Lost Hope (Aniwanag ng Liwanag)

Lost Hope (Aniwanag ng Liwanag)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
lighthearted
serious
campus
city
highschool
coming of age
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Aniwanag ng Liwanag, is a novel that states the difference of color, stand and beliefs of many people. And the power of religiousness that holds the lives of many people, that sometimes we use it for justifying, that having faith in God brings us to light and removes us from darkness.

"I am the light of the world, whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life, Jesus again claims to be light of the world" says in John 9:5. The question is, Is God really helping us?

Wes doesn’t believe in hope, while Hope is a child of God and would give people words of wisdom that leads them to hope. But the world turns upside down, the one who believes is now deprived and has lost hope; the one who lacks hope is now full of it. Is there a chance for them to meet again? Or the hope that has been lost will never find the way back.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1.
Simula Walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago, may kakayahang magbago at puwedeng magbago. Ugali, personalidad, paniniwala, lahat. Iyong dating malungkot, kayang ngumiti at maging masaya. Ang mga takot makihalubilo, natuto makisama. Ang mga taong matanim ng galit at hinanakit ay nakukuha namang magpatawad. At sa gitna ng lahat ng iyon ay may rason.  Sa bawat lungkot ay may dahilan para ngumiti, sa bawat takot ay may dahilan para maging matapang at sa bawat sakit at galit ay may dahilan para tumanggap. “Alam ko mahirap, pero kailangan natin maging matatag. Kailangan nating humawak sa kamay ng diyos, kailangan nating tumayo at magsumikap para sa mga taong mahal natin. We just always need to remember and keep this in our minds that Jesus is within us, no matter how hard and difficult it is, he’s always here to help and reach within us. Let’s not stop hoping. In the name of Jesus, Amen.” Ibinaba ko ang mikropono at nag sign of the cross bilang wakas ng dasal habang tanging bentilador lamang at tunog ng paglipat ni Father Lino sa pahina ng bibliya ang maririnig sa buong Chapel. Malaking sugat sa mga tao ang pagkakaroon ng problema na naglalayo sa kanila sa Diyos lalong-lalo na sa mga kabataan. At alam kong lahat ng narito sa simbahan kabilang ang mga kabataang tulad ko, ay may kailangan ng mga salitang magtataas muli sa kanila. Binigyan ako ni Father ng pribilehiyo na makapagsalita muli sa gitna ng maraming tao dito sa Chapel. Para makapag bigay ng mga salitang hindi lamang galing sa Diyos, kun’di rin sa akin mismo na galing sa puso. At karamihan pa sa kanila ay kabataan. Karaniwan sa kanila ay parang layo na at mas malapit sa hindi magandang mga bagay. At sa bawat salitang na ihahatid ko sa kanila ay ang pag-gaan ng loob nila. Alam ko dahil minsan ko na rin ‘yong naranasan. Sa totoo lang, gusto kong mag serbisyo sa simbahan at maging madre. Totoo ang mga asar sa akin ng mga kaklase ko noon, at kahit naman hanggang ngayon madalas nilang sabihin na mukha raw akong madre. Para akong madre, hindi ko rin naman inaakila ang mga paratang na ‘yon na kung minsan ko rin naman iyong pinangarap talaga. Nang makaupo na ako sa gitna, pakiramdam ko lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Kung tutuusin ay mas matanda ako sa karamihan sa kanila dahil mga highschool students pa lamang ang mga narito. Iba dito, walang insekyuridad akong nararamdaman. ‘Di tulad sa school na kapag tuwing tinitingnan nila ako ay hindi ako sigurado sa kung anong iniisip nila sa akin, minsan nga ay ayaw ko na lamang isipin dahil may mga kaibigan naman ako at ang mahalaga ay ang kung anong pakikitungo nila sa akin. Hindi rin ako nako-conscious sa simbahan. Wala, ako lang. Hindi kailangan yumuko dahil sa mga mata nilang nanghuhusga. Hindi ko kailangan mag pretend na ibang tao, dahil dito ang mundo ko, dito ako nararapat. Dito sa simbahan ay malaya ako, kung ano ang mga gusto kong gawin ay nagagawa ko. Ang mga tingin at maliligayang ngiti na iginagawad sa akin ng mga taong narito ay sapat na para magkaroon ako ng kumpyansa sa sarili. Kaya kong maging halimbawa sa mga kabataang ito, sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila kung ano talaga ang tama at mali, sinisigurado ko. Ang mga tingin na iyon ay nakakapagpa-luwag ng dibdib ko, nakakapag-pangiti sa akin. “What is Silent?” si Father na ang nagsasalita, “From the word Silence, Silent means Listen.” pagbasa ni Father sa isang projection na nakatutok sa may whiteboard sa gitna. “When you listen, you are in silence. Because when you are not, you lose your focus, your heart and mind won’t listen. Amen?” “Amen.” tugon naman naming lahat. “Pero sandali lang mga anak, hindi ito ang napili naming topic dahil kayo ang number one kaaway ng mga teachers niyo pag dating sa kaingayan. Ipinapaliwanag namin dito kung gaano kahalaga ang pakikinig habang tayo ay tahimik, narito pa rin tayo upang pag usapan ang pagmamahal ng Diyos sa atin, Amen?” “Amen.” tugon muli, “Ngayon heto, ano nga ba ang pagmamahal? Paano nga ba natin ito nararamdaman?” Ang pinaka makapangyarihang emosyon na pinagmamay-ari ng isang tao. Sa mga nangyayari ngayon sa mundo? Parang hindi kasiyahan o kung ano mang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila ang mas kailangan. Puso, ang ibang mga tao ngayon ay madaling maging masaya bigyan mo lamang ng material na bagay. Mas masarap pa rin iyong masaya ka ng may puso, ng may pagmamahal, at hindi nanghahamak ng ibang tao. “Karamihan kasi sa atin ngayon ano, parang ang dali na lamang sa inyo ang magmahal. Kayong mga teenagers, mga kabataan, madali na lang sa inyo ang sabihing ‘mahal kita’ basta ba'y may girlfriend o boyfriend ako sa Valentine’s Day ayos na, basta ba'y may flowers at chocolates ako na matatanggap mahal na kita.” Tahimik ang lahat, may ibang natatawa at mag titinginan pero agad din mananahimik. “Totoo. Ang dali na lamang sa atin ngayon ang sabihing ‘mahal kita’. Kahit na hindi mula sa puso, kayang-kaya natin sabihin iyan sa panahon ngayon, para bang nawawalan na ito ng totoong saysay. Pero ang Diyos? Hindi pa niya nasasabi o naipapabatid na mahal ka niya, naiparamdam niya na iyon sa’yo.” Napangiti ako at tumango, sumasang-ayon sa sinabi ni Father. Kasabay ay ang paglibot ko ng tingin at may nakitang inaantok na pero dahil sa sinabi ni Father kanina na ayaw niya ng may natutulog ay sinisikap nila na hindi makatulog. Kahit sa maliit na bagay na iyon alam kong may potensyal silang maging mabuting halimbawa para sa susunod na henerasyon. “Bigyan ko lang kayo ng maikling kwento ano, tungkol sa pagmamahal na ‘yan at kung ano ba ang tunay na dahilan kung bakit tayo nakadarama niyan." kinuha ni Father ang mikropono sa kanyang harapan at lumapit sa unang hilera ng mga estudyante saka nagpatuloy.  "Alam niyo may anak ako, sundalo na siya ngayon. Hindi man ako ang biological father niya ay itinuturing ko pa rin siyang anak ko. Naalala ko, isang araw ay nasa retreat kami, sa may Palawan. Sinama ko siya kasi minsan rin niya ginustong maging Pari tulad ko, wala eh idol niya raw ako.” paghalakhak pa ni Father,  Nag tawanan din naman ang mga tao sa kibit-balikat ni Father, maging ako ay napahalakhak. Kilala ko rin kasi ang kung sino'ng kinukwento niya at hindi ko maiwasang mapangiti. “Pero noong mga oras na iyon, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Alam niyo ba kung bakit? Dahil nakikipaghiwalay na sa kanya ‘yong babaeng matagal na niyang mahal at gustong mapangasawa, pero para sabihin ko sa inyo ha mga anak, ang laki niyang tao kaya nga naging sundalo, at matapang, halos walang kinakatakutan."  Pinagmasdan ko ang mga batang halos hindi na umaalis ang atensyon kay Father dahil sa sobrang pagkaibig sa ikinukwento ni Father. Pagkagalak na lamang ang natatangi kong nararamdaman.  "Pero humahagulgol siya sa akin noon ng dahil sa isang babae." huminto si Father,  "Huwag niyo sanang isipin na ang pag iyak ay para lamang sa mga mahihina ang loob. Ang pag iyak ay isa sa mga purong emosyon. Hindi dahil ay umiyak ka ay mahina ka na, sobrang mahal niya lang ‘yong babae para sabihin niya sa akin na Pa, hindi ko kaya, siya ang mundo ko. Sabi ko naman, 'nak paanong hindi mo kaya tapos siya ang mundo mo? Hindi ba dapat ay kayanin mo dahil siya ang mundo mo?” Ilang beses ko nang narinig na nagkwento si Father, paborito niyang ikwento ang mga magagandang bahagi ng buhay ng ibang tao na nakakasalamuha niya. May mga taong nagku-kwento sa kanya at nagsisilbi iyong inspirasyon para sa kaniya. Sa iilang beses ko pa lang na nakakasama si Father sa mga Recollections at Retreats ay iba’t ibang nakakamanghang istorya na ang naririnig ko kay Father. Ipinagmamalaki kong isa doon ay ang kwento ng mga magulang ko, isa siya sa mga naka-subaybay at ngayon, ay naibabahagi niya pa sa mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon. “Sabi niya sa akin, Pa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Noong mga oras na iyon, natigilan ako, kasi alam ko… alam niya kung ano ang gagawin niya ayaw niya lamang alamin.‘Yong Retreat House na pinuntahan namin, malapit lang siya sa dagat. Kaya ang sabi ko ‘nak, baka kailangan mong mapag-isa muna, baka kailangan mong makapag-isip sa tahimik na lugar."  Hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong lugar iyon, dahil alalang-alala ko pa kung paano ko pinanood ang video nila roon sa lugar na iyon habang nag-iisang dibdib.  "Lumabas siya, mag isa… Ilang oras siyang naroon sa tabing dagat. Pagbalik niya, ngumiti siya bahagya, alam ko kahit papaano na refresh ang utak niya. At ang unang tanong ko sa kaniya ay hindi tungkol sa babaeng mahal niya, tinanong ko siya kung anong pinagmasdan niya habang tahimik siyang naroon." tila sabay pa yata kaming nangiti ni Father.  "Inilarawan niya ang paglubog ng araw at ang alon na umaalis at bumabalik sa paanan niya. Ang sabi ko sa kanya, anak, the sunset is the message of the Lord, and the waves coming back from you is what you wanted. Kahit sa maikling oras mahahanap mo ‘yan. Mahahanap mo ang bagay na kailangan mong gawin sa oras na gulong-gulo ka ang the best time to think and pray is when you’re hopeless. At bago ka magmahal ulit, mahalin mo muna ang sarili mo.” Habang nagsasalita si Father ay iniimagine ko ang mga magulang ko tulad ng nasa kwento, kung paano umiyak si Papa at piniling mapag isa, para makapag isip. At alam kong sa pag-iisa niyang iyon ay kinausap niya ang Diyos dahil iyon ang palagi niyang paalala sa akin. Siguro doon niya rin kinuha ang lakas para ipaglaban si Mama. Maswerte ako dahil may mga magulang akong tulad nila, pinagtagpo ang dalawang pusong hindi nagkamali piliin ang isa’t isa araw-araw. Una’t huli. Wala silang ibang minahal kung hindi ang isa’t isa, at kung magmamahal ako gusto ko pareho nila, kahit na ang tagal-tagal na nila parang nagliligawan pa rin sila, ang sarap kayang mag mahal mo na, ikaw ang una at ikaw rin ang huli. Na kahit alam mong puwedeng magkaroon ng lamat, problema at anong kaguluhan na puwedeng makapaghihiwalay sa inyo, mayroon kang kasiguraduhan at pinanghahawakan. Pero sa henerasyon na mayroon ako ngayon? Pang nobela na lang ang mga gano’n. Sa mga libro mo na lang nahahanap ang mga ganoong nagmamahalan. Mga masuwerteng tao na lang ang nabibiyayaan ng ganoong relasyon at isa na roon ang mga magulang ko. “Sobrang dali lang magmahal, sa panahon ngayon? Nag mahal ka, nasaktan ka, tapos! Mahalin niyo muna ang pamilya niyo mga anak. Kayo ba ng nanay niyo pag nag away kayo sinasabi niyo, Ma break na tayo, ayoko na, sawa na ako? Ang sagwa ‘di ba? Kapag nag aaway ang isang pamilya nagkakasakitan sila Oo, pero sa huli mahal pa rin nila ang isa’t isa. Love always starts with your Family. Family is the foundation of love, hindi na natin alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Are you with me? Amen?” Ito ang dahilan kung bakit malaking impluwensiya ang simbahan sa akin, sa amin. Salita na puro at galing talaga sa diyos, sapat na iyon para maniwala ako. Sa tuwing lalabas ako sa simbahan marami akong natututunan. Hindi ka lang magkakaroon ng kakaibang pananampalataya, ‘yong lalim ng salita ng diyos at sa lahat ng antas ng pagiging makatao, minsan iyon ang huhulmsa sa’yo. Ang bubukas ng kaisipan mo sa bagay-bagay. Malaking bagay sa akin na nakapasok ako dito sa simbahan, kasi kung hindi? Siguro ang hina-hina ko na ngayon. Sa tuwing may giyera na pinapasok ang tatay ko walang tigil na negative thoughts and pumupuno sa isip ko. Mahina na nga ako physically, mahina pa ako emotionally. Parang may giyera din sa puso’t isipan ko at nagsasabing pigilan ang tatay ko sa kung ano ang gusto niyang gawin. Maging selfish ako pero paano ‘yong pangarap niya? Gusto niyang matupad tapos pipigil ako? Kaya sobra rin ang pasasalamat ko kay Papa na ipinakilala niya sa akin ang simbahan, ito na ang naging pangalawang bahay namin. At si Father Lino ang tumatayong Lolo naming. Kapag may free time dito agad ako dumi-diretcho. Siguro nga kung hindi ako nakapasok dito sa simbahan, baka maging katulad ako noong iba na nabubuhay na lang. Ani nga nila Sister. ‘Walang kagrace-grace, walang kafaith-faith. Walang kahope-hope.' Wala buhay ka lang. ‘Di mo alam kung para saan pa, ‘di mo alam kung ano pa ang purpose mo at nakakapagod. Tipong gano’n. Living is different from existing, and existing is way different from living. Sabi nga ni Father. “Mayroon kaming alay na kanta at kung alam niyo ang lyrics, puwede naman po kayong sumabay.” Ipinakilala kaming mga miyembro ng Everpresence. Sabay-sabay na nag palakpakan at nagtungo sa harap para sa awiting kanta ni Donna Cruz na, I Can. Nakangiti at taas noo akong umaawit habang tinitingnan ang lahat ng tao sa aking harapan, at hinding-hindi ako magsasawang kantahan ang mga taong narito sa simbahan. Kahit papaano ay naibabahagi ko rin ang talent ko sa pagkanta at malay ko ‘di ba? Nagkakaroon ng inspirasyon ang ibang kabataan na ilahad din ang talento nila. Tulad ko, noon ay may takot akong ibahagi sa iba ang talento na mayroon ako, tinuruan lamang ako ng simbahan. Kalaunan natutunan ko na masaya ‘yong nagbabahagi ka rin ng talent para sa iba, hindi lang para humanga sa’yo ang mga tao at masabi na maganda ang boses mo. Kaya mo rin mag kwento sa pamamagitan ng kanta, kaya sa mga taong may talento sa pagkanta, hindi dapat nila itinatago lang ‘yon, at sa ibang minamaliit ang talento na iyon ay dapat hindi binabase sa tayog ng industriyang iyon ang pangarap ng isang tao. Ang tunay na pangarap ay ang kung ano talaga ang nakakapagpasaya sa’yo. Sa araw-araw na gigising ako, iniisip ko na napaka-sarap mabuhay. Maraming dapat ipagpasalamat at hindi lang napapansin iyon ng iba, siguro? May mga pagkakataon na kinukwestyon ko kung bakit may mga problemang ang hirap lampasan, pero naaalala ko ang mga sinasabi ni Father at doon naliliwanagan ako. Na hindi palaging madali ang buhay, na kapag may isang bagay na pilit kang hinaharangan sa daang tinatahak mo ay hindi mo iyon kadali malalampasan, na maraming barikada ang nariyan sa gitna para pigilan ka at nasa’yo na ang desisyon kung magpapatuloy ka o aatras na lang. Kaya siguro Hope and second name ko? Hindi pinupulot ang pag-asa. Kahit noong may sakit ako, hindi kailangan bumitaw dahil lang doon, ‘di dahil limitado ang kakayahan mo, bibitawan mo na iyong kakarampot na pag-asa. Kasi dapat sa mga pagsubok na gano’n dapat ay lumalaban, hindi dahil may sakit ka o wala ka ng magagawa. Hindi mo na iisipin ang mga ‘puwede pa’, dapat alam mo na sa laban mo na hindi ka nag iisa. Nagpagawa ng Aktibidad sila Brother Oliver para sa mga kabataang narito, tulad ng nakasanayan tuwing Recollection. “Draw one or more symbols that reflect you and your life, how your relationship with your family is going, and draw a cross at the center above if you do believe in god. Kung hindi naman, draw it below the symbol.” Isa-isa naming binigyan ang mga estudyante ng isang bond paper at ballpen para sa aktibidad na gagawin, kita ko sa mga mata nila ang pagiging seryoso sa gagawin at kung paano nila ilalahad ang sarili sa isang drawing. Nang mabigyan na ang lahat ay binigyan sila ng ilang minuto para matapos iyon, ang buong Chapel ay nanahimik. Habang iniikot ko ang bawat lamesa, nakikita kong iba’t iba sila ng drawing, iba’t iba rin ang kahulugan ng bawat simbolo na dino-drawing nila, na sa bawat guhit alam mong may kwento sa likod noon. May iba na sobrang simple lang ang drawing, may iba naman ay sobrang malikhain at pinupuno pa ang laman ng puso nila sa papel. May nagtaas ng kamay at agad ko itong pinuntahan, isang pamilyar na binatilyo. Kilala ang pamilya. “Hindi na ba lalagyan ng explanation?” Nagdadalawang isip na tanong niya. Umiling ako sa kanya at ngumiti. Tinitingnan ko siya pero iniiwas niya ang mga mata. “Hindi na, pero ipapaliwanag mo iyan mamaya pag nag group sharing na.” Paliwanag ko, “Puwedeng hindi na?” Agarang tanong niya, Natigil ako roon, Nawala ang ngiti kaunti sa labi, nag aalala at iniisip kung bakit tumanggi siyang ibahagi ang drawing niya. Ayaw niyang i-share ang drawing niya? Na-curious ako sa drawing niya at kung bakit ayaw niyang i-share iyon. Napakunot ang noo ko sa isang bagay na nakita ko sa loob ng papel niya, walang krus o kahit ano tanging isa lang. “Hindi puwede eh, pero… maganda naman ‘yong drawing mo ha?” Mag pag-iingat kong sabi. Sinuri ang drawing niya. Tahimik siyang nakaupo, binulsa ang mga kamay sa dalawang bulsa ng jacket niya, bumuntong hininga at naramdaman ko ang pag ugoy ng isa niyang paa tila ba hindi mapakali. Pinagmasdan ko muli ang drawing niya, mayroong isang box sa gitna, at sa loob ay orasan na detalyadong iginuhit. Wall clock, pero ang mga numero ay hindi katulad sa normal na wall clock. Puro Zero. “Bakit… zero?” Tinitigan niya lang ako, lumunok siya sandali, tiningnan ang mga katabing busy rin sa pagguhit. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya kumuha ako ng upuan para tumabi sa kanya. Pinaikot niya sa mga daliri ang ballpen na hawak at binasa ang nanunuyong labi. “What do you think?” May tabang sa boses niya, matapang niya akong tiningnan. Nakaramdam ako ng kaunting kaba pero hindi ko iyon pinansin. May napagtanto akong hindi maganda ang kinalalagyan na kung bakit ganito ang orasan niya. “Kulang sa oras? May hindi tumutugmang panahon?” Sinabi ko ang mga puwedeng dahilan kung bakit iyon ang drawing niya, ngumisi lamang siya sandali sa akin. Lumingon sa bandang gilid, halatang hindi komportable sa kung ano ang nangyayari at pinag-uusapan. Pagkabaling niya ulit sa akin ay malungkot ang mga mata.  “My parents… I want their time.” tila pagod niyang sabi, pigil ang galit. Pero mas natanaw ko ang takot at pag dadalawang isip sa mga mata niya, ayaw niyang mag kwento pero parang puno na siya at kailangan niyang bawasan ang dinaramdam niya. Gulat ako sa nalaman, ngunit hindi ko rin maiaakila na sa sobrang yaman ng pamilya nito at sa dinami-rami ng kompanya na hinahawakan ng magulang nito ay talagang mawawalan sila ng oras para sa isa’t isa. Ngunit hindi iyon dahilan para maramdaman niya ito. Kilala ko siya, maging ang nakatatandang kapatid. “Hindi ka naniniwala?” Tumingin siya sa papel niya at nakuha niya ang tinutukoy ko. Hindi niya iginuhit ang cross. Naiintindihan ko, may mga taong hindi na nila alam kung saan nila ilalagay ang diyos sa buhay nila. “Bakit ako maniniwala? Hindi niya ako kayang pagbigyan. Oras lang naman, bakit parang ang hirap.” Nakita ko kung gaano ka miserable, sa mga salita pa lang. Pera, kayamanan, mamahaling bagay. Kung wala naman sa akin ang pagmamahal ng isang pamilya, hindi ko rin magagawang maging masaya. Walang katumbas ang pagmamahal ng isang pamilya sa kahit anong material sa mundo. At sa buhay ng isang binatilyong ito, mahirap para sa kanya ang humarap sa buhay ng hindi kasama ang mga magulang. “Gano’n ba kahirap mag bigay ng oras?” tinanong niya akong muli, Dumaan si Brother Oliver, tumingin siya sa akin saglit, itinatanong kung kailangan ko ng tulong pero umiling ako, gusto ko sanang ako ang tumulong. May mga nakakausap akong ganito, nakakapagbigay rin ako ng salita kahit na hindi ko pa nararanasan ang iba nila problema. Binabalikan naman nila ako ng masaya at maayos. Dahil minsan hindi mo kailangan maranasan ang kung anong nararanasan nila para lang may maipayo ka sa kanila, o para maibsan ang kung anong pangamba o lungkot ang mayroon sa kanila. Maipadama mo lang na handa kang makinig at sabihin kung ano ang tama ay malaking bagay na iyon.  At alam kong makakaya rin nitong bata. “Nakakausap mo ba sila?” Umiling siya. “Nasaan ba si God sa’yo?” malumanay kong sabi, umaasa. Natahimik, nagkibit-balikat. Pagod na sumandal sa upuan at bahagyang binagsak ang ballpen sa lamesa. Tumango ako at ngumiti. “Siguro, kung sisimula mong buksan ang sarili mo sa panginoon, makakaya mong kausapin ang magulang mo. Mahal ka nila at mahalin mo lang rin sila at ang mga tao sa paligid mo. Magiging masaya ka gano’n ang nagbibigay ng pagmamahal.” Maigi siyang nakikinig sa akin. Para bang ito na lang talaga ang pag-asa niya para may maintindihan siya. “Kung mapapakinggan mo parang ang dali, pero alam kong mahirap dahil malayo sa’yo ang magulang mo. Pero sa pagmamahal kasi walang madali.” Napansin ko kaunting nagningning ang mga mata niya dahil sa pinipigilang mga luha. “You really have such a wonderful heart. Thank you, ate.” aniya, namamaos at hindi makapag-salita ng maayos. Ngumiti ako, naluluha na rin sa heart to heart talk naming dalawa. “Salamat din. God is with us.” “Thank you so much.” Nag kunot ang noo ko sandal at tumango. “When everything’s falling, pray.” Pahabol ko, gaya ng palaging sinasabi ni Sister Amethyst sa amin. Tumayo ako para magpaalam, at sa huling sulyap ay nakita kong kahit papaano ay nangingiti na siya at alam kong may napawi.    --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
159.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
98.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook