bc

THE INNOCENT BABYMAKER (SPG)

book_age18+
238
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
age gap
friends to lovers
dominant
kickass heroine
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nagtangka ang 23 years old na si Sabrina Sarmiento na i-pikot ang lalaking matagal na niyang gusto na si David dahil nalaman niya na nagpropose na ito ng kasal sa girlfriend. Nahuli si Sabrina at David sa ilalim ng kumot na hubo’t hubad dahilan para pilitin silang magpakasal sa isa’t isa. Mariing tumutol si David na magpakasal unless na nabuntis niya si Sabrina sa nangyari sa kanila.

Dahil sa kagustuhan ni Sabrina na mabuntis ay pinatos niya na maging babymaker ng isang 33 year-old cold-hearted CEO na desperadong magkaroon ng anak pero ayaw ng asawa, si Alexander Valderama.

Ilang gabi na paulit-ulit na may nangyari sa kanila ni Alex hanggang tuluyan siyang mabuntis. Sa huli ay nagsisi si Sabrina na ipaako ang pinagbubuntis kay David at tumakas para ilayo kay Alex ang pinagbubuntis dahil sa takot na kunin nito ang baby.

Paano kung pagkatapos ng 4 na taon ay muling makita ni Sabrina si Alexander na bilang maid naman nito. Hanggang kailan niya maitatago ang lihim ng nakaraan na nagkaroon sila ng anak?

ALEXANDER VALDERAMA AND SABRINA SARMIENTO

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sabrina Sarmiento “Mom, I’m sure na walang nangyari sa amin ni Sab!” “What the hell, David? Then, anong ginawa niyo ni Sabrina sa ilalim ng kumot ng hubo’t hubad buong magdamag!?” narinig kong singhal ni Ninang Claudia, David’s mom. Ninang Claudia is my mom’s best friend. “Mom, please believe me!” narinig ko naman na sagot muli ni David ngayon ay puno ng pagmamakaawa ang boses nito na kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko ang frustration nito na paniwalaan lang ng ina. Mariin lang akong nakapikit at nagkukunwaring tulog habang hubo’t hubad na nakabalot sa ilalim ng kumot. “David, panagutan mo si Sabrina kung ayaw mong malintikan! Ano na lang ang sasabihin ng kumare ko? Tumatakas ka sa responsibilidad? Look, she’s virgin! Paano na lang kung nabuntis mo siya!?” “I’ll never marry her! Hindi ko siya mahal at hinding hindi ko siya kayang mahalin, mom!” Parang may kutsilyo na tumarak sa dibdib ko sa narinig mula kay David. Ang sakit naman! Kahit pala totoong may nangyari sa amin ay hindi niya ako kayang mahalin… kahit pa malaman niya na virgin ako at inaalay sa kanya ang virginity ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Pinipigilan kong maiyak sa narinig mula sa bibig ng lalaking mahal ko. Nagsimula na akong gumalaw at magkunwaring nagising dahil sa sigawan nilang mag-ina. Biglang natahimik sina Ninang Claudia at David dahil malamang na napansin na ang paggalaw ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumangon habang tinatakpan ang sarili ng kumot. “N-ninang?” mahinang sambit ko. Pinilit kong ipakita sa mukha ko ang pagkagulat. Nahihirapan din akong tingnan sa mata ang mag-ina dahil alam kong pagpapanggap ko lang ito. Mabait sa akin ang Ninang ko pero tiyak na magagalit siya kapag nalaman niya na set-up lang ang ginawa ko para mapikot ang anak niya. Alam kong boto sa akin si Ninang Claudia para maging daughter-in-law ako. Pero ayaw niya ng sinungaling at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako kapag nalaman ang kalokohan ko. Kaya muli kong tiningnan ang mag-ina. Ang tagal kong nag-practice para sa pagpapanggap na ito kaya hindi ako pwedeng sumablay. Sana ay convincing ang emosyon na pinapakita ko. Hindi ko naman kasi kayang makita si David na ikasal sa iba. Kaka-propose lang nito sa girlfriend na halos wala pang isang taon na nakilala. Hindi ko alam kung anong nakita nito sa babaeng ‘yon. Hindi naman gano’ng kaganda ang mukha no’n. Samantalang ako ay maganda, sexy, makinis… in short, artistahin. Tapos mahirap lang ‘yung babae at ako naman ay mayaman… galing sa tinitingalang pamilya. Ang tagal ko nang mahal si David. Simula pa lang highschool ako ay crush ko na siya. Sobrang ganda ko na pero si David ay hindi man lang ako ma-appreciate. Ilang beses na rin akong umamin ng nararamdaman pero balewala lang ako sa lalaki. Hindi niya ako kayang mahalin. Marami siyang reason kung bakit. Kesyo spoiled brat daw ako, irresponsible at kung ano-ano pa. Hindi raw ako marunong magseryoso sa buhay at walang mararating dahil sa ugali ko. Hindi ko raw kayang mag-handle ng negosyo. Ang dami kong masasakit na salitang narinig mula kay David, pero hindi pa rin ako tumigil na mahalin siya! Bakit? Sa tingin niya ba na ‘yung babaeng gusto niya ay may mararating kung hindi niya papakasalan. Hampaslupa ang babaeng ‘yon at hindi rin naman magiging marunong sa business. Natural lang naman na hindi pa ako marunong mag-handle dahil hindi naman binigay sa akin ng daddy ko ang pamamahala sa isa namin na kumpanya. He wanted me to start at the lower-level position. In short nasa pinakababa ng organization chart. Ano ‘yon? Mataas ang pinag-aralan ko para lang mapunta sa ibaba at maging utusan? No way! Ayaw akong bigyan ni daddy ng supervisory position which I deserve. May nalalaman pa si Dad na kailangan kong matuto muna kung paano makisama sa mga mas mababang posisyon. Why do I need that? Ako naman dapat ang masusunod na dahil ako naman ang magiging boss nila in the future. Besides, if ever na magsawa akong mag-handle ng company namin, I can appoint someone who will take control na pase-sweldohan ko. Kaya ang ginawa ko ay nagtayo ako ng sariling business nang nakapagtapos ako sa course na napili ko. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, kaya nang sinabi ko kay daddy na gusto ko na lang munang magtayo ng sarili kong negosyo ay binigyan niya ako ng capital. Pero wala pang dalawang taon ay nalugi ang tinayo kong business. Nabalewala ang higit sa one hundred million pesos na binigay ni daddy para sa capital at nauwi sa wala. Sa ngayon ay wala akong ginagawa. I’m just living my life to the fullest. Nagpa-party hanggang magsawa ako. Lahat ng gusto ko ay nasusunod. Prinsesa akong matuturing ng mga magulang ko dahil only child ako. Hindi ko tunay na ama ang daddy ko pero tinuring niya akong galing sa kanya. Patay na kasi ang tunay kong daddy at pangalawang asawa na lang ni daddy si mommy. Binibigay nila ang lahat ng material na naisin ko. Kahil magpa-palit palit ako ng sasakyan ay barya lang sa magulang ko ‘yun. Kahit ilang branded bags at shoes ang bilhin ko ay okay lang. Ako rin ang magmamana ng lahat ng kayamanan namin, eh. Kaya dapat lang na buhay prinsesa ako. Pero totoo pala na mahirap makuha ang lahat ng bagay sa mundo. Isa lang ang hindi ko makuha. David’s love. Ang hirap abutin ni David. Kaya ito… nag-devise ako ng plano na mapikot ang lalaking mahal ko bago pa man ito ikasal sa girlfriend nito. Kinutsaba ko ang bestfriend kong si Janette. Nagpunta si David sa bar para maki-hang-out sa barkada nito. Nang medyo napaparami na ng inom si David ay sinaluhan na namin siya at hinaluan ng sleeping pills ang iniinom para mabilis mahilo. Nag-offer ako sa mga kaibigan ni David na kakilala ko naman na ako na ang maghahatid sa lalaki sa condo nito at pumayag din naman sila dahil halos lasing na silang lahat no’ng time na ‘yun. Doon nga ay naisakatuparan ko ang madilim na planong pikotin si David. Hinubaran ko siya hanggang sa mawalan siya ng saplot. Sobrang nanginig ako sa ginawa ko. Virg*n pa ako at inosente sa s*x. Pero dahil sa tindi ng kagustuhan ko na matupad ang pakay ay pikit mata kong tinabihan si David kagabi. “Anak, are you okay?” Bigla ay lumapit si Ninang Claudia sa akin. “Ninang… I’m sorry… Lasing po kami ni David… nakalimot po kami.” Bigla ay niyakap ako ni Ninang Claudia. Nilubog ko ang mukha sa dibdib ni Ninang at lihim na napangiti sa simpatya nito. “Don’t worry, hija. I’ll make sure na pananagutan ni David ang ginawa niya sa’yo. Hindi ko hahayaan na maagrabyado ka!” mariing wika ni Ninang Claudia. Naramdaman ko ang masuyong himas ni Ninang sa hubad kong likod. Mas lalo akong napangiti. “Tagumpay! Akin ka lang David at hindi ko hahayaan na mapunta ka sa hampas-lupang babaeng ‘yon!” Lihim akong nagdidiwang sa isip ko. “Fine, mommy. I’ll marry her if I got her pregnant!” Narinig kong sabi ni David dahilan para ibaling ko ang tingin sa lalaki. Nagtama ang tingin namin ng lalaking mahal ko. Bigla ay natakot ako dahil ramdam ko ang poot niya sa akin. Kulang na lang ay ibaon niya ako sa lupa sa pamamagitan lang ng tingin. Ano daw pakakasalan niya lang ako kung nabuntis niya? Bakit my ‘kung? My goodness! D*mnit! Hindi pwede! Paano ako mabubuntis kung walang nangyari sa amin? Biglang napalitan ang kaninang tuwa na nararamdaman ko ng kakaibang lungkot. “David!” Sigaw ni Ninang Claudia. Muling hinarap ni Ninang ang anak niya at ako naman ay nanlalabo na ang mata sa napipintong pagtulo ng luha. Hindi ako pwedeng pumalpak! “Sigurado akong walang nangyari sa amin, mommy. You need to believe me! Kahit lasing ako ay hindi ko siya gagalawin! Kaya pakakasalan ko lang siya kung nabuntis ko siya!” Pagkasabi ni David no’n ay tuluyan na itong lumabas dito sa kwarto na half-naked. Natitigilan na lang akong sinundan ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko. “Sab, magbihis ka na…Ako na ang bahala sa anak ko.” Binaling ko ang tingin kay Ninang. Nang hindi ko kayang tagalan ang tingin nito ay nag-iwas na lang ako ng tingin at matapos tumango. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumalikod na si Ninang at lumakad papalabas ng kwarto. Nang narinig ko ang pagsara ng pinto ay doon tumulo ang luha na pinipigilan ko at tahimik na umiyak. Ninamnam ko muna ang sakit mula sa mga narinig kay David kanina lang. Ilang sandali ay tumigil ako sa pag-iyak at pinahid ang luha ko. “Hindi ako agad susuko, David. I’ll get what I want by any means. Kahit pa magpabuntis sa ibang lalaki at ipaako sa’yo ay gagawin ko!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook