Kabanata 41

3992 Words

Joke Mataas na ang sikat ng araw sa labas ngunit nanatili lamang akong nakahiga sa kama habang pilit na ipinapasok sa utak ko lahat ng nangyari noong nagdaang gabi. Hanggang ngayon ay hindi ko parin iyon maproseso sa isip ko. Paulit ulit iyong nagrereplay sa isip ko na para bang isang video at paulit ulit din akong nasasaktan dahil paulit ulit na pumapasok sa isip ko iyong sakit sa mga mata niya. Iyong sakit na unti unting dumudurog sa akin. Unti unti akong lumalapit sa kaniya kahit na nanghihina ang mga tuhod. Nakaluhod siya sa damuhan at nakayuko ang ulo. Lumuhod ako sa harap niya upang pantayan ang mukha niya at marahang hinawakan ang baba niya at iniangat ang ulo niya. Pinunasan ko ang mga luha na nahuhulog mula sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko ay inilayo ang mukha doon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD