Sunshine MABILIS ko hinubad ang suot na apron ng tumunog ang company phone ko. Sabado ngayon at hindi ko dapat sasagutin kaya lang mukhang importante ang sasabihin ng boss ko. Huminga muna ako ng malalim bago iyon sinagot. I tried my very best not to roll my eyes when I enthusiastically greet Mr. Vergara. Seryoso ako ng sabihin na ipagpapatuloy ko ang pagiging mabait sa kanya sa kabila ng masama niyang ugali. "Can you tone down your cheery mood, Ms. Santos?" Pakiusap niya sa akin. "What's wrong, Mr. Vergara? Does my cheery mood affect yours? Is that a bad thing?" "The bad thing is your monthly social activities suggestion. You need to come with me and buy gifts for those who have birthdays next month." Iniwasan ko matawa kahit 'di naman ito ang unang beses na nagreklamo siya tungkol s