Sunshine AGAD ko tinulak si Caden matapos marinig ang mga sinabi niya. Nababaliw na ba siya? He's with Shaina, for Pete's sake! Wala akong salitang binitiwan at basta na lamang siya iniwan sa labas. Parang gusto ko na lumabas ng puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito. Sumandal ako sa may pintuan pagkasara noon saka tulalang sinapo ang aking dibdib. Wala sa sariling hinawakan ko ang mga labi ko. I could still feel Caden's lips against mine. Mariin akong napapikit at pilit winaksi iyon sa isipan. Gulo kapag sumunggab ka, Sunshine at iiwas ka na nga sa matinding kaya aalis ng Acceron. Lalo lang ako nagugulo habang tumatagal! Kinabukasan, nakayukyok lang ako sa working table ko at iniisip pa rin iyong nangyari kagabi. Lalong nadagdagan iyong nakaka-konsensya na mga