Chapter 3

1443 Words
Chapter 3 “MACKY AT CARDOY, linisan niyo nga ang ilalim ng kama natin. At ako ay maglalaba ngayon.” Abala siya sa pagkuha ng mga damit na kanilang nagamit na at inilalagay iyon sa palangana at tray. Kailangan niyang isabay iyon sa paglalaba ng mga damit ng kanyang amo. Isang libo na lamang at makokompleto na niya ang pampiyansa sa Ina. Sampung libo ang kailangan. At ilang buwan na ang lumipas mula noong makulong ang kanilang Nanay Salvi. Wala silang balita rito, dahil hindi naman sila makapunta sa presinto dahil walang pamasahe. “Ate! Si Nanay ho ba ito?” tawag sa kaniya ni Cardoy dahilan para lumingon siya sa mga ito. May hawak-hawak na isang kuwadro si Cardoy at pinakita ito sa kanya. At ganoon na lamang ang pagkakanganga niya nang makita roon ang larawang ipininta ng Inang si Salvi. “Si Nanay nga ito, Cardoy at Macky,” pagkumpirma niya. Ngunit bakit ganoon? Nakasuot doon nang magarang damit ang kanilang Ina? At sobrang ganda nito roon habang may kolorete ang mukha. “Sobrang ganda ni Nanay diyan, ate! Tulad mo,” biglang wika ni Macky na siyang nagpangiti sa kanya. “Mana si Ate kay Nanay eh. Sumunod kayo sa akin, itatanong natin ito kay Lola Sarah.” Agad namang sumunod ang dalawa niyang kapatid sa kaniya. “ISA DATING SIKAT NA MODELO at artista ang inyong Ina, Esang, Macky at Cardoy. Kaya ganito kagara ang suot ng inyong ina sa pintang ito. Ito pa ang araw na maayos pa ang pag-iisip niya at hindi siya nabaliw.” Mataman na nakikinig ang tatlo sa kwento ng kanilang Lola Sarah. “Bakit ho nabaliw si Nanay, Lola?” tanong ni Esang na siyang nagpaiyak sa kanilang Lola Sarah. “Dahil sa panggagahasa sa kanya, kung saan ikaw ang naging bunga Esang. Ginahasa siya ng kanyang dating nobyo noon nang malasing siya at malulong sa ipinagbabawal na gamot. Kwenento niya pa sa akin kung paano siya pagtulakan ng CEP kung saan siya nagtatrabaho. Naglasing siya para makalimutan ang dagok na iyon sa kanyang buhay. Umuwi siya ritong sawi. Maayos pa ang pag-iisip niya noon, nang malaman niyang buntis siya. Hindi naman kasi maipagkakaila ang ganda ng aking anak na si Salvi kung kaya’t hindi ako magtataka kung bakit siya ginahasa. Marahil sa dinibdib iyon ng inyong Ina kaya siya nabaliw, nanumbalik uli kami sa dati. Hindi ko siya tinaboy kahit na iniwan niya ako noon at hindi binalikan, tinanggap ko siya dahil naiintindihan ko ang kalagayan niya. . . Kaya napunta kami sa ganitong sitwasyon. Sunud-sunod na kamalasan ang nangyari sa amin ng Nanay Salvi ninyo. Nasunog ang napundar niyang bahay at nanakaw ang pera niyang naipon sa bangko.” Hinagod ni Esang ang likuran ng Lola Sarah niya dahil sa mabigat na paghikbi nito. “Dahil doon tuluyan nang nabaliw ang Nanay ninyo. Hanggang sa magahasa ulit siya rito sa eskwater at ang naging bunga ay si Macky. Hindi nakilala ng Nanay ninyo ang lalaki dahil wala na talaga siya sa matinong pag-iisip. Iyak nang iyak lang siya noong araw n iyon, anim na taon ka na noon Esang. At nasundan pa ulit iyon, at ang naging bunga si Cardoy. Labis ang karanasan ng inyong Ina. At labis na naman ito, nakulong pa siya.” Hinawakan niya ang canvas kung saan nakapinta ang mukha ng kanyang Ina. Niyakap niya iyon saka humikbi. Naaawa siya sa kanyang Ina—kay Salvi Asuncion; na hindi niya aakalaing isa palang sikat na modelo at artista dati. Kinapa niya ang likod ng canvas at ganoon na lamang ang pagkunot ng kaniyang noo nang may makapa mula roon. Agad niyang tiningnan ang likod ng kuwadro at nagimbal sa nakita. “Lola!” gulat na sigaw niya nang makakita ng isang na box mula roon. Para iyong lihim na pinagtataguan ng kung ano. Binuksan niya iyon. Nakaabang naman ang kanyang Lola at dalawang kapatid. At ganoon na lamang siyang napatutop sa kanyang bibig nang makita ang libong pera sa loob niyon. “Pera. . .” usal ng kanyang Lola Sarah saka ito napahikbi. Maging siya ay napahikbi na rin. “Mahabaging Diyos. Salamat!” Nag-sign of the cross pa ang kanyang Lola Sarah. Nagpasalamat siya nang tahimik sa Diyos na nasa langit. “May pera na tayo, pampiyansa.” Thank you, Lord. Piping usal niya sa Diyos. ** “ANONG GINAGAWA niyo rito?” salubong ng isang pulis kina Esang. Kasama niya ang kaniyang mga kapatid at ang lola Sarah niya. Ito agad ang salubong sa kanila nang makatuntong sa loob ng presinto. “Andito ako para magbigay ng piyansa kay Salvi Asuncion.” Tumawa ang pulis na kaharap niya sa information desk. “Salvi Asuncion? Iyong modelo at artista na naging baliw? Naku, iha. Huli ka na ng dating. Patay na siya, isang linggo na ang nakakalipas.” Napasinghap siya sa narinig maging ang kaniyang dalawang kapatid at lola Sarah. “Hindi! Hindi totoo iyan!” sigaw niya rito. Hindi na rin niya mapigilan ang pagluha. “Hindi pa patay si Nanay!” segunda pa ng dalawa niyang kapatid. Ang lola Sarah naman niya ay lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Hindi pa patay ang anak ko.” Ngumisi ang pulis at tila hindi niya nagustuhan ang ngising iyon. “Pasensya na, pero nagsasabi ako ng totoo. Natagpuan na lamang siya sa kulungan na hubo‘t hubad. Puno ng mga sunog na malilit na marka ang kaniyang buong katawan, at galing iyon sa upos ng sigarilyo. Dilat ang mga mata at wala nang buhay nang madatnan namin siya. Ayon sa autopsy result, ginahasa siya matapos gawin ang karumaldumal na pagsunog ng sigarilyo sa kaniyang katawan. Kung ayaw niyong maniwala, pumunta na lamang kayo sa morgue at kunin na ninyo ang bangkay ni Salvi Asuncion.” Napakuyom ang kamay ni Esang habang pinipigilan ang pag-iyak. “Umalis na kayo rito. Nadudumihan ang opisina namin at ang babaho niyo. Alis!” pagtataboy ng isa mga pulis na naroroon. Nanlilisik ang mga mata ni Esang habang papalabas silang magkapatid at maglola ng presinto. Nang tuluyan na silang makalabas ay napagpasyahan nilang dumaan sa morgue pero wala silang madatnan doon na bangkay. Wala roon ang bangkay ni Salvi. Tinanong ng kanilang lola Sarah kung saan ang bangkay ay walang sinabi ang taong nagbabantay roon. Naging tikom ang bibig nito hanggang sa makaalis sila. “May mali sa nangyayari, Lola. Sigurado akong may ginawa sila kay Nanay.” Pauwi na sila sa barong-barong habang kalong-kalong niya pa rin ang pitaka kung saan nakalagay ang pera na pampeyansa. “Hindi ko lubos maisip na, ganoon ang dinanas ng inyong ina sa loob ng kulungan. Kung patay na talaga si Salvi disin sana'y nandoon talaga ang bangkay niya sa morgue. Pero wala naman, hindi naman nagsasalita iyong bantay roon,” aniya Lola Sarah. “Ate. . . patay na ba talaga si Nanay? Hindi na ba natin talaga siya makakasama?” tanong ni Macky. Hinawakan ni Esang ang kapatid sa balikat nito at inalo niya. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito habang nakayuko. “Sa ngayon, Macky. . . hindi pa masasagot 'yan ni ate. Hintayin na lamang natin kung ano ang mangyayari, ha? May posibilidad na buhay pa si Nanay dahil hindi pa natin nakita ang bangkay niya. Magdasal na lamang tayo, okay?” Tumango ang dalawa niyang kapatid. Ngumiti siya at ginulo ang buhok nila Macky at Cardoy. Tumingin siya sa Lola Sarah niya at nakangiti ito habang nakatitig sa kanilang magkapatid. “Lola. . . paano po itong pera?” tanong niya rito. “Itago na lang muna natin iyan, apo. Sa ngayon ay umuwi na tayo at magluluto ako ng masarap na pananghalian. Adobong kangkong at pritong tuyo!” Lumukso ang mga kapatid niya at tuwang-tuwa na nag-unahan na sa pagtakbo papunta sa kanilang barong-barong. Napangiti siya at napailing. Nanatili siyang nakatayo at hinayaan ang Lola Sarah niyang lumakad papalayo sa kanya. Tumingala siya sa langit at napausal na sana ay buhay pa ang kanilang Nanay Salvi. Hindi niya makakayanan kapag wala na talaga ang Nanay nila. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy na sa paglalakad. Maaga pa siya bukas para humanap ng trabaho. Matagal na niyang balak na pumasok bilang kasambahay roon sa may bayan. Makakatulong ang kikitain niyang pera para sa pag-aaral ng kanyang dalawang kapatid. Hindi sapat ang paglalaba lamang niya sa mga bahay-bahay. Kulang na kulang iyon sa pagkain pa lang nila at tubig; idagdag pa ang kuryente at task nila sa lupang tinitirhan. Napakahirap ang mamuhay sa Tondo, Maynila. Lalo na kapag walang permanenteng trabaho ang isang tulad niya na may mataas na sweldo. Kapag ganitong walang pinag-aralan ang isang tao sa panahon ngayon ay wala kang lugar sa mundo. Isang kahihiyan at walang kakayahan na umunlad sa sariling diskarte; ganoon ang tingin ng mga ilang tao sa kanilang mga mahihirap at naninirahan sa eskwater. Malaki talaga ang diskriminasyon sa Pilipinas— ang sariling kababayan ay siyang lalaglag sa sariling kababayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD