang nurse na rin ang napagtanungan niya pero wala daw nakakita sa binata.
Sa kagustuhang makita ang kaibigan walang pagdadalawang isip na basta na lang siyang pumapasok sa bawat men's room na madaanan niya.
"Leighdo......... y-y-you....." Uno, the mask man is....
Balewala at walang emosyon na tiningnan lang siya ng lalaki sa repleksyon niya sa salamin na nasa harap nila bago muling isinuot sa mukha ang hawak na maskara at parang walang anumang ginulo-gulo ang buhok niya bago siya nilampasan.
Tulala naman siyang naiwan doon sa men's room.
What just happen?
Sa rooftop niya nakita si Millard. KaAlexa nito si Uno.
Naguguluhan siya at nagtataka. Bakit nagsusuot ng maskara si Uno? At bakit kailangan nitong magpanggap sa harap ng marami na hindi ito nakakapag salita.
What's the big deal?
"MILLARD Sabihin mo nga sa akin ang totoo," pumunta siya sa harap nito at pinamaywangan ito. "Iniiwasan mo ba ako?" Lakas loob niyang tanong ng magpatuloy ang pagiging malamig sa kanya ng kaibigan. Apat na araw na itong nakalabas ng ospital. "Pwede ba na kausapin mo muna ako? Kahit sandali lang?"
"Later."
"Millard naman." Ano pa bang inaasahan niya? Kinakausap nga siya nito pero paiwas naman ang mga sagot nito. Mas madalas na isang tanong isang sagot lang ito at ang mas ikinaiinis niya hindi na ito natutulog sa tabi niya. Hindi niya alam kung natutulog pa ba ito dahil pag magigising siya ng dis oras ng gabi makikita niya ito sa sala na nakaharap parin sa laptop nito.
Nag-aalala na siya para kay Millard. Kalalabas lang nito ng ospital at hindi pa ganoon kagaling ang mga basa nito sa katawan at mukha pero pinapagod na nito ang sarili sa walang pahingang trabaho. Oo, nakaupo lang ito doon sa sala maghapun at pati narin magdamag pero hindi ba ito napapagod? Baka bumigay na ang katawan nito sa ilang araw na walang tulog at pahinga.
"I'm working."
"Take a break. Kumain muna tayo, nakapag luto na ako at naihanda ko na ang lamesa."
"Later."
Napasimangot siya. Ito na nga ang inaalala niya pero mukhang wala naman itong pakialam. "Do what you want." Sa sobrang inis nagdadabog niya itong tinalikuran at pumasok na lang siya sa kwarto at mabilisang nagbihis. She can't take it anymore. Hindi niya maintindihan si Millard. Kung itrato siya nito ay katulad na katulad ng pagtrato sa kanya ng mama niya at iyon ang ikinaiinis niya. He make her feel unwanted and she hate it the most.
She hate to be ignore without knowing why because it make her feel unwanted. It's the worse feelings for her.