She Nakahilata ako sa kama. Nakatitig sa puting kisame habang nagpapalipas ng oras at iniisip kung bakit ako nagdalawang isip na sumagot. Malinaw parin sa isip ko ang ilang segundong pagbabago ng isip ko. Alam ko, alam na alam ko sa isip ko kung sino ang dapat kong isagot sa tanong na naroon siya sa pagpipilian. But that Montefalcon's brown eyes seems bewitched me for seconds. " Eli or me? " Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko ba alam kung sadyang nakakaakit lang ang kulay kape niyang mga mata o ano. Natigilan ako ng ilang segundo. " It's Eli. " napakagat pa ako ng labi sa sagot ko. May kung anong kumislap sa kulay kape niyang mga mata na hindi ko mapagtanto kung ano. Hanggang sa pumlaster ng isang pilyong ngisi sa kaniyang mga labi. " Hindi naman halatang patay na patay ka